Maaga akong nagising ngayon dahil hindi pa rin sanay ang katawan sa bagong bahay na tini tirhan ko. Balak ko rin naman mamalengke mamaya dahil ayoko rin na puro bili ako ng pagkain ko sa labas. Naka saksak na ang ref pero wala pa naman itong laman kung hindi ang mga chocolates na galing kina Coraline, Binigyan nila ako bago sila tuluyang umalis ng palawan. Kumuha ako ng isang chocolate bar dahil balak ko na sa labas na mag breakfast pagka tapos ay mamamalengke na ako. Habang chine check ko ang mga kailangan kong bilhin ay may biglang nag door bell kaya pinuntahan ko muna ito para tignan kung sino ang kuma katok. Pagka bukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Raven. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sakanya. Agad siyang ngumisi sa akin at pinakita ang mga Tupperware na dala niy

