Chapter 1- Graduation

3110 Words
It’s already 6:00 pm. At tapos na ang graduation ceremony. Sobrang saya niya dahil nakapag tapos sya ng may nakuhang award. Ang sarap sa mata ng certificate niya. Zia Kyle Vicencio- Bachelor of Art in Social Science and Culinary Arts- Magna c*m Laude ito ang nakasaad sa certificate niya. Kasalukuyan silang nasa lobby ng Graduation Venue nila. Inaantay na lamang niya ang kanyang Daddy at Mommy pati kuya niya na nasa loob pa dahil nagkikipag usap pa sa mga kakilala nila. Dumating lahat ng mga gusto nyang dumating sa graduation niya maliban kay Jaz kaya nalungkot talaga sya ng makitang Mommy at Daddy lang nito ang nakapunta sa graduation niya. Gusto niyang magtampo dito pero na explain naman sa kanya Ng Mommy ni Jaz na nasa Business Trip ito dahil ito na ang namamahala sa mga negosyo nila. Right after graduation kasi nito ay Siya na ang humawak sa halos lahat na negosyo ng kanyang parents. Ang katwiran kasi nina tita Georgette at tito Sam ay ito na ang magmamana ng mga negosyong yun dahil solong anak lang naman si Jaz at sakanya naman lahat mapupunta ang mga negosyong iyon. Kaya kahit nalulungkot siya ay pinilit niyang ngumiti sa camera tuwing mag pipictures. “Zia, tara na! palabas na sina mom and dad pati si Zin sa car na natin antayin”. Nakita nya na palapit na sa kanya si Kuya Liam. Nakasuot pa ito ng pang Business attire dahil dumeretso ito sa graduation ceremony niya right after the meeting ganon din ang kanyang kuya Zin. What about tita Georgette and Tito Sam? tanong ko naman. “They are coming with us. Sinabi ko na sa kanila ang address ng kakainan natin ng Dinner Celebration”. Sabi naman nito. “Galing galing ng bunso naming ah! Parteda yan! Double course pa yan!” sabi naman ng kanyang kuya Zin na umakbay sa kanya sabay kiss sa gilid ng ulo niya. “Naman! So proud of you bunso!” Sabi din ng kanyang kuya Liam. Kong meron man siyang isa sa pinakamalaking blessing sa buhay, yun ay ang mga kuya niya na super love siya. Kahit nong bata pa sila binubully siya ng mga ito, not the bully na sinasaktan, yung parang pang sibling bullying lang na trip na trip talaga syang paiyakin ganon. Thank you mga kuys! Masaya talaga siya dahil nagkaroon siya ng mga kuya na mapagmahal sa kanya. Mayamaya pa ay nakita na niya ang kanyang parents na palabas na ng building kasama sina tita Georgette and tito Sam. “Liam, you guys go first and then we will follow your car nalang going to the venue okey? Alam nyo na ang gagawin”. Makahulugang ngiti ng kanyang mommy. Hindi naman na niya pinansin iyon dahil bigla niyang naalala ang gagawin niyang t****k challenge. Napapangiti siya. Super carried away siya ng mga nababasa niyang positive feedbacks about sa challenge “Try to kiss my bestfriend”. Yun na lamang yata ang pinapanood niya kapag nagkakaroon siya ng pagkakataong mag you tube lalo kapag matutulog na siya. One week na niyang pina plano ang challenge na iyon dapat maganda ang kalalabasan. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si ate Eira niya. Hello ate Eira? Sagot ko bigla kong nakita si kuya Liam na tumingin sa front mirror ng sasakyan. “Hello Zey! Congratulation dear! I’m so proud of you!” sabi nito. Thank you ate! Kung sana nandito ka e mas masaya ako. Sabi ko naman. “Hindi kasi pwede my dear kasi nasa Paris ako ngayon nag boboy hunting” sabay hagalpak ng tawa nito. Hay naku ate! E ano may nakita ka naman? Ano marami bang yummy?! Sabay tawa din niya. “Oo naman dear! Abangan mo sa IG ko ha. Doon ko e popost”. Sabi nito. Sige ate mamaya aabangan ko. Thank you ulit sa pagbati mo ha? I really want you to be here pero busy ka sa pag boboy hunting mo e. Sabay tawa ko. “O sya sige, enjoy your night alam kong mag cecelebrate kayo once in a life time lang yan e will talk later nalang okey?”. Sabi nito. Bigla namang sumabat si kuya Liam niya na kasalukuyang nag dadrive ng kanilang sinasakyang kotse. “Nasaan ba si Eira e loud speaker mo nga Zia?” malakas na sumbit nito na medjo eritado. Nasa Paris siya Kuya. Sabi ko naman. “What?! What is she doing in Paris? I thought she will have a team building in Palawan bakit nasa Paris yan?!” halatang eritado. Naririnig naman ni Eira sa kabilang linya ang litanya ni Liam. Ate loud speaker ko at si kuya Liam gusto ka kausapin. “Ano bang problema mo Liamot! Paki mo! Andito ako sa Paris nag boboy hunting gusto mo uwian kita ng chicks?! Dami dito”. Sabi nito. “I don’t care about chicks di ko kailangan non! Bakit ba anjan ka ha?! Kala ko ba Palawan punta mo?! “ Nababadtrip na yata to si kuya Liam. “Aba! Kailangan ko pa bang magpaalam sayo?! Saka kasama ko si Alliah dito nagkita kami! Subrang glow up na nya! Kasama namin sya mamaya sa Party. Super glow up na!” sabi nito. Saka naman napansin kong napaunat si Kuya Zin ng marining ang pangalan ni ate Alliah. Hindi ko makakalimutan yun kasi. . Basta secret guys! Abangan nyo nalang sa kwento nya! Pagalitan pa ako ni Ms. Author eh! Hehehe “What?! Nasa Paris si Alliah?! Saka bakit kayo magpaparty anong party?! Beach party na naman yan Eira tapos pakita singit na naman ikaw pa naman kapag nag two piece para ka ng h***d!” galit na saad nito. “Wow ha! So what Liamot maputi singit ko kaya ala kang paki! Sige na bye! Bye na! Baby girl Zia! Happy graduation ulit!” Sigaw nito sa kabilang linya. Thank you ate! Bye! Enjoy ka jan sa pag boboy hunting mo! Sabi ko naman sinamaan naman ako ng tingin ni kuya Liam. Pinatay na nito ang call. “Ikaw Zia ha! Sinusuportahan mo pa sa kalukuhan ang babaing yun! Baka naman mahawa ka na?!” anas nito. Bigla naman sumabat si Zin. “Subrang halatado ka na bro! napaka bagal mo kasi e!” pangiti-ngiting sabi nito. “Bakit ba! Ikaw nga mas Malala eh ha------“ di na natuloy nito dahil pinitik ni kuya Zin ang braso ni Kuya Liam. Ano ba yan mga kuys! Malayo pa ba ng venue baka naman madisgrasya tayo sa ginagawa nyong dalawa. Sabat ko naman. Wala naman akong ma gets sa pinag uusapan nilang dalawa. “Sorry na bunsuan! Ito kasing! Hmmpp! Subukan mo sasabihin ko” pagbabanta ni kuya Liam kay kuya Zin. “Subukan mo rin kala mo di ko alam ha! Mas marami ako alam tungkol sayo brad sumbong kita sa bestie mo!”. . pagbabanta nito. “Umayos ka, walang ganyanan. .” mahinahon na sabi nito. “Good. . madali ka lang pala kausap eh” pangisi-ngisi na sabi ni kuya Zin kay kuya Liam. Wala talaga akong maintindihan sa pinag uusapan nitong dalawa kong kuya. Basta alam ko lang nag uusap sila tungkol sa bestfriends nila. Few minutes later. . . . . . . Huminto ang sasakyan dito harap ng isang napaka gandang restaurant. Labas palang ang gara na. Bumaba na ako ng sasakyan ngunit hinarang ako ni Kuya Zin. “Teka lang bunso ha kailangan ka naming piringan para masaya”. . Tapos walang sabi-sabi na nilagyan ako ng panyo ni kuya Zin. Eh, bat may paganto pa kuya? Alam ko naman kong anong meron e. May pa piring-piring pang nalalaman. Kakain lang naman tapos mag cecelebrate diba? “Wala lang, trip lang naming piringan ka” rinig ko namang sabi ni kuya ni kuya Liam saka parang nagtatawanan pa silang dalawa. Hay naku! Alam na! pinagtritripan na naman ako. Ewan ko sa inyo mga kuys! Sige na! mantrip na kayo! Pagbibigyan ko kayo kasi special day ko ngayon hmmpp! Sabi ko na lamang. Naramdaman ko namang inaalalayan nila ako papasok na yata sa restaurant. Maya-maya maya pa ay may narinig akong nagsalita. “Parang sira kayo! Bat nyo pa piniringan! Babae yung nagsalita. Teka? Boses ni ate Eira yun ah?! “Teka! Kala ko ba nasa Paris ka?! Bakit nandito ka? Bat andito yan Jaz?” Narinig kong sabi ni kuya Liam. “Paki mo ba?! Gusto ko e, Saka ikaw Zin! Wag mong paka titigan si Alliah natutunaw na!” sabi nito. Teka nga lang, Ano bang nangyayari dito. Baka naman mga Kuys! Patanggal na nitong piring ko no?! sabi ko nalang kasi naiinip na ako saka narinig ko yung mahiwagan pangalan kaya pumapalakpak na ang tainga ko. “Ay oo nga pala! “ Sabi ni kuya Liam sabay nagtawanan pa ang mga ito. “Surprise!!!!!!!!! (Ate Eira, Ate Alliah, Kuya Bryan at Jaz) Ehh??!! Bat andito kayo? Nagulat ako pero super tuwa ko. Gusto ko sila yakapin lahat saka ang aking irog. Joke! Bestfriend pala! “Ayaw mo yata eh! Tara na guys uwi na tayo!”. . Kunyari tampong sabi ni ate Eira. Hindi ah. . Shock lang ako kasi andito kayo. May pa Paris ka pa ate Eira e. Sino ba ang nag-isip ng surprise na to? “Eh di sino pa, ang bestie mo!” Sabi naman ni Kuya Bryan. Si kuya Bryan nga pala guys, kaibigan din nina kuya mula pa dati. Niyakap ko silang lahat, ngunit huli kong niyakap ang aking bestfriend na aking love. Subrang thank you bess. . Kala ko di ka na makakarating eh. Sabi mo kasi busy ka. Sabi ko rito. “Pwede ba naman yun na hindi ako makakarating sa special day mo. Congratulations bess!” sabay g**o sa buhok ko. Ugali na nya yun kaya sanay na ako. Dumating na rin sina Mommy at Daddy pati sina tita Georgette at tito Sam. Binati nila ako at nagkaroon talaga ako ng memorable graduation celebration. Subrang saya lang talaga ng nararamdaman ko. Nag overnight sina ate Eira at ate Alliah sa bahay namin at kinulit na naman ako tungkol sa t****k challenge. Andito kaming tatlo ngayon sa room ko at yun nga ang pinag-uusapan namin. Naki overninght din ang mga boys at nandoon sila sa guestroom. Ang rinig ko kanina ay mag Momobile Legends daw ang mga ito. “Oi Bebe girl kala ko ba gagawin mo na yung challenge? Hmmp! Gusto ko nga din e try kay Liam eh! Hahaha” hagalpak nito. “Oi! Ikaw Eira ha! Pag napahamak yang bunso natin patay ka talaga!” sabat naman ni ate Alliah. “Naku! Hindi yan promise! Saka challenge lang naman yun girl! Saka alam mo ba, iba to makatingin kay Jaz si Zia eh, ano bebe? Umamin ka na kasi. . tayo tayo lang naman dito eh”. Pangbibisto nito. Hindi ahh! Ate bestfriend ko lang talaga si Jaz. Tudo tanggi ko. “Hasos! Halatang halata ka kaya bebe aminin mo na kasi”. . Pamimilit ni ate Eira. Hindi nga ate Eira. I swear! Hindi talaga ako aamin. Kahit anong mangyari. “Ikaw talaga Eira! Bestfriend nga lang sila e”. Sabi naman ni Alliah “O, sige na nga maniniwala kami. Sa isang kondisyon!, hmmppp gawin mo yung t****k challenge”. Sabi naman ni Eira na nakangisi. Nagdadalawang isip talaga ako pero desidedo talaga akong hinding-hindi ako aamin na may gusto ako sa bestfriend ko. Kilala ko si ate Eira, madaling madulas ito baka ano pang mangyari kapag umamin ako. Ah! Basta bahala na! Oh sige! Taas noo kong sabi kahit kabado ako. “Sige, within this week ha! At. . dapat live!” hirit nito. “Oi! Grabe ka na talaga Eira. Napaka tuso mo. Kapag yan napahamak at magalit si Jaz kay Zia, Naku Eira! Dudurugin ka talaga ng konsensya mo. Sinasabi ko sayo.” Sabi naman ni Ate Alliah. Sa kanilang dalawa kasi talaga si ate Eira medjo may pagka wild yan si ate Alliah naman kabaliktaran medjo may bahid ng conservativeness. “Ano ka ba Alliah, kung Bestfriend lang talaga sila, di yun magagalit no! saka kilala na natin si Jaz, sus! Dami na yang nahalikan na chicks! Para namang di natin alam na maraming naging chicks yan nong college tayo”. Mahabang litanya ni ate Eira. Nasaktan naman ako bigla sa sinabi ni ate Eira. Marami na palang naging jowa ang aking bestfriend. Sabagay, Mas alam nila siguro dahil kaklase nila si Jaz. Nawalan tuloy ako ng gana. Saka naririnig rinig ko lang din sa school na ganon nga daw pero ayaw ko namang paniwalaan kasi nga wala naman akong nakikitang kasama nito or something. “Oi! Zia? Okey ka lang? Bigla kang natahimik jan? “ Sabi naman ni ate Alliah. “Bakit bebe Zia? About ba kay Jaz? Nagulat ka? Ahmmm totoo yun, Kaya gawin mo na yung challenge para magtanda yang si Jaz. “ sabay hagalpak nito. Ito talagang si ate Eira napaka walang pakiramdam e sakit kaya. Sa isip-isip ko. Hmmp! Basta! Di ako maniniwala hanggat wala akong nakikita. Wait lang mga ate baba lang ako kukuha ako ng snacks natin. Sabi ko para ma divert lang ang usapan. “Sige bebe, baka may chocolate kayo bigyan mo ako. Hehe” sabi ni ate Alliah. “Naku, bebe, kabisado na natin itong si ate Alliah mo”. Sabay ngiti nito. I think marami doon ate. Sige, ikukuha kita. Sabi ko nalang at dumeretso ako sa kusina wala na akong suot na b*a alas 12:30 na, tiyak namang wala na sigurong bababang mga boys. Hindi ko nalang binuhay ang ilaw kasi kabisado ko na ang kitchen namin kahit akoy nakapikit pa. Nakapantulog na kasi ako, Malaking tshirt at maikling shorts ang suot ko. Binukasan ko kaagad ang ref. nag halughog ng chocolates. Hmmppp. . ano kaya ang gusto ni Ate Alliah? Mahina kong sambit. Kumuha nalang ako 5 pirasong Merci in different flavor saka 3 cans of royal orange. Magdadala nalang ako ng chitcherya. Kaso nasa hanging cabinet kailangan ko pang akyatin kasi mataas masyado para sa akin kapag sina kuya kasi ang nag grogroceries sa tutok talaga ilalagay alam naman nilang may kasama silang medyo kinulang sa height. They are 5’9 to 6 feet kamusta naman akong 5’3 in height lang nakuha ko kay mommy yung height ko. Wala akong choice kundi tumontong sa island kitchen counter para maabot ang hanging cabinet. Kumuha na ako ng 2 Nova at 2 Piatos. Pababa na ako ng biglang may naapakan akong konteng basa. Shocks ma oout balance ako! Hindi na ako nakasigaw sa gulat ko. Ngunit imbis na tiles ang sumalo sa akin ay dalawang matitipunong bisig. “gotcha!” kahit madilim alam na alam ko kung sino. Kahit madilim ay ramdam kong nakatitig si Jaz sa akin we are so close dahil ang posisyon naming is like bridal carry nya ako. Super dikit ang buong katawan ko sa kanya dahil sa pagkakasambot nya sakin. Para tuloy na electric shock ako parang ganon basta! Pero syempre di ko naman naranasang ma kuryente. Parang kagaya ng mga nababasa ko sa mga tagalog novel. Ganito pala ang feeling kapag magkadikit kayo ng crush mo. Sana tagalan pa nya ang ganitong posesyon naming kahit kunin na ako ng langit. Joke lang! Jaz. . . tanging nasambit ko kasi parang nabibingi ako sa t***k ng puso nya di ko na alam kung kanya ba yun o akin! Para tuloy akong nasa clouds. Sana wag ng matapos tong moment na to please. Tanging nausal ko. Sa tagal naming mag-bestfriend ni Jaz ay nagging komportable na kami sa isat-isa pero dahil nagiging mature na kami parehas ay hindi na pwede yung lagi ko syang kasama. Marami na syang mga bagay na pinagkakaabalahan kagaya ng negosyo kaya minsan nalang kami nagkakasama ng matagal kapag may occasion lang gaya ngayon or may family dinner. Dahil na rin sa medjo umiiwas din ako sa kanya dahil nga sa traidor kong puso. Yung parang kapatid nya lang ako pero ako nabibigyan ko na ng ibang kulay yung treatment nya sa akin at sinusulat ko pa lahat sa diary ko ang mga nangyayari. Yes I am very unfair to him pero ang hirap pala pigilan ng feelings na ganito. Tama nga yung mga naririnig ko na kapag inlove ka raw gusto mong gawin lahat para sa mahal mo. Pero sa case ko? That’s very impossible alam kong hindi matutuwa si Jaz kapag nalaman nya na nagkakagusto ako sa kanya na higit pa sa pagkakaibigan ang turing ko sa kanya. Sabi nga sa nabasa ko sa f*******:, napaka imposible daw na hindi magka inlaban ang magbestfriend na opposite s*x, meron at meron talagang madedevelope. Maybe para sa iba hindi naman totoo pero sa case ko ito na nga. Ang masakit alam kong one sided ito dahil never akong magugustuhan ni Jaz more than best friends. Kaya kailangan ko nalang itago ng bonggang-bongga ang feelings ko. Ayaw kong dumating kami sa point na masisira ang friendship namin dahil sa feelings ko or worse ako yung cause na masira ang friendship namin at maging awkward si Jaz sa akin. Naputol ang cloud 9 moment ko dahil nilapag niya ako at binuhay ang ilaw. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at di ka nag on ng ilaw bess? Pano kung di ako bumaba e di pinaglalamayan ka na bukas” sabi nito sabay bukas din ng ref. at nakita kong kumuha sya ng 4 na cans ng beer. Di parin ako nakaka move-on sa nangyari. We are too close a while ago. I can still feel his arms touching my body when he catches me. Gusto kong tumili sa kilig pero di pwede. Mas naguguilty ako kapag nakikita ko si Jaz dahil sa stup*d feelings ko na ito. Kung pwede lang sapakin ko si Kupido at nakikita ko sya gagawin ko. Nagkamali pa sya ng pinana! Bakit ako? At bakit sa bestfriend ko pa ako nahulog na hindi naman sasaluhin yung feelings ko. Yes! Literal na pagkasalo sa muntik kong pagka bagsak sa tiles kanina pero hindi ang feelings ko palala ng palala everyday na nakikita ko sya. Kagaya ngayon. Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil inis sa sarili ko. “I just got some beer. Ano bang kinuha mo jan? Why do you need to climb up there? Tapos di mo pa binuhay yung ilaw? Look what happen.” sabay lingon nito sa akin at medjo nagulat ito. Saka ko lang naalala at napatingin ako sa akin suot . . . Shocks! Wala nga pala akong b*a!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD