Chapter 24 NIÑA's POV: PLANADO ko na ang lahat nang ito. Tila kumakagat na nga si Greg sa pagiging malambing ko sa kanya. Kung ano man ang pinapakita ko sa binata, — isa lamang ito na pagpapanggap at laro. Sa ganitong paraan ay napapaamo ko si Greg. Hindi magtatagal, makakaalis din ako sa impyernong lugar na ito. "Masarap ba? — Hindi ako gaano magaling sa pagluluto kaya hindi ko alam kung masarap 'yan," ani ko sa lalaki nang tikman niya ang gulay na niluto at inasikaso ko kanina. Nandito kami ngayon sa isang sulok — na sa palagay ko ay libangan ng mga lalaki dahil merong mga bilyaran dito. But at this point, walang ibang tao kundi kami lang ni Greg. "Medyo matabang ng konti. Pero pwede na rin," sagot naman nito. Napanguso tuloy ang labi ko dahil sa tinuran niya at agad kong inaga

