“Hi baby,” malambing na bati ni Carter sa kanya nang makapasok ito sa loob ng kanyang opisina. Kaagad siya nitong sinalubong ng mainit na halik sa labi. Nang kumawala ang lalaki ay ngumiti ito at sandaling iniipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Are you busy?” “Carter...” She smiled. “You never fail to surprise me with your consistency.” Tumawa ito. Totoo naman kasi. Wala sa mukha ni Carter iyong tipo na pumipirmi sa isa. O ang kagaya nga ng sabi niya, consistent. Base sa karanasan ni Soleil sa mga lalaki ay sa una lang naman ang mga ito nagiging malambing at caring. Kapag tumagal na ang relasyon, nag-uumpisa nang manlamig ang mga ito. Nag-uumpisa nang magbago. Pero iba si Carter sa lahat. Simula pa noong mga bata sila hanggang sa ngayong tumanda na sila at ikinas

