Kabanata 10. Mestisong Bangus vs. Morenong Anak ng Biyahera

1371 Words
Nakabukas ang bukanang pinto ng bahay nila Helena. Hindi siya dumiretso pasok dahil kabastusan iyon sa may bahay. Tumawag siya at ang tumugon ay si lola Huling na may hawak pang sandok sa kamay. " Oh ikaw pala, anong sadya mo?" tanong nito na hindi niya maintindihan kung normal ba nitong tono iyon o galit na. Nagmano naman siya saka sumagot. "Magandang tanghali po. Bibisita lang po kay Helena, lola Huling" magalang na sagot niya. Napakunot ang noo ng matanda. "Yung sinabi ko sayo nung huli, anong tingin mo dun?" tanong nito "Hindi po ako naniniwala sa mga sabi sabi lang lola. Gaya nga niyon hindi ko rin naman po namukhaan ang anino kung kayo ito o hindi. Nandito rin po ako para kay Helena. Kung totoo nga pong kayo ay masamang tao ay poproteksyunan ko siya." madiin niyang sagot dito. "Ha! balak mo nang kunin sa akin ang apo ko ha! pero ito lang mestisong bangus, huwag na huwag kayong magta tanan dahil baka lutuin kita. Bangus ang ulam namin ngayon. Tsaka baka me mas mauna sayo" paismid na wika nito’t nakataas pa ang kilay. "Lola naman mahilig magbiro. Nararamdaman ko pong mabuti kayong tao kaya ganun na lang ninyo inaalagaan si Helena. Tsaka ano pong ibig niyong sabihin na may mauna?" maang na tanong niya. "Pumunta ka sa likod. Nandun sila Helena at yung makisig na anak ng biyahera." sagot nitong pangiti ngiti pa habang ikinukumpas ang sandok saka bumalik na sa pagluluto. Dumaan siya sa pintong itinuro ng matanda. Tumambad sa kaniya si Helena at ang lalaking naroon. Si Helena ay malapit na malapit sa lalaki, may inilalagay ito sa balikat niyon. Nakaramdam siya ng kung anong bigat sa kaniyang dibdib at mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata. Pagkakuwa'y kinalma niya ang sarili at lumapit siya sa mga ito. "Helena, Magandang tanghali!" Masayang bati niya na ikina- pitlag naman ng dalaga. Lumingon ito sa kanya sa mukhang nagulat. Lalo itong gumanda sa kaniyang paningin. Namumula ang mga pisngi nito at nakataas ang buhok. Bagay na bagay ito sa dalaga. Tila hindi nito mahanap ang sasabihin, ang lalaki namang kanina ay nakatalikod at humarap sa kaniya. Hindi maikakailang maayos naman ang facial feature nito. Matangos ang ilong at pangahin. Malalim ang pares ng mga mata niyon na tila nangu- usig. Napansin rin niyang mapula ang balikat niyon at may sugat ito na ginagamot ng dalaga. Pagkatapos niyan, puso ko naman ang gamutin mo Helena! "Baka gusto mo naman akong ipakilala sa kaibigan mo Helena?" siya na rin ang bumasag ng katahimikan. Tila nabuhayan naman si Helena at nagsalita. "Ngayon ko lang rin siya nakilala. Si Joey, anak siya ng pinagbebentahan namin ng produkto. Joey, ito naman si Eros bago ko ring kaibigan" medyo nauutal na wika nito. Iniabot naman niya ang kamay sa lalaki. Aminado siyang maganda ang katawan nito. Moreno at mukhang batak sa gym. Siya rin naman at mas maputi siya dito at paniguradong mas magandang lalaki! Tinanggap ito ni Joey na nakatiim bagang. Hinigpitan niya ang pag- kamay dito ngunit tila nananadya na mas hinigpitan nito iyon habang titig na titig sa kaniya. Marahil ay naramdaman ni Helena ang tensyon kaya binasag nito ang katahimikan. "Tayo na kayang kumain? dito ka narin kumain Eros. Marami pa kaming hahakutin mamaya kaya kelangan narin kumain at bumalik agad." mahinang sabi ni Helena. Nagbitaw naman ng kamay si Joey. "Sige po salamat" sagot nito. 'Po'? so ibig sabihin bata pa ito at nangungupo ito kay Helena. Baka naman nag over react siya kanina. Tumingin sa kanya si Helena na hindi nagsasalita. Ang cute nito. Parang baby na gusto niyang pisilin ang namumulang pisngi. Nginitian na lamang niya ito at sumunod na sa loob. Nagtaka siya nang nakaayos na ang lamesa. Apat rin ang pinggan na nanduon. Kumakanta kanta pang inaayos ng matanda ang mga niluto. "Oh kumain na tayong lahat. Nakakatuwa naman at may kasama kami ni Helena ngayon. Unang beses itong nangyari" malawak ang ngiti nito. Naupo na si Helena. Tatabi na rin sana siya dito nang pigilan siya ng matanda "Op! ako diyan sa tabi ng apo ko. Dito kayo magtabi ni Joey at parehas kayong lalaki" wika nito. Sumunod naman siya. Katapat niya sa lamesa si Helena, suwerte parin siya. Habang kumakain ay napansin niyang nagsasawsaw ang matanda sa patis na may kalamansi. Alam niyang ayaw ng mga aswang ng kalamansi hindi ba? Kung ganun nakabawas ito sa kaniyang pagdududa. Masarap ang luto sa bangus. Halatang sariwa ang mga gulay na sangkap dito. Okra erm Hindi siya kumakain ng okra. Napatingin siya sa mga katabing kumakain. Masaganang kumakain si Joey at kita niyang kinakain nito ang okra sa pinggan. Ganun rin si Helena. Huh wala akong choice! Ayaw ko naman magpaka bad shot ngayon. Pikit matang isinubo niya ang okra saka mabilisang nilunok iyon at sumubo ng kanin. Ang slimy talaga. Pero kailangan niyang tiisin dahil baka masabihan siyang pihikan sa pagkain. Nagulat siya ng makadama ng kung anong malambot sa kaniyang binti. Pagkatingin ay ito ang matabang pusang nakita niya kahapon. Tila nanghihingi ito. “Nakakatuwa naman ang pusa niyo Helena, napakataba!” nagagalak na wika niya. “Olgrey ang pangalan niyan” sagot naman ni Helenang ngumiti sa pagitan ng pagkain Ngayon lang niya napansing ang dami ng kanin na nasa plato nito. Mas malakas pa yata sa kaniyang kumain ang dalaga e ang liit ng katawan nito. “Olgrey dahil ba ang kulay niya ay gray?” nakatawang tanong niya. “Ganun na nga, tinamad na yata si Helena magpangalan ”sabat naman ni aling Huling. “Ako rin po may pusa sa amin. Si Isagani.” Pagbabahagi niya. Napansin naman niyang natuwa ang mag- lola sa kaniyang sinabi. “Lola baka po gusto niyo ng pusang may breed. Meron po kaming siamese cat na bagong panganak.” singit naman ng kaniyang katabi. Aha! Hindi talaga papatalo ah. Mukhang singit! Tila nagalak naman si Aling Huling ng marinig iyon pati si Helena ay mukha ring interesado. “Talaga ba hijo? Aba ay hindi namin tatanggihan ang kuting. Basta lalaki ha para hindi dadami ” Natutuwang sabi ng matanda. Hindi nalang siya nagsalita. Wala naman siyang maibibigay. Teka, baka gusto nila ng aso. “Helena baka gusto niyo mag alaga ng aso? Bibigyan kita kahit ano pang breed ang gusto mo” mungkahi niya. Tila nalukot ang mukha ng mag- lola sa kaniyang tinuran. “Tumigil na kami sa paga- alaga ng aso. Palagi kasi silang nawawala ng biglaan at hindi na bumabalik” malungkot na sagot ni Helena. “Ah ganun ba, baka naliligaw sa gubat” sagot niya. Umiling iling ang matanda. “Kamo, may mga taga rito na kumukuha ng aso namin panigurado. Ang alam ko may iilang tao dito na kahit ang aso ay kinakatay. Talagang napakasasama ng mga budhi ng mga taong iyon” wika nang matanda at saka tumayo. Natapos narin sila. Si Helena na lang ang naiwang kumakain. “Lola ako na po ang maghuhugas ng pinggan.” Magalang na wika ni Joey. Napanganga naman siya. Grabe, sobrang bait nito ah? Hindi talaga nagpapatalo. “Lola, ipag igib ko po kayo at baka wala na kayong magagamit ditong tubig.” Saad naman niya. Aba hindi siya magpapatalo! “Joey ako na, may ilalabas ka pang mga saging diba. Iyang kabilang balikat na ang ipangbuhat mo o di kaya si Junnyboy naman ang papuntahin mo dito ikaw ang mag- drive” Nakangiting wika ng matanda. Tila natutuwa ito sa nangyayari. Tumango na lamang si Joey saka tumungo sa likod. “Ikaw naman Eros, kung gusto mo talagang tumulong ay si Helena na lang ang ipagbuhat mo, samahan mo sa aming taniman at marami pang hinahakot iyan” utos na lamang nito. “Sige po lola, hihintayin ko nalang si Helenang matapos sa likod.” May mga naka- sakong saging sa likod at ang iba nga ay hindi pa naisasaayos. Sa pagkakaalam niya ay tordan at saba ang mga iyon. Ibig sabihin, si Helena ang nagbubuhat ng mga ito mula sa kanilang sagingan saka naman inilalabas ni Joey? Nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Panlalaking trabaho iyon. Hindi nito deserve na madumihan man lang ang kamay! Ah! Pag talaga siya ang napangasawa ko, ituturing ko talaga siyang reyna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD