II

1564 Words
“This is all your goddamned fault!” gigil na bulong ni Soleil habang pinepeke ang ngiti nito sa harap ng press na inuusisa silang dalawa ni Carter tungkol sa nalalapit nilang kasal. Paano ba naman, kusa itong sumang-ayon sa kagustuhan ng mga magulang nila! ‘Ni hindi man lamang siya nitong hinayaan na makapagsalita. Ang ending, masayang-masaya ngayon ang mga parents nila na inaasikaso ang magarbong kasal niya sa aktor habang silang dalawa naman ay heto at humaharap sa press upang sagutin ang mga tanong tungkol sa biglaang pagpapakasal ng batikang aktor. “Come on, baby girl. Don’t bite me,” nang-aalaska na saad nito. “Sina Baba ang may gusto nito. Isa pa, dapat nga e nagpapasalamat ka sa’kin. I just saved your ass from losing your inheritance.” “I don’t need your help, jerk.” Ngumisi ito. “Come on, my pretty witch. Don’t be like that to your future husband.” “Akala mo naman gugustuhin ko na tabihan ka? In your dreams, Carter Chen.” “Oh, Soleil. Alam ko naman na may lihim kang pagnanasa sa akin—Aray!” reklamo nito nang kurutin niya ang tagiliran nito. Napatingin tuloy sa kanila ang mga reporter. Natatawang napakamot ng ulo ang kanyang kababata. “’Tong future misis ko, masyadong agresibo. Baby, the love making’s for tonight, okay?” nakatawang sabi nito sa mic. Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin habang tatawa-tawa naman ang mga fans at reporter na nanonood ng kanilang presscon. Ang damuho, nakumbinsi pa ang mga tagahanga nito na suportahan ang kanilang kasal! Heto tuloy ngayon at may isang malaking fans club na tili nang tili habang kuntodo arte silang dalawa na sweet na sweet sa isa’t isa. “Goddamnit, Carter! You shut your mouth!” she whispered. “Ano nga ulit yong binubulong mo, baby?” nang-aasar na saad nito. “Are you telling me that you love me? Aw, don’t worry, I love you so much too...” She sarcastically laughed before rolling her eyes. She should not be here. She should be in her office, doing her work, planning for her next perfume line, not preparing for her marriage to the biggest a-hole of her life, Carter Chen. Sabay silang lumaki ng ulupong na iyon. Even attended the same schools. Every occasion, either bisita ito sa bahay nila o siya ang bisita sa bahay ng mga ito. Close siya kay Candice at Caleb, lalong-lalo na sa Mama Cuifen ng mga ito. Carter used to be her knight-in-shining-armor whenever the boys in their class teases her as a man-eater and man-hater. But when she turned sixteen and realized that she has a small crush on Carter, everything changed. She hated the idea of it. Para na niyang kapatid ang lalaki. Can you even imagine yourself falling for your own brother? No, right? Soleil was having none of it, until he confessed that he likes her too. She has always considered him as her brother, and the idea of the two of them having a relationship, even the mere thought of them having crush on each other, was just plain absurd and far-fetched for her. Kaya naman ipinagtulakan niya ang lalaki. Sinungitan niya. Kung puwede nga lang na ipabura niya ang mukha nito sa buong siyudad ng X para lang hindi mag-develop ang damdamin niya para rito, ginawa niya na. Effective naman. The two of them ended up having this love-and-hate, cat-and-dog relationship. Carter became a playboy and well, her... Walang tumatagal kay Soleil. That she was sure of. Either naaasar sa pagiging independent niya, o masyadong clingy na siya ang unang nakikipaghiwalay. Kung hindi naman ay nasisindak sa pagiging dominante niya. Ang alam niya lang, palagi siyang naiiwang mag-isa. After her break up with her ex three years ago, she never dated again. It was just too exhausting for her so she did not try to change herself nor look for a new man. Hanggang ngayon. Ikakasal na lang siya sa kababata niya at alam niya na hindi niya gusto ang ideyang iyon. Pero ano pa nga ba ang magagawa nila? Nandito na sila, e. “So, Miss Soleil, anong masasabi mo tungkol sa mga tsismis na playboy ang mapapangasawa mo?” tanong ng isa sa mga reporter. Binalingan niya ang katabi at sarkastikong ngumiti. “Playboy ka ba? Hindi ko alam...” maang-maangan na saad niya. “Anyway, kung mambababae man si Carter, I’ll make sure na may mapuputol sa katawan niya, so...” May halong kaba ang tawa ng kababata niya nang kabigin siya nito papalapit at malambing na akbayan. “Asus naman, ang future misis ko, nagbago na ‘ko. ‘Wag kang mag-alala, sa’yong-sa’yo lang ako,” pangangako nito sabay kindat sa kanya. Parang gustong maduwal ni Soleil ngunit mas lalo niya na lang pineke ang ngiti niya. “Siguraduhin mo lang, ha? Kasi magaling ako manggupit, Carter Chen...” Nang matapos ang presscon ay napamaang na lamang siya nang malaman na kailangan niyang sumabay sa Chevrolet nito base sa utos ng kanyang ama. Labag man sa loob niya ay sumakay na lang din siya. Akmang ikakabit nito ang seat belt sa kanya ngunit pinigilan niya ito. “Ang sungit mo naman, Sol,” tila nagtatampo na saad nito. “I already told you, I don’t need your help.” Nagkibit-balikat ito. “Okay. Sabi mo, e.” Ngumiti ito. “May egg pie nga pala d’yan sa may compartment, kunin mo na lang. Binili ko talaga ‘yan para sa’yo. ‘Di ba favorite mo ‘yan?” Natatawang binuksan niya ang compartment ng kotse nito at mayroon ngang egg pie roon. Kinuha niya iyon at kinagatan. Diretso pa rin sa pagmamaneho si Carter. Walang imik. “Ano, wala man lang bang ‘thank you’ d’yan?” “E ‘di thanks. Happy?” Ngumisi ito. “Satisfied.” Isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit walang tumatagal sa mga naging nobyo ni Soleil ay dahil hindi siya gaanong maintindihan at kilala ng mga ito kagaya ng pagkakakilala ni Carter sa kanya. The complexity of her personality easily makes them annoyed, but he always sees it as a challenge. And just like the good old days, he would buy her egg pie to make her mood better. Naipiling niya ang ulo nang ma-realize na bumabangon na naman ang paghanga niya sa kababata. She hated the idea of it. Ayaw mo sa playboy, antipatiko, at amoy-imburnal na ‘yan, ‘di ba, Soleil? Tumingin na lang siya sa labas ng bintana hanggang sa mapadaan sila sa Red Angel, ang VIP club na pagmamay-ari ng kaibigan nito na madalas nitong tambayan. Bahagya pa siyang nasorpresa nang lampasan lamang iyon ng sasakyan ni Carter. “Hindi ka pupunta sa Red Angel?” usisa niya. Ngumisi ito. “Bakit, gusto mo ba akong mag-party at mambabae?” Nalukot ang mukha niya. “The hell I care with what you do, jerk. Image mo naman ang masisira, hindi ang sa’kin.” He shrugged. “Don’t worry, Sol. I’m not going to a bar without you. Isa pa, malapit na ang kasal. I’m not an ass who would cheat on his wife--” Pagak siyang tumawa. “Spare me with that, Carter. You can do whatever you want. I really don’t give a damn f*ck. This is just a marriage for convenience after all and I’m not--” Bumalik ang ngising-aso nito. “You’re not what? Jealous?” She rolled her eyes. “In your dreams. You know what, Carter? Wala akong pakialam kung mambababae ka kapag ikinasal na tayo. Just don’t do it in front of me and you would let me have my own relationships too. End of discussion.” Sumimangot ito. “Gan’yan ba kagago ang tingin mo sa akin, Luna Soleil? You think I’m a cheater and a bastard and a jerk?” Hindi siya umimik. “I’m commitment-phobic. I don’t do commitments, at kung hindi lang dahil kay Mama Cuifen at kung hindi ka lang mawawalan ng mana na alam kong pinagpaguran mo nang ilang taon, hindi ako papayag na maikasal sa’yo, Sol. But please don’t ask me to let you cheat on me and vice versa. I’m trying to protect our reputations, so at least cooperate.” Siya naman ang ngumisi. “Hanggang kailan ka kaya naman tatagal, Carter? Oh, and to clear one thing, I won’t let you get in my panties, hun. So you better find alternatives.” Nagulat siya nang pabarubal nitong ihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at bigla siyang nilapitan. His chinky eyes were staring right through her soul. As if they want to suck the truth out of her mouth. “Talaga, Soleil? Bakit pagdating sa akin, napaka-defensive mo? Oh, and baby girl, I can assure you, there are so many ways to get into your panties." Bumaba ang tingin nito sa  mga labi niya. "And your heart,” he whispered before holding her chin and kissing her passionately, to the loud beating of her heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD