Hinayaan ni Carter na malusaw ang yelo na nasa baso niya at humalo sa brandy na kanyang iniinom. Kaya nga siya umalis sa bahay nila para makapag-inom ngunit heto naman siya at hindi makapag-focus sa paglaklak ng alak. Kanina pa bagsak si Damon na siyang nag-aya na uminom dahil may pinagdadaanan habang sina Warren at Liam naman e mga nagsiuwi na sa mga asawa ng mga ito. Siya na lang at si Vlad ang natira sa loob ng VIP room na iyon, kasama ang lasing na lasing nilang kaibigang umaatungal sa tabi ng tainga niya. Gusto niya man itong alaskahin ay hindi niya magawa. Katulad kasi ni Damon ay may problemang puso siyang dapat na iresolba.
“Iinumin mo ba ‘yan?” usisa ni Vlad sabay turo sa hawak niyang baso. “Kung hindi, bigay mo na lang kay D. Kailangan niya ‘yan. Humuhuni na naman, o. Baka gusto pa ng alak.”
He gave him the look. “You’re so cruel, guard dog. Give D a break. Tingnan mo nga at ‘di na makadilat. Baka magsuka pa ‘yan dito.”
Vlad sighed, scratching the back of his head. Kahit na ito ng pinakabata sa kanila ay halos ito na rin ang tumatayong pinakamatanda dahil sa pagiging responsable nito. Dakilang taga-uwi ng mga lasing nitong kaibigan dahil ito ang may pinakamataas na tolerance sa alcohol. At siyempe, tagabigay ng advice na hindi niya alam kung sinusunod ba ng mga damuho niyang kaibigan. “You damn bastards. Alam n’yong kakagaling ko pa lang sa bingit ng kamatayan at heto’t pinagbe-babysit niyo na ako. And you, Satan,” sabi nito sabay batok kay Damon, “Get your s**t straight! Hanggang kailan ka lalaklak ng alak, huh? Your wedding’s on Saturday!” Hindi ito umimik, bagkus ay umungol lang at muling dumukdok sa lamesa. Bagsak na sa dami ng nainom. Nagpakawala na lang ang kanyang kaibigan ng malalim na buntong-hininga at tinapunan siya ng tingin. “Ikaw, ano namang problema mo? Parang dati, ginagawa mong tubig ‘yang alak, a.”
He scoffed, wetting his lips with his drink. “Wala, wala lang ako sa mood.” Hindi ito umimik ngunit tinitigan lang siya nito. Para bang inaanalisa siya. He rolled his eyes as he stared at his glass, his mind blank. Sa dami ng tumatakbo sa isipan niya ay hindi niya na malaman kung ano ang uunahin niyang isipin.
He could feel the throbbing of his member and heart when he left the house. If he had not known any better, he would have stayed at home and do what Soleil was asking him to do. Hindi naman sa hindi niya masikmura na gawin iyon kasama ang asawa-s***h-kababata niya. Damn, he would have done it with her countless of times already if she was not the ice queen he always knew. He was just... chickening out. Chickening out of the idea that just like what happened before, Soleil was out there to play with his feelings.
Oo, natatakot siyang ginagago siya ng sarili niyang asawa. Natatakot siya na baka kapag bumigay siya at madulas na may nararamdaman pa rin siya kay Soleil, e pagtawanan siya nito at asar-asarin. Kagaya ng dati, noong unang umamin siya na gusto niya ito. He could not bear the thought of being humiliated again. His pride was thicker than his skull that he could spend countless of sleepless nights enduring his erection than admitting that he wants and needs his own wife.
Naiinis siya sa sarili niya. Naiinis siyang isipin na kaya siya nagkakaganoon e dahil may nararamdaman pa rin siya para kay Soleil at kahit na ngayon e ayaw pa rin nitong suklian ang nararamdaman niya. Naiinis siya na ang tangi niya lang kayang gawin e ang umiwas nang umiwas at magpigil nang magpigil dahil lang ayaw niyang masira ang pride niya. Bakit ba kasi si Soleil pa rin ang gusto niya? E andaming mga babaeng magaganda, mayayaman at pamoso na nagkakandarapa at makikipagpatayan para lang makasama siya. Lalo na para maging asawa niya lang pero heto siya, nananatiling...
“Nag-away ba kayo ni Soleil?”
Nilingon niya si Vlad. “No, not exactly. We’re good, actually.”
“Labas sa ilong.”
He rolled his eyes. “Ano nga ulit injury mo? Broken rib? Gusto mo dagdagan ko ‘yan?”
Ngumisi ito. “You surely don’t want to mess with me, pretty boy. Kahit may injury ako, kaya kitang isilid sa bariles at ipaanod sa dagat.”
Sandali silang natahimik pagkatapos magsihalakhakan. Hindi niya rin namang magawang makipagtalo kay Vlad. Magaling itong mag-obserba kagaya pa ng iba nilang mga kaibigan at tiyak niya na may napapansin na rin ito sa madalas niyang pag-iwas sa alak at babae kahit na nasa Red Angel sila, isang bagay na hindi niya madalas gawin. Pati na rin ang palagian niyang pag-uwi nang maaga na ang alibi ay si Soleil. Palaging si Soleil ang laman ng katwiran niya. Sino ba namang hindi makakahalata?
“What happened?” seryosong usisa nito habang hinahagod ang likod ni Damon na uubo-ubo sa pagkatuyo ng lalamunan nitong nabuhusan ng ilang litro ng alak. “I thought you guys were getting along since you keep on being absent during our night outs.”
He took a sharp breath. “’Yon na nga ang problema, e. Okay kami. Sa sobrang okay, kulang na lang higupin namin labi ng isa’t isa.”
Tinawanan siya ni Vlad. “Nang-iingit ka ba? This f*cker...”
“Look, Vlad. I... I was used on having a love-and-hate relationship with her. For fourteen years I convinced myself that I’m not feeling anything for her anymore and yet... Here I am. A jerk that’s always ready to save her from sadness, a jerk that keeps on popping in and out of her life whenever she’s having a bad time, a jerk that married her thinking that everything was out of convenience only. Anlakas kong magsabi na hindi ko na siya mahal pero para naman akong siraulo kapag nakikita ko siya. Para akong nauulol na ewan. Pinipigilan ko sarili ko na angkinin siya at ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kagusto pero hindi ko naman magawa na... maggago sa relasyon namin.”
“Baka kailangan mo ng anti-rabies,” Vlad flatly said.
“F*ck you.”
Vlad raised his middle finger at him before continuing to pat Damon’s back who was still hammered. “Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa kanya na mahal mo siya? Your problems would’ve been solved by now if you just confessed earlier, you know.”
He shrugged before drinking the brandy in his glass. Sandali siyang hindi umimik, hinayaan niya na manatili pa nang kaunti ang lasa ng alak sa kanyang bibig bago siya magsalita ulit. “I’ll probably get rejected again, so why bother?”
Parang gusto na rin siyang batukan ni Vlad noong mga oras na iyon dahil sa inis na nakapinta sa mukha nito. Palakas nang palakas ang tapik nito sa likuran ni Damon na medyo nahimasmasan na dala na rin ng kabrutalan ng kaibigan nila. Napabangon ito at napasulyap sa kanya bago sumandal sa kinauupuan nilang couch.
“Mutual or not, kailangan mo pa ring umamin, bobo. Don’t you think Soleil’s getting confused too about your whole s**t? At saka, if I had known any better, Soleil wouldn’t even bother kissing you if she wasn’t interested in you.”
Wala nang umimik ‘ni isa sa kanila pagkatapos niyon. Even Damon who kept on looking for beer earlier. Pare-parehong guilty tungkol sa hindi pag-amin. Inubos niya na lang ang laman ng kanyang basong sinalinan ni Vlad pagkatapos ay nagpaalam na na uuwi na. Sinabayan niyang lumabas ng club ang dalawa bago sumakay sa kanyang Chevrolet at nagmaneho pauwi. Alas onse pa lang ng gabi. And he hoped that Soleil was already asleep because if she was not, then he did not know how to deal with another argument with her or the sensations she causes whenever she was near.
He silently crept inside his own home, making it sure that his wife was fast asleep upstairs. To his dismay, she was in the living room. Nakayukyok ito sa sofa habang nagkalat naman ang mga papel na ilang linggo na nitong tinatrabaho sa paligid nito. Her phone was open, and he could see that his number was already on the dial pad. Siguro ay balak nitong tawagan na siya para pauwiin ngunit hindi na nito nagawa dala ng antok.
He sighed before silently walking towards her. He gently picked her up before going upstairs, to her room. Maingat niya itong inilapag sa kama bago inayos ang kumot at unan sa paligid nito. Nang matapos ay sandali siyang nahiga sa tabi nito. Pinagmasdan kung paano ito matulog.
“Jeez, Soleil... I hate you...” he softly whispered before tucking some loose strands of hair behind her ear. “Nakakainis ka. Nakakainis ka, hindi ko malaman kung dapat bang sabihin ko sa ‘yo na gusto pa rin kita... You keep on... making it hard for me...”
Naggawad siya ng masuyong halik sa noo nito pagkatapos ay sa labi. He stared at her for a little more, before getting up and deciding to clean up her work in the living area before going to bed.
“What would you do if I told you that I’ve fallen?”