Chapter 27 GREG's POV: "Where's the first aid kit, Fiona? — Kailangan ko ng first aid para gamutin ang pasa sa braso ni Niña... Kaya kunin mo na at ibigay sa akin," utos ko sa babaeng si Niña nang muli akong bumaba para kunin na ang first aid na gagamitin ko para magamot siya. Tapos na kasing kumain ang dalaga kaya naisipan kong pagtuunan na nang pansin iyong pasa sa kanyang braso. Hindi ko kasi makita ang first aid, kaya nagawa ko nang i-utos ito kay Fiona dahil siya lang naman ang nakakaalam ng mga gamit dito sa teritoryo ko. Katiwala ko na si Fiona. Kaya malaki na ang tiwala ko sa kanya — lalo pa't may utang na loob ito sa akin. "Bakit ho Sir Greg, ano ho bang nangyari kay Ma'am Niña? — Gusto niyo bang ako na lang ang gumamot sa kanya?" saad naman nito "No need Fiona... Ako nang

