Chapter 29 Mr. Saison's POV: (Real Dad of Niña) LULUWAS ako ngayon ng Manila para kunin at bawiin na si Niña kila Fred at Antonia. Panahon na siguro para makasama ko naman ang aking anak sa natitirang araw nang pananatili niya sa mundong ito. Kaya buo na ang pasya ko na lumisan sa lugar na pinagtataguan ko at harapin ang Manila. Bukod dito ay kailangan ko na talagang umalis na sa lugar na ito dahil malakas ang kutob ko na susugurin ako ni Greg Montenegro. Hindi naman ako pinanganak kahapon para maging tanga. Huling-huli ko ang grupo ng mga lalaki sa labas na palihim na minamasdan ang loob ng aking teritoryo. Meron kasi akong nilagay ng mga hidden camera sa bawat sulok kaya alam kong may pinadalang tao si Greg Montenegro para manmanan ako. At ngayong natagpuan na nila ang aking

