“Oceana!” naka ngiting tawag sa akin ni Aurelia. Ngumiti naman ako at nilingon ko siya, nasa orphanage na kami ngayon dahil tapos na ang one week field trip namin sa school pero kahit ganoon ay feeling ko sobrang pagod na pagod pa rin katawan ko dahil sa mga activities na ginawa namin. “Bakit, Aurelia?” tanong ko sakanya. Lumapit naman siya sa akin at excited na tumalon talon sa harapan ko kaya napa ngiwi ako. “Na babaliw ka na ba? Bakit nga uy” sambit ko sakanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko. “Ano ka ba? Naku kuha mo na pagiging maikliang pasensya ni Coraline ha!” sambit niya sa akin at hinampas ako sa braso kaya agad akong napa ngiwi. Ngumiti naman siya sa akin. “Baliw ano nga? Talon talon ka lang diyan ?” tanong ko naman sakanya dahil hindi pa rin siya tumi tigil sa pag talon

