Mahinang natawa si Soleil habang pinapanood na magmukmok si Carter sa tabi niya. Linggo kasi ngayon ngunit may kailangan siyang attend-an na online meeting kasama ang kanyang mga magulang na kasalukuyang nasa France, kung saan ipinanganak ang kanyang ina. Nakanguso pa ito habang pinapanood siya na iprisinta ang mga proposal na kanyang natapos para sa fashion line ng kompanya. Nang matapos ang presentation at abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa isa’t isa ay ginagap niya ang kamay ni Carter mula sa ilalim ng lamesa. Hinila niya iyon at dinala patungo sa kanyang kandungan. Nakagat niya ang kanyang labi. Paano ba naman, nasa ilalim na ng kanyang blusa iyon, wala pa man ding ilang segundo ang lumilipas. “Carter, behave,” pasimpleng saway niya sa kanyang asawa. Iniusog naman n

