Nang magising si Soleil, wala na si Carter sa kama. Ang tanging naiwan na lamang na bakas nito ay ang magulong kobre-kamang may bakas pa ng pagniniig nila. Mga damit na nakakalat. At ang sakit ng kanyang katawan niyang tiyak niya ay punong-puno rin ng marka ng mga labi at panggigigil nito kagabi. Hindi niya inakala na ganoon ito magselos. Carter has always been a gentle, easy going person. Hindi ito iyong tipo na magiging marahas dahil lang sa may pinagseselosan ito. Ngunit noong nakaraang gabi lang ay binago nito ang pananaw niya. Hindi naman siya natatakot na baka saktan siya nito nang pisikal. Ayaw niya lang na naghihinala ito dahil hindi maganda sa kanilang relasyon ang pag-aaway dahil sa selos, lalo na kung wala namang basehan. Hinagilap niya ang kanyang smartphone. Nakatapon na iyo

