Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 2)

3447 Words
Naunang tinanggal ni Gil ang suot na maong pants kasunod ang tshirt at di ko maiwasang tumingin dahil sa liit lang naman ng kwarto kasi. Palibhasa k​​​​‏‌‍​​​​‏‎‏​​​​‏​‌​​​​‏‍​​​​​‏‎‌​​​​‏‍‌​​​​‏‍​​​​​‏​‎​​​​‏‌‏​​​​‎‏‍​​​​‏‌‎​​​​‏‌​​​​​‎‏‎​​​​‏‍‌​​​​‏​‎mkmkm naglalaro ng basketball eh maganda ang kanyang mga binti at ang kanyang katawan ay bumabagay sa kanyang tangkad. May mga maninipis na balahibo sa kanyang dibdib pababa sa pusod at dahil maputi siya, kitang kita ito. "Bakit ako walang ganyan?" "Walang ano Kaloy?" "Yan, mga balahibo mo sa sa dibdib." "Hati tayo gusto mo hehehehe." "Sira, paano mo naman hahatiin ang balahibo no, matulog na nga tayo at gabing gabi na." Pinatay ko na ang tv at ang ilaw at humiga na. Nasa may bandang sulok si Gil. "May kumot ka pa ba Kaloy?" "Meron pero nasa kwarto ng inay eh, teka, hihingi ako." "Uy wag na, nakakahiya at baka tulog na sila, pwede share na lang tayo sa kumot mo, malaki naman yata yan eh." "O sige, walang problema, basta wag mo lang solohin at hindi talaga ako makakatulog na walang kumot. Kahit nga tag-init ay nakakumot pa rin ako." "Pareho pala tayo, ako ganun din." "O sya tama na ang daldal, tulog na tayo at may pasok pa ako bukas at ikaw naman maaga pang gigising dahil uuwi ka pa. Isa pa, wag kang masyadong malikot ha at di ako sanay may katabi sa kama." "Ang sungit naman nito, palibhasa matanda na." "Anong matanda, uulitin ko ha, isang taon lang ang tanda ko sa iyo, wag mong kalimutan yan. Tulog na tayo, tahimik ka na dyan." "Hehehe ang sungit talaga ng matanda." "Ang kulit nito, tulog na nga tayo." Madali akong nakatulog dahil sa pagod at minsan nagugulat na lang ako pag tumatama ang tuhod ni Gil sa tyan ko. Napakalikot palang matulog ng batang ito at kung saan napupunta ang mga kamay at binti. Ginising ako ni Gil mga bandang alas-sais ng umaga at uuwi na raw siya at may pasok pa sya. Nagmamadaling hinubad ni Gil ang short na pinasuot ko at sinuot na ang kanyang maong na pantalon at napangiti ako sa nakita. Halata ang bukol sa kanyang briefs at hindi nakalagpas ang pag ngiti ko. "Ano naman ngingiti mo dyan, normal lang yan no, ang bastos ng matandang ito talaga." "Hahaha, wala naman akong sinabi ha, o sige tapusin mo na yan para makalayas ka na." "Kita mo to at pinapalayas pa ako." "Teka, gusto mo muna magkape o gatas bago umalis, may oras pa naman eh? Ano pala oras ng pasok mo sa school? "1st subject ko mga 9 pa naman, sige magkape muna tayo at ayoko ng gatas no, di na ako bata." Lumabas ako ng kwarto upang magtimpla ng kape at nag good morning sa nanay ko na nagkakape din at pinaalam ko sa kanya na k​​​​‏‌‍​​​​‏‎‏​​​​‏​‌​​​​‏‍​​​​​‏‎‌​​​​‏‍‌​​​​‏‍​​​​​‏​‎​​​​‏‌‏​​​​‎‏‍​​​​‏‌‎​​​​‏‌​​​​​‎‏‎​​​​‏‍‌​​​​‏​‎mkmkm dito na natulog si Gil kagabi dahil tinamad ng umuwi. Ngumiti lang ang inay at inabot sa akin ang supot ng mainit na pandesal at dinala ko sa loob ng kwarto. "Sir, ito na ang kape nyo at mainit na pandesal, is there anything else Sir Gil?" "Hahaha, gago ka talaga, akina yang kape." Pagkapukaw ng damdamin... Pag-alis ni Gil, nagmamadali akong naligo at nagbihis papuntang eskwelahan. Pagdating ng hapon praktis na naman para sa papalapit na concert. Mabuti na lang maaga kaming pinauwi at nagkaroon ako ng panahon para mag-aral sa aking mga subjects. Sa kwarto, napansin ko ang shorts at tshirt na suot ni Gil at di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at inamoy ko ang mga ito ng bigla akong natauhan. Ano ba ang ginawa ko? Bakit kaya biglang pumasok sa isipan ko si Gil? Lumipas ang mga araw at gabi, hindi mawawaglit sa aking isipan si Gil at yong shorts at tshirt ay hindi ko pinalabhan at nasa ilalim ng akin unan pag umaalis ako. Di ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa mga sandaling ako'y nag-iisa. Naganap ang hindi inaasahan... Naging matagumpay ang ginanap na concert namin sa school ng biyernes ng gabi at lalong dumadami ang aming mga tagahanga. May inihandang party si Sir Ryan sa bahay nila at pumunta kaming lahat ng casts and crews para mag-celebrate. Masaya ang kainan, kantahan at inuman pero hindi ko nakikita si Gil. Ayoko namang tanungin si Sir Ryan at baka kung ano pa ang isipin nito. Mga 11:30 na ng gabi ng humupa na ang kasayahan at medyo lasing narin kami kaya nagpapaalam na kami kay Sir Ryan. Sa may kanto habang nag-aabang ng masasakyan na tricycle ay may dumaan na kotse at bigla na lang itong huminto sa pagkalagpas lang ng konti sa aking kinatatayuan at bumaba ang isa sa mga pasahero na may dalang bag na malaki at naka-shorts lang. Ng may parating na tricycle at pinara ko na ito ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Akma na akong sumakay sa tricycle ng nakita kong papalapit si Gil at mukhang pagod at kulang sa tulog. Pinaalis ko na lang ang tricycle. "Uy Kaloy sa bahay ka ba ni Kuya nanggaling?" "Oo, ikaw Gil saan ka nanggaling at tila yata pagod at puyat ka?" "Sa bahay ng kaklase ko, may tinatapos kaming projects at pinagtulong-tulungan namin para matapos kaagad. Uy Kaloy, sorry pala ha, di ako nakapunta sa concert nyo, gustuhin ko man eh di pwede dahil nga dito sa projects namin. "Okay lang yon, concert lang yon no. Mas importante yang ginagawa nyong projects." "Pauwi ka na ba Kaloy? "Oo Gil, medyo may tama na ako at di ako sanay kasi uminom eh. O paano" "Teka amoy beer ka ah, akala ko ba bawal ang inuman kina kuya." "O paano Gil, may tricycle na parating, uwi na ako ha?" "Hatid na lang kaya kita, hiramin ko kotse ni kuya." "Naku wag na no, abala pa yan, at isa pa, pagod ka narin kaya dapat pahinga ka." Pinara ko ang tricycle at sumakay at nagulat na lang ako ng biglang sumakay din si Gil at sya pa mismo ang nagsabi sa drayber kung saan ang address ng bahay ko. "Huy Gil, saan ka pupunta, di ba dapat uuwi ka na?" "Oo pero kung papayag ka, gusto ko matulog ulit sa bahay mo, bukas na lang ako uuwi sa amin, total tapos na yong projects namin at isa-submit na lang namin by Monday kaya okay na ako. "Ikaw talaga, baka hahanapin ka sa bahay nyo nyan." "Okay lang yon, ang pagkakaalam nila nasa bahay parin ako ng kaklase ko." "Eh paano yan kung tawagan yong kaklase mo at wala ka doon?" "Ano ka ba Kaloy, ang dami mong inaalala, pwede ba, ako na bahala dyan." Hindi na ako umimik at nahihilo na ako sa tama ng beer at napapikit ako. Pagdating sa bahay, ginising ako ni Gil sa pagkaidlip at binayaran na pala nya ang tricyle drayber. Pagpasok sa bahay ay tulog na ang mga nanay at derecho na kami sa kwarto ko. Iniwan ko muna si Gil at naligo ng mabilisan dahil sa lamig ng tubig at tulad ng dati, binasa ko yong face towel para ibigay sa kanya. Pagpasok ko ng kwarto, laking gulat ko ng makita kong hawak ni Gil yong ginamit nyang shorts at tshirt ng matulog siya sa bahay noon. Di ko alam ang gagawin at kunwari wala akong nakita. Nagmamadali akong isuot ang shorts na ginamit ko kagabi at pinatong sa balikat ko ang tshirt at naupo sa kama kung saan nakahubad na ng rubber shoes si Gil at naka medyas na lang. "Di ba ito yong pinahiram mong shorts at tshirt sa akin noon Kaloy?" "Shhhh hinaan mo lang boses mo baka marinig tayo ng mga inay. Oo, yan nga, bakit Gil?" "Di pa ba nalalabhan ito at parang luma na ng amoy?" "Ha eh, di ko pa naibigay kay inay para labhan eh, hayaan mo bukas ilalabas ko na ng kwarto yan." Tumahimik si Gil at tinitingnan ako pero di ako makatingin sa kanya at ng akma ko ng isuot ang tshirt ay bigla nya itong kinuha. Pinaabot nya sa akin ang bag nyang dala at may kinuhang tshirt at binigay sa akin. "Yan ang isuot mo, palit tayo." "Ha? bakit eh luma na yan eh, pambahay ko lang yan samantalang ito eh bago, sayang naman na itutulog ko lang." "Wag ka ng magreklamo Kaloy, basta, suot mo yan." Sinuot ko na lang ang tshirt nya at si Gil naman ay naghubad sa harapan ko ng kanyang shorts at tshirt at gamit ang face towel ay pinunasan ang kanyang mukha at dibdib habang di ko maiwasang manood. Alam ko na alam nya na pinanood ko siya pero hindi siya kumikibo ng bigla nyang inabot sa akin ang face towel at nakikiusap na punasan ang kanyang likuran. Tumalikod siya sa akin at kaagad ko naman itong pinunasan mula leeg pababa hanggang sa may garter ng kanyang suot na briefs. Pagkatapos ay binalik ko sa kanya ito at saka pa lang nya pinunasan ang kanyang kilikili at humiga na ito sa kama. "Teka kuha lang ako ng shorts na maisuot mo Gil." "Wag na Kaloy, okay lang ako, actually mas gusto ko nga naka-briefs lang matulog. Sa bahay naka-briefs lang din kami ni Kuya Dan ko." "Eh bakit last time nagshorts ka?" "Syempre, hiya naman ako sa iyo no, di pa tayo close noon." "Hahaha baliw, o sige, tulog na tayo at hilo parin ako sa nainom ko kanina." "Teka, kamusta pala concert nyo Kaloy? Successful ba?" "Oo, ang daming taong nanood, suportado kasi ng school kaya halos lahat yata ng mga estudyante eh andoon. Sayang hindi ka nanood, sana nadagdagan pa ng isang papalakpak kanina, hehehe." "Sayang nga eh, alam mo naman siguro na gusto ko talagang manood, pasensya na talaga." "Okay lang yon Gil." Inaayos ko ang pagkahiga ko at nagkumot habang si Gil ay parang may malalim na iniisip. Hinatak nya ang kumot at nakikumot na rin at hindi maiwasang magdikit ang aming mga binti at braso. "Kaloy, may itatanong ako." "Akala ko tulog ka na, ano yon Gil?" "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, bakit hindi mo pinalabhan ang shorts at tshirt na ito?" "Ha? ah eh, nakalimutan ko lang talaga ibigay sa inay para malabhan Gil." "Hmmm okay. Sige tulog na nga lang tayo kahit alam ko na nagsisinungaling ka sa akin." Sabay talikod sa akin. "Eh kung sasabihin ko ba sa iyo ang totoo, di ka magagalit sa akin Gil?" "Wag na Kaloy, tulog na lang tayo. Ayoko ng malaman pa kung ano man yan." Hindi na ako kumibo kaya pinilit ko na lang maidlip pero hindi ako dinadalaw ng antok at pinakiramdaman ko lang si Gil na hindi narin kumikibo na nakatagilid parin. Ilang oras ng nakalipas ng dinalaw na ako ng antok ng biglang pabulong na nagsalita si Gil. "Kaloy, gising ka pa ba?" "Mmmmmm ano ba naman Gil, ngayon lang ako dinalaw ng antok nanggising ka pa, ano ba problema?" "Yong tanong ko kanina, sagutin mo na." "Ha? eh di ba sabi mo ayaw mo ng malaman pa, ang kulit mo naman?" "Sige na gusto ko ng malaman, please Kaloy sabihin mo na." "Uhum, okay sasabihin ko pero sana wag kang magalit sa akin Gil. Pinilit mo akong sabihin ito. Hindi ko pinalabhan ang mga yan dahil gusto kong nandito lang yan sa tabi ko para maalala kita kahit sa pagtulog ko. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita at lagi kong iniisip na katabi kitang natutulog. Kung masama man ito, pasensiya na. Kung ang sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko. Basta hindi ko ma-explain Gil at sana di ka galit." Napabuntong-hininga si Gil at bumalik sa paghiga at nakatingin sa kisame. Ako naman ay kinakabahan kung ano ang kanyang sasabihin. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag akyat-baba ng kanyang hubad na dibdib sa paghinga. "Alam mo Kaloy, di naman ako galit eh, medyo nagulat lang ako sa sinabi mo. First time ko kasi na-experience ito. Ang pagtatapat mo bilang isang lalaki – sa naramdaman mo. Di ko alam kung anong nasa isip ko ngayon, medyo naguguluhan din ako Kaloy." "Pasensya na Gil, hindi ko naman sinasadya ito eh basta na lang dumating, patawad ha?" "Ano ka ba? Wala ka namang dapat ihingi ng pasensya o pagpapatawad eh, di mo naman kasalanan yan." "Gil, kalimutan na lang natin ito, siguro bunga lang ito ng kung ano-anong iniisip ko, siguro bukas wala na ito at makakalimutan ko na rin. Uulitin ko pasensiya na talaga ha.? Sige tulog na tayo." Inayos ko ang paghiga ko at si Gil ganun din. Pareho kaming nakatitig sa kisame ng maliit kong kwarto, walang nagsasalita, pawang ang tanging naririnig ay ang lakas t***k ng aming mga puso... "Gil may request sana ako sa iyo at sana'y pagbigyan mo ako. Hindi ko na kasi matiyak kung pagkatapos nito ay magkikita pa tayong muli." "Ano yon Kaloy? Kung kaya ko ba, bakit hindi." "Pwede ba kitang mayakap kahit sandali lang?" "Akala ko kung ano na hihilingin mo Kaloy, kinabahan tuloy ako. Yakap lang naman pala eh." Tumagilid ako paharap sa kanya at si Gil tumagilid din paharap sa akin. Nabigla ako ng si Gil na mismo ang yumakap sa akin at sa pagkabigla ko napatingin ako sa kanya. "O akala ko ba gusto mo ng yakap, hayan niyakap na kita kulang pa ba ang higpit ha Kaloy?" "Okay na sa akin ito Gil, maraming salamat talaga at pinagbigyan mo ako Maligaya na ako kahit ganito lang." Hindi kumibo si Gil at pinagpatuloy ang pagyakap sa akin at humigpit din ang yakap ko sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas tinigil na ni Gil ang pagyakap sa akin at humiga ng maayos. Kinuha nya ang aking kaliwang kamay at ipinatong sa kanyang dibdib. "Hayan, ganyan lang Kaloy wag mo tanggalin ang kamay mo sa dibdib ko at gusto kong matulog tayo na ganito ang posisyon, okay ba?" "Oo Gil, salamat muli." Ilang sandali pa, dinalaw na kami ng antok at nakatulog na magkayakap. Kinabukasan, nauna akong nagising at k​​​​‏‌‍​​​​‏‎‏​​​​‏​‌​​​​‏‍​​​​​‏‎‌​​​​‏‍‌​​​​‏‍​​​​​‏​‎​​​​‏‌‏​​​​‎‏‍​​​​‏‌‎​​​​‏‌​​​​​‎‏‎​​​​‏‍‌​​​​‏​‎malibog tulog pa si Gil na umiba ng posisyon. Siya na ngayon ang nakatagilid at nakapatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat habang ang kanyang kanang kamay at mga binti ay nakapatong sa aking katawan. Hindi ako gumalaw at hinayaan ko na lamang siyang ituloy ang pagtulog. Maligaya ako dahil hindi galit si Gil sa akin. Pagkalipas ng kalahating oras, nagising din si Gil sa wakas at ngumiti ito sa akin. "Hay salamat nagising ka na, kanina pa ako kapeng-kape eh." "Ha? bakit di ka pa nagkakape?" "Paano naman ako makatayo eh ang tindi ng yakap mo sa akin no, hindi ako makatakas, hehehe." "Hehehe sorry ha, o hayan pwede ka ng tumayo at isama mo na ako sa pagtimpla ng kape ha?" Nakangiti akong tumayo at lumabas ng kwarto at nagtimpla ng kape. Wala ang inay, siguro namalengke pero as usual may pandesal na nakahanda sa lamesa. Pinasok ko sa kwarto ang dalawang mug ng kape at ang pandesal. "Sarap ng tulog ko kagabi Kaloy, salamat pala at pinatulog mo ulit ako dito sa bahay nyo." "Okay lang yan Gil, welcome ka naman dito eh, anytime na gusto mong matulog dito punta ka lang." "Talaga ha, promise mo yan Kaloy ha." "Oo naman." "Gil, about last night..." "Wag na natin pagusapan yan Kaloy pwede? Saka na lang kung maari." "Okay, di ko na babanggitin muli. Teka Kaloy, paihi muna at kanina pa ako ihing-ihi." Sinuot muna ni Gil ang shorts na suot nya dati bago lumabas ng kwarto at nagpunta sa banyo para umihi. Pagbalik nya tinanong nya ako kung nasaan ang nanay ko at sinabi ko na siguro nagpunta sa palengke. Pagbalik sa kama, sumandal si Gil sa may dingding at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape at nakatingin sa akin. Sumandal din ako sa may uluhan ng kama at napatingin din ako sa kanya. Di ko alam kung ano gagawin ko dahil titig-na-titig siya sa akin at bigla akong naasiwa. "Kaloy, hindi ba weird ang nangyari kagabi? I mean, nakakailang kasing isipin na kalalaki mong tao eh may kaiba kang naramdaman?" "To tell you honestly Gil, ako mismo naguguluhan din. Natatakot din ako sa sarili ko at hindi ko lubos maintindihan bakit may iba akong naramdaman sa iyo. Weird nga siguro dahil pareho tayong lalaki. Pero tulad ng sabi ko kagabi, k​​​​‏‌‍​​​​‏‎‏​​​​‏​‌​​​​‏‍​​​​​‏‎‌​​​​‏‍‌​​​​‏‍​​​​​‏​‎​​​​‏‌‏​​​​‎‏‍​​​​‏‌‎​​​​‏‌​​​​​‎‏‎​​​​‏‍‌​​​​‏​‎malibog malay mo mawawala din ito. Siguro hinahanap ko lang yong pagmamahal ng isang kapatid dahil hindi ko naman ito naranasan sa mga kapatid kong lalaki eh. Naiinggit nga ako sa inyong dalawa ni kuya Ryan mo eh dahil nakikita ko kung gaano ka kamahal ng kapatid mo." "Baka nga siguro Kaloy, hinahanap mo ang kalinga ng mga kapatid mo. Kung gusto mo, ituring mo na rin akong isang tunay na kapatid, nakakabatang kapatid nga lang dahil mas matanda ka sa akin ng isang taon." "Talaga Gil, payag ka na maging little bro ko?" "Oo naman, at least ngayon tatlo na ang kuya ko, si Kuya Ryan, si Kuya Dan at ngayon ikaw, Kuya Kaloy." Natigil ang kwentuhan namin ni Gil ng biglang tinawag ako ng nanay. Lumabas ako ng kwarto at tinanong ako kung isasama daw ba nya si Gil sa pagluluto ng pananghalian. "Gil, tinatanong ng nanay kung dito ka ba raw mananghalian at isasama ka sa pagluluto?" "Kung hindi ba nakakahiya eh, sige dito na ako kakain." Sinabi ko kay inay na isama si Gil sa pagsaing at pagluto ng ulam at balik kwarto ulit ako. "Kaloy, pwedeng makiligo?" "Oo ba, pero Gil, wala kaming shower ha, buhos system lang kami dito." "Sus, ito naman para namang di ako cowboy no? ok lang yan." Tumayo ako at kumuha ng tuwalya sa aparador at inabot sa kanya. Paglabas ng kwarto bitbit ang kanyang toothbrush at toothpaste nakita siya ng nanay at nagbigay galang. "Good morning po tita, pasensiya na sa istorbo ha? makikiligo lang po." "Anong istorbo ang sinasabi mo anak, mabuti nga yon at may kakwentuhan yang si Kaloy. Pagnandito yan, lagi na lang nakakulong sa kwarto." "Hehehe ganun po ba tita? Hehehe, eh di baka panis na laway nyan." "Maligo ka na nga dyan at pagtritripan ba ako!" pasigaw kong baggit habang nasa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD