“Oceana tara!” na ririnig ko na ang sigaw ni Riri galing sa labas. Naka simangot naman akong lumabas.
“Ano ka ba? Mamaya pa ako makaka sama eh, andami ko pang ga gawin ,” sagot ko naman sakanya at pina kita ko sakanya ang kamay ko na puro bula pa dahil sa mga platong hinu hugasan ko.
“Edi tapusin mo muna ‘yan! Ano ka ba! Palagi ka nalang nandyan sa loob ng bahay niyo,” sagot niya sa akin. Umiling iling naman ako sakanya.
“Mag wa walis at mag li linis pa ako sa loob, ang kalat ng sala eh,” sagot ko naman sakanya.
“Edi tutulungan kita! Napaka liit na bagay lang ng pag lilinis oceana, hindi ako makaka alis nang wala akong kasama, nakalimutan mo na ba na mada daanan natin si nanay? Kapag mag isa lang akong da daan sa karinderya, hindi na ako p payagan,” naka ngiwing sagot niya sa akin. Napa buntong hininga naman ako sakanya at pina pasok ko na siya sa loob ng bahay.
“Basta saglit lang tayo mamaya ah? Baka hindi ako datnan ni tiyang sa bahay ma lalagot ako,” sambit ko sakanya. tumingin naman ito sa akin at ngumiti.
“Oo naman ‘no! ako na ang mag lilinis ng sala dahil nag hu hugas ka naman nan ang plato diyan,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at hinayaan ko siyang mag linis sa may sala.
Simula bata pa ako ay kaibigan ko na si Riri, siya lang ang nag iisang kaibigan na na tira sa akin simula nang kunin ako nila tita dahil na matay na sila nanay at tatay.
“Bakit ba ikaw nalang palagi ang nag li linis dito sainyo? Hindi ka ba tinu tulungan ng mga pinsan mo?” tanong sa akin ni Riri.
“Alam mo namang mga prinsesa ni tiyang ang mga ‘yon,” na iiling na sagot ko sakanya.
“Hindi naman sila mga mukhang prinsesa ano ka ba? Nag jo joke ka ba?” na iiling na tanong niya sa akin kaya na tawa ako nang bahagya sa sinabi niya.
“Mga prinsesa ni tiyang kahit mukhang mga kawal,” nata tawang sagot ko sakanya.
“Ang sama talaga ng ugali mo, Oceana,” sagot niya sa akin.
“Totoo naman ang sina sabi ko,” sagot ko sakanya at tinapos ko na ang hinu hugasan ko. Pagka tapos kong mag hugas ay dumiretso ako sa may sala para tulungan ko siyang mag linis.
“Hay nako, iniisip ko palang ang gina gawa mo sa araw araw ako na ang napa pagod para sa sa’to,” naka ngiwing sambit ni Riri sa akin. Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
“Hindi naman mahirap, kesa naman saw ala akong ma tirhan at makain, yung iba nga diyan namamalimos nalang sa lansangan, swerte pa nga ako dahil naka kain ko ang mga pagkaing gusto ko. Na lu luto ko ang mga pagkaing gusto ko. “ naka ngiting sagot ko sakanya.
“Kapalit naman ng pagod mo sa araw araw, nakaka kain ka nga pero hindi pa rin naman duma dagdag ang timbang mo dahil sa pagod na naku kuha mo sa mga tarabahong hindi naman dapat ikaw ang nag ta trabaho,” na iiling na sambit ni Riri sa akin.
“Riri, ayos na ‘to kesa naman ma layo ako sa’yo edi wala na akong kaibigan kung a alis ako rito?” na iiling na sambit ko sakanya. Umiling naman siya sa akin at sabay na naming tinapos ang nililinis namin. Pagka tapos namin mag linis ay agad na kaming lumabas ng bahay, ni lock ko nang ma ayos ang bahay at agad na kaming nag lakad pa punta sa may plaza dahil doon niya ako ina aya.
“Ayan na si nanay!” sambit ni Riri at dumiretso kami sa may karinderya.
a
“Hello po tita! Punta lang po kami sa plaza ni Riri,” naka ngiting pa alam ko sakanya.
“Sige sige, mag iingat kayo ha! Oh ito tag isang daan kayo, kumain kayo ng mga gusto niyong pagkain, pero huwag kayong mag tatagal Adrianne! Baka hanapin ng tiyahin niya si Oceana at mapa sama pa siya,” sambit ni tita kay Riri. Ngumiti naman ako sakanya.
“Oo naman ma, hindi ko naman ipapa hamak ang kaibigan ko ‘no!” sambit ni Riri at hinila na ako pa takbo sa may plaza.
“Thank you tita!” sigaw ko habang tuma takbo na kami pa punta sa may plaza.
“Grabe hingal na hingal ako,” naka ngiwing sambit ni Riri. Nata tawa naman akong umiling sakanya.
“Bakit kasi kailangang tumakbo,” nata tawang sambit ko sakanya.
“Syempre no! kaunti lang ang oras natin kaya kailangang sulitin natin! Kapag talaga ikaw ka sama ko mag gala malaki bini bigay na pera ni mama pang gala,” n aka ngising sambit ni Riri sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at umiling.
“Binigyan pa niya ako, may ipon pa naman ako,” naka ngusong sambit ko sakanya at nagpa hila sa kung saan niya ako gustong hilahin.
“Ano ka ba! Itabi mo nalang iyan, tsaka medyo malaki naman kitaan ng karinderya ngayon kaya galante si mama, so ganito ang ga gawin natin, bibili tayo ng mga pag kaing gusto natin, hiwalay tayo tapos mag kita tayo roon sa may damo, tapos mag share tayo sa pag kain,” naka ngiting sambit ni Riri sa akin. Tumango naman ako sakanya at ngumiti.
Ganoon nga ang ginawa naming dalawa, nag punta ako sa bilihan ng buy one take one shawarma at nag order ako para tig isa kami ni Riri.
“Ate isang shawarma nga po, yung medium po,” naka ngiting samb it ko sa tindera.
“Oceana ikaw pala yan! Ang tagal mong hindi na dalaw dito sa plaza ah” naka ngiting sambit ni ate sa akin.
“Naging abala po sa mga gawaing bahay ate, kamusta ka po?” naka ngiting tanong ko sakanya.
“Ito malaki na ang kitaan, I large ko na ‘to ha! Libre ko na sa’yo tutal ngayon nalang kita nakita rito sa plaza,” naka ngiting sambit niya sa akin.
“Nako ate nag abala ka pa pero salamat po!” naka ngiting sambit ko sakanya at pina kita ko ang shawarma na binigay niya sa akin. Masaya naman akong bumili pa ng ibang mga pagkain, sa huli ay na ubos ko ang isang daan na sobrang dami kong hawak na pagkain.
“Oh?! Ginastos mo ba ipon mo para sa pagkain?” gulat na tanong ni Riri sa akin. Agad naman akong umiling sakanya at hinayaan ko siyang tulungan ako dahil hirap na talaga ako sap ag hawak ng mga pagkain.
“Hindi! Libre ang iba dahil nakilala nila ako, ang tagal ko na raw hindi na dalaw dito sa plaza kaya binigyan na nila ako ng libre,” naka ngiting sagot ko sakanya.
“Grabe ah! Andami nating pagkain!” naka ngiting sagot sa akin ni Riri. Umupo naman ako sa tabi niya at inabutan ko siya nang shawarma.
“Shawarma!” naka ngiting sagot niya sa akin at kinuha na sa kamay ko ang shawarma, ngumisi naman ako sakanya at nag simula nang kumain.
“Ang sarap talaga ng shawarma,” naka ngising sambit ni Riri habang pina panood namin ang mga batang nag lalaro sa playground ng plaza dahil umupo kami sa may damuhan na pwedeng pwede upuan.
“Grabe sana ganyan nalang ako, pa laro laro nalang walang ini isip na may maga galit sa akin kapag na late ako ng uwi kaka laro,” naka ngiting sambit ko kay Riri.
“Ayaw mo kasing ampunin ka ni mama,” sagot niya sa akin. Agad naman akogng umiling sakanya dahil nahihiya ako na sakanila pa ako titira eh nandyan naman sila tiyang.
“Nandyan naman sila tiyang ano ka ba,” nata tawang sambit ko sakanya.
“Palagi ka namang pagod sa bahay na ‘yon eh, sa bahay wala kang gagawin kung hindi mag laro tayo buong araw, pag a aralin ka rin ni mama, Oceana,” pa ngungumbinsi niya sa akin pero agad akong umiling dahil luma lamang ang hiya ko sa mama niya.
“Alam kong mahirap din ang buhay niyo Riri, kaya ayos lang ako kina tiyang,” naka ngiting sambit ko sakanya. Naka ngiti naman siyang tumango at masaya naming pinag saluhan ang maraming pagkain na na bili namin.