Chapter 7-Together

2108 Words
“Sinasabi ko na nga ba e. Gusto mo sya. Zey, wala ka namang dapat pagsisihan sa mga nangyari e. Saka hindi masamang magmahal. Nagkataon lang talaga na nasa magkaibang sitwasyon kayo ni Jaz. Masarap kaya mainlove Zey. Padeny-deny ka pa jan nong tinanong kita, bruhang to! It’s written all over your face madam! Pwede mong paniwalain ang iba, gaya ng mga kuya mong manhid but not me!” Maarteng sabi nito. Talaga ate? Subrang halata mo? Grabe ka. Manghuhula ka yata e. Bahagya kaming nagtawanan ni ate Eira. Ganito pala yung feeling na nailalabas mo yung nararamdaman mo sa dibdib. Sarap sa feeling at gumagaan. “Ayan, mukha ka ng baliw baby Z! tumatawa na umiiyak! Ew!” panunukso nito sa akin. Alam ko namang nagjojoke lang si ate Eira para patawanin at pasayahin ako kaya napangiti na rin ako dahil ang galling nitong mag comfort. Gumaan talaga yung dala-dala kong feelings. Parang genie na lumabas sa lampara. Ganon pala ang pakiramdam ng nasasabi mo sa iba yung nararamdaman mo. “Joke lang baby Z! gusto ko lang pagaanin ang feelings mo. Alam ko naman Zey na kaya ka nag dedeny ay dahil kilala mo ako, nangboboking talaga ako alam mo naman ugali ko, prangka ako at madaldal, pero sa mga ganitong sitwasyon, I can assure you that your secret is safe with me Zey”. Seryusong sabi nito. Sorry ate ha? Nagdeny ako. Hindi lang talaga ako ready na may makaalam na iba ng sekreto ko. Honestly lalo sayo ate, ba naman kasi, ikaw yung tipong pag lasing na, lahat ng sekreto ng kainuman mo nagsisilabasan sa bibig mo. Alam mo yun. Tuluyan na rin nauwi sa tawanan ang pagkukwentuhan naming ni ate Eira. Pumalatak naman ng tawa si ate Eira. “Don’t worry Zey, uunahan na kita, wag kang sasama kapag makikipag inuman ako para hindi ako madulas sa sekreto natin” pagbibiro nito. Grabe ka na talaga ate. Buti yung sekreto mo tungkol sa pagboboy hunting hindi mo nailalabas kapag lasing ka no? “Gaga, liberated lang ako saka lasingga pero virgin pa to no! Saka di naman ako nakikipag plok-plokan baby Z, kaya wala naman akong sekretong tinatago, I’m an open book you know!” saad naman nito. Nagpatuloy pa kami ni ate Eira sa pagkwentuhan habang nakatitig sa langit. Ang ganda ng mga bituin pagmasdan dito sa rooftop ng hospital parang abot na abot namin. Hanggang sa napagpasyahan naming bumalik na sa loob dahil baka hinahanap na kami nina kuya. Tiningnan ko ang aking relong pang bisig, alas nwebe na pala ng gabi ang bilis ng oras. Nag attempt parin akong tumawag kay Jaz pero nakapatay parin talaga ang cellphone nya. “Ang tagal nyo namang dalawa. May malay na raw si tita Georgette kaso nanghihina na sya”. Saad naman ni kuya Zin. “Pwede na bang pumasok sa ICU?” tanong nman ni ate Eira kina kuya na kasalukuyang naka upo sa bench di kalayuan sa ICU. “Oo pero isa-isa lang daw sabi ng doctor”. Sabi naman ni kuya Liam. “Until what time ba ang visitor sa ICU guys? Sasabay na ako sa inyo may meeting pa kasi ako tomorrow at 7:00AM e. What time kayo uuwi?” Tanong naman ni ate Eira kina kuya. Sinabi ko na kasi sa kanila na magpapaiwan ako while waiting to contact Jaz. Pero sabi ni mom, umuwi na muna ako at sila na ang bahala na samahan si tito Sam. They are indeed bestfriends. Pumasok na si ate Eira sa loob at naiwan kaming tatlo sa labas. Namataan ko naman si tito Sam na nasa gilid ng pintuan ng ICU kaya nilapitan ko na upang makibalita sa progress ni tita Gette. Tito. . sambit ko. Nag-angat naman si tito Sam ng tingin at bahagyang ngumiti sa akin. Kahit na napakahirap ng sitwasyon ay lumalaban parin naman si tito. Subrang hanga ako sa pagiging matapang ni tito Sam. He is indeed very cool man. “Zia anak, salamat sa patuloy mong suporta sa amin lalo na kay Jaz, nabanggit kanina ng mga kuya mo na patuloy mong kino-contact si Jaz. Kahit hindi nyo sabihin ay alam ko ang nangyayari, sana wag mong susukuan si Jazter anak. Hindi ko alam kung kakayanin kong mawala si tita Gette mo. “ Halos maluha-luhang sabi ni tito Sam. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita ko. Wag naman po kayong magsalita ng ganyan tito. Saka, susuportahan ko si Jaz sa abot ng aking makakaya. Gagaling si tita Gette tito. Magtiwala lang tayo sa taas. Tugon ko naman kay tito. “Sana nga anak”. Sabi naman nito at hindi na rin muling umimik. Kaya nagpaalam nalang ako saglit ng Makita kong lumabas ng ICU si ate Eira. Nagpaalam naman ako kay tito Sam na papasok ako sa loob upang Makita si tita Gette. Ate Eira, kamusta na si tita Gette? Tanong ko habang sinasalubong ko si ate Eira na kalalabas lang ng ICU. “Mahinang-mahina si tita. Sabi nga ng Nurse kung pwedeng papahingahin na muna siya ”. Saad naman ni ate Eira. Ah sige ate, pupunta na ako doon gusto ko lang talagang Makita si tita Gette. Tugon ko naman. “Sige---- “bigla namang nag ring ang phone ni ate Eira. “Hello? Oh? Charz? Bakit?” tanong ni ate Eira. Mukhang kausap nito ang kanyang kaibigan. Nag motion nalang ako kay ate Eira na papasok na ako sa loob para makausap si tita Gette. Tumango naman si ate Eira habang may kausap parin sa cellphone. Pumasok na rin ako sa ICU dahil kanina ko pa gustong Makita si tita Gette. Pagpasok ko ay naawa ako sa sitwasyon ni tita, ang daming aparato na naka kabit sa kanyang katawan. Parang hindi sya ang tita Georgette na kilala kong napaka energetic, masayahin saka pala biro. Lumapit ako sa bed ni tita at umupo sa side nya. May mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni tita Gette kaya hinawi ko ito upang hindi maging sagabal sa kanyang mukha ngunit naramdaman ko nalang na hinawakan ni tita Gette ang kamay ko. Ginagap ko ito at nilagay sa aking pisngi. Saka ko kinausap si tita Gette na ngayon ay bahagya ng naka mulat ng kanyang mga mata. Kamusta ka na tita? Pagaling ka na po. Hindi pa po kita nakakasama mag celebrate ng birthday ko e. Para makauwi na tayo tita. Namimis ko na yung luto mo saka, diba sabi mo sakin, tuturuan mo ulit ako ng bagong recipe mo. Mga favorite ulam palang ni Jaz ang mga naituro mo sa akin. Sabi ko habang dala ko sa kaliwang pisngi ko ang kanyang kamay. Wala akong narinig na tugon mula dito ngunit nararamdaman kong maraming gustong sabihin si tita Gette sa akin ngunit hindi nya pa kayang makipag-usap. Hindi pa ako nagtatagal sa ganong wesyo ng dumating na ang Nurse upang paalalahanan ako na tapos na ang visiting hours at kailangan ng pagpahingahin dahil under observation ang pasensyente. Lumabas na rin ako at naabutan kung naguusap sina Kuya at ate Eira. “Ano ba naman yan si Alliah! Ano bang pumasok sa kokote nya at naglalasing sya! Hay naku! Buti sana kung mataas ang tolerance nya sa alak kagaya ko”. Reklamo naman ni ate Eira. Bigla namang nagsalita si kuya Liam. “Oo! Isang damukal kang lasingga, Dapat sayo itinatali e. Wag ka lang papahuli sa akin na nag babar hopping Eira Fernando at itatali talaga kita. Di ako nag jojoke.” Sabi pa ni kuya Liam. Samantalang si Kuya Zin naman ay hindi na maipinta ang mukha. Ng mamataan nila akong lumabas ay agad naman akong sinalubong ni ate Eira. “Zey, pahiram muna ng car mo kasi kailangan masundo si Alliah sa bar na pinuntahan nila nina Chariz, Lasing na raw at nagsasayaw na sa stage kahit walang music. Gad! “ sapo ni ate Eira sa noo niya. “Hindi ka pupunta doon Eira! Kilala kita kapag nakakita ka ng bar counter na ma-magnet ka na. Baka maging dalawa pa kayong bubuhatin pauwi. Ganito gawin natin, ikaw bunso sumabay ka na sa amin. E dro-drop kita sa bahay tapos ihahatid ko sa condo nya ang ate Eira mo, at ikaw tol, ikaw ang magsusundo sa loloves mo”. Sabi nito kay kuya Zin sabay kindat. “Sige na nga! Kakainis naman tong si Liam! Masyadong ano! Walang tiwala sakin e!” reklamo naman ni ate Eira. “May tiwala ako sayo Eira, wala lang akong tiwala sa mga alak na makikita mo doon!” hirit pa ni kuya Liam. “Tama na ngang satsat nyo! Akin na ang susi bunso. Kaya ko na si Alliah. Ako ng susundo”. Sabi naman ni kuya Zin. “Hoy Zin! Ayusin mo ang pag sundo sa pinsan ko ha! Sundo lang at hatid. Baka naman saan mo pa dalhin! Uupakan talaga kita yari ka kina tita Jane! Tandaan mo”. Sabi naman ni ate Eira kay kuya Zin. “Oo na! alam ko gagawin ko. Ano akala mo sakin mapagsamantala? Alam nyang di ko sya type no”. Sabi nito na alam ko namang kasinungalingan dahil action speak louder than words ika nga, “Sige na! itudo mo yang pagdedeny mo. Yaan mo next time si Jobert na tatawagan ko. Yung manliligaw nya”. Panghuhuli nito sa in denial ni kuya Zin. “Are we gonna go or we’re going to argue here all night guys? Baka mapano na si Alliah doon”. Sabat naman ni kuya Liam. “Well, I’m sure hindi naman sya pababayaan ni Chariz don and problema lang kasi nag commute lang daw si Chariz papunta doon kasi sira ang kotse nya at nasa talyer pa. Zin, siguro sa bahay nyo nalang sya dalhin kasi nasa business trip pa sina tita, kaya siguro malakas ang loob nyan mag bar hopping at hindi pa ako sinama ni bruha!” Mahabang litanya ni ate Eira. Hay naku, basta talaga party party, game na game itong si ate Eira. Sya talaga yung kilala kong kahit ang lakas mag overtime sa work pero kapag inaya mo mag inum o kaya mag hopping abay game na game! At ganon na nga ang nangyari ayon sa aming plano. Pagdating ko sa bahay ay parang pagod na pagod ako sa buong araw. Ang daming ganap. Naiwan sina mommy at daddy sa hospital dahil gusto nilang damayan si tito Sam. Ako naman ay nagwash nalang at nahiga sa bed dahil napagod talaga ako pero naisip kong e-contact ulit si Jaz baka sakaling mag-open na sya ng phone. Pero unattended parin. Mga 3 times kong inulit. Last nalang talaga bago ako matulog, kapag hindi parin nag ring, bukas na ulit. Ito nalang talaga tanging magagawa ko at maitutulong ko sa kasalukuyang sitwasyon. Ang hirap isipin na nasa hospital ang mommy ni Jaz tapos sya naman ay walang idea doon. Ano nalang mararamdaman nito kung sakaling malaman nito na wala si Jaz at hindi alam kung nasaan. Yes tito Sam knew it. But I am sure that he will not tell tita Georgette especially with her condition. Baka madagdagan pa ang stressor nito. Imbis na gagaling ay baka magbigay pa ito ng alalahanin at isipin. Sa ngayon ay mas kailangan ni tita Georgette ng pahinga. Mga ilang sigundo pa ay napapitlag siya ng biglang mag ring ang cellphone niya. Ilang sigundo din at maya-maya ay may sumagot sa kabilang linya. “Hello? “ sabi nito sa kabilang linya. “Hello?” sagot ko naman. Kahit hindi ito magpakilala ay alam na alam ko kung sino ang nasa kabilang linya. So they are together at this very moment. Ang sakit naman isipin na yung taong mahal mo ay kasama ang taong pinaka-mamahal niya. Hindi ko alam kung anong emotion ang gustong kumawala sa dibdib ko. Basta ang anlam ko lang ay parang pinipiga ang puso ko. Kahit wala akong deperensya sa puso ay parang naninikip ito. Ngunit kailangan kong pigilan dahil alam kong may mas importante pang bagay akong sasabihin kay Jaz. Itatanong ko lang sana kung nanjan si Jaz. Mayroon kasi akong importanteng sasabihin sa kanya. Sabi ko naman habang pinipigil kong kumawala ang mga luha kong ngayon ay namumuo na. Grabe! Bakit naman subrang emotional ko pagdating kay Jaz lately. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Hindi naman ako natural na iyakin pero bakit? Dati naman hindi basta-basta akong umiiyak e. Kahit nga nasusugatan ako o nadadapa noong bata ako, wala lang. Isipin ko palang na magkasama sila sa mga oras na ito ay masasabi kong finish na. Uwian na. May nanalo na. Magkasama sila ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD