The drive back home was silent for the two of them. Awkward even. Hindi siya iniimik ni Soleil at balik na naman ito sa pagiging ice queen nito. Ayaw na pinagbubuksan niya ng pinto. Nang magising kanina at nakita na nakayakap pa siya rito e kaagad siyang sinampal sa pisngi at bumangon para maligo at magbihis. Nakatutok sa laptop nito at para siyang hangin na dinadaan-daanan lang nito. Gustong magmura ni Carter pero hindi niya magawa. She was his wife, after all. And he would not risk his tongue that would definitely be ripped out of his mouth if ever he tries to be mean. Pero sino ba namang hindi mafu-frustrate? Last night was great. Incredible even. Akala niya e matapos niyang umamin-amin sa babae na kailangan niya ito at hindi niya na kaya pang takasan ang damdamin niya, e magbabago na

