“Oceana? Tapos na ba ang baon ko?” tanong ni tiyang sa akin. Agad ko namang ni lagay sa lunch bag ang lunch box ni tiyang at inabot sakanya ito.
“Ito na po tiyang,” naka ngiting sambit ko sakanya. Tumaas naman ang kilay niya sa akin kaya tahimik ko lang siyang pinag masdan. ‘
“Bakit po?” seryosong tanong ko sakanya.
“Wala naman, maka ngiti ka kasi para kang may balak,” sambit niya sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Maganda lamang ho ang gising ko,” sagot ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at umalis na sa harapan ko.
“Osiya, ang mga pinsan mo ah! Asikasuhin mo,” bilin niya sa akin. Bumuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
“Opo tiyang,” sagot ko naman sakanya. Pagka alis niya ay agad naman akong napa hinga nang ma luwag. Ilang sandali pa bago ako pumasok sa may kusina ay may kumatok sa may pintuan kaya nag pumunta pa ako sa pintuan at binuksan ko ito.
“Riri,” naka ngising sambit ko nang ma kita ko siya.
“Na daanan ko sim ang andoy kanina, tapos binigyan niya ako dalawang supot ng spaghetti, tag isa raw tayo,” naka ngiting sambit niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at pina pasok ko siya sa loob.
“Pasok ka, kainin natin bigay ni mang Andoy,” naka ngiting sambit ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at pumasok nga sa loob ng bahay, dumiretso naman kami sa may kusina, kumuha ako ng dalawang plato at inidor para sa aming dalawa.
“Maaga yatang umalis ang mga impakta mong pinsan?” tanong ni Riri sa akin. Ngumuso naman ako sa sinabi niya at bahagyang na tawa. ‘
“Napagod ata sila kaninang madaling araw kaka gala,” naka ngising sambit ko sakanya.
“Loko ka!” nata tawang sagot niya sa akin kaya na tawa ako sa sinabi niya.
“Ikaw naman ang nauna,” naka ngising sambit ko sakanya at umupo na ako sa tabi niya. Inabutan naman niya ako nang isang supot ng spaghetti, palagi ko kinu kwento kay mang Andoy na palagi kong paborito ang spaghetti sa may kanto kaya palagi niya rin akong bini bilhan.
“Pu punta ka ba kay mang Andoy mamaya?” tanong sa akin ni Riri.
“Oo, kailangan kong mag ipon,” naka ngiting sagot ko sakanya.
“Sabi ko naman sa’yo, kung gusto mo na talaga maka alis dito pwedeng pwede ka sa kwarto ko,” naka ngiting sagot niya sa akin.
“Huwagn a, kaya ko pa naman,” naka ngiting sagot ko sakanya kahit hindi na talaga. Palagi nalang bugbog ang katawan ko sa trabaho, nakaka kain nga ao nang tama at tatlong beses sa isang araw per ‘yung trabaho ko naman ay halos patayin ang ka tawan ko sa sobrang bigat.
“Hay nako, ewan ko sa’yo Oceana, ang tigas din kasi ng ulo mo,” umiiling iling na sambit ni Riri sa akin. Ngumiti naman ako sakanya. Tinitigan ko si Riri na abala sap ag kain. Napa nguso ako nang ma pagtanto ko na kung gaano ako ka swerte sakanya, may choice naman siyang mag hanap ng ibang kaibigan, hindi ako na kailangan niya pang tulungan sa mga gawaing bahay na kailangan kong tapusin dito sa bahay.
“Bakit ako ang na pili mong kaibigan, Riri?” tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin.
“Bakit naman hindi ikaw?” naka ngiting tanong niya sa akin.
“Bakit nga?” tanong ko sakanya.
“Hindi ko rin alam eh, basta gusto kita kaibigan, siguro kasi hindi ma sama ugali mo, minsan ma tabil bibig mo pero alam ko namang ma bait ka, tsaka sa lahat ng mga bata rito ikaw lang mabait sa aki ‘no!” sambit niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at tumango.
“Oo na,” nata tawang sagot ko sakanya. Pagka tapos naming kumain ay sakto namang na gising ang dalawang mag kapatid.
“Gising na ang mga impakta,” bulong sa akin ni Riri. Pa simple ko naman siyang siniko.
“Kumain na kayo, baka ma late pa kayo sa mga klase niyo,” sambit ko sa dalawa at hinila ko na pa alis ng kusina si Riri.
“Sama ako maya kay mang Andoy ha?” naka ngiting tanong niya sa akin.
“Bakit? Wala ka bang pasok?” naka ngiwing tanong ko sakanya.
“Bakasyon namin ano ka ba? Magka iba school namin niyang mga impakta kaya sila may klase na tapos ako wala pa,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at hinayaan ko na siya sa gusto niya dahil baka nga naman ay bored na bored na siya sa buhay niya.
Samung minute siguro ang lumipas ay tapos na kumain ang dalawang mag kapatid.
“A alis na kami, Oceana. May pagkain pa sa lamesa, pakainin mo na rin ang kaibigan mo,” sambit ni Jewel sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at tumango.
“Ingat,” bilin ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at lumabas na ng bahay, sumunod naman sakanya ang maldita niyang kapatid na si Jade.
“Bakit bumait bigla ‘yong impaktang ‘yon?” tanong sa akin ni Riri.
“Hindi ko rin alam, naka nakapag simba at binulungan ni father na maging ma buti na sa kapwa dahil sa impyerno siya ba bagsak,” sambit ko kay Riri. Inaya ko na ito sa kusina para kumain.
“Kumain muna tayo ulit, baka ma gutom tayo mamaya sa bakery,” sambit ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at kumuha ng plato namin.
“MAsarap talaga pagkain niyo rito no? hindi kita kukumbinsihin na umalis dito kung nag ha hati hati lang kayo sa mga Gawain dito sa bahay niyo eh,” naka ngiwing sambit ni Riri sa akin.
“Karma nalang bahala sakanila,” na iiling na sambit ko sakanya.
Napa buntong hininga naman ako pagka tapos kong ibigay ang order ng isang costumer, nasa bakery na kami ngayon, si Riri ay nasa loob tinu tulungan sim ang Andoy at mang Emong sa mga tinapay.
“Oceana pa bili nga bente pesos na pandesal,” sambit niya sa akin. Tumango naman ako sakanya.
“Sandali lang po,” naka ngiting sambit ko sakanya. At pumasok ako sa loob.
“Riri, bente pesos na pandesal,” sambit ko sakanya. Tumango naman siya agad sa akin at nag balot ng sampung pirasong pandesal sa paper bag.
“Ito beh,” naka ngising sambit niya sa akin. Na tawa naman ako sakanya at kinuha na ang paper bag sakanya at binigay ko ito sa bumibili.
“Salamat po! Balik po kayo!” naka ngiting sambit ko sakanya. Tumango naman siya at umalis na. Nang makita kong wala nang costumer ay pumasok na muna ako sa loob.
“Wala na ab costumer sa labas Oceana?” tanong ni mang Andoy sa akin.
“Wala pa po,” n aka ngiting sagot ko sakanya. Tumango naman siya sa akin.
“Ikaw ba Oceana ay wala nang balak mag aral ha?” tanong nim ang Andoy sa akin.
“Hindi ko pa po alam, nag iipon pa po ako para po maka alis na po ako kina tiyang,” naka ngiting sagot ko sakanya.
“Ayaw mo ba rito sa bakery tumira? May kama naman dito, para ikaw nalang din ang mag bukas tuwing umaga,” sambit sa akin ni mang Andoy.
“Pag iisipan ko po mang Andoy, gusto ko po sana ay lumayo layo ako kina tiyang,” sagot ko sakanya. Tumango naman siya sa akin.
“Ganyan talaga mang Andoy, mas pipiliin ng bata na lumayo sa pamilya niya dahil grabe ang pang aabuso ang naranasan ng bata sa bahay na iyon, kaya na iintindihan kita Oceana, kung kailangan mo ng tulong huwag kang mag da dalawang isip na mang hingi sa akin ng tulong,” naka ngiting sambit sa akin nim ang Emong.
“Ta tandan ko po ‘yan mang Emong ha,” naka ngiting sambit ko sakanya.
“Naku hija! Makaka asa ka,” naka ngiting sambit niya sa akin. Ngumiti naman ako sakanya pa balik.
“Maraming salamat po sainyo,” naka ngiting sambit ko sakanila. Ngumiti naman sim ang Andoy sa akin.
“Parang anak na ang turing ko sa’yo hija, kung hindi siguro na matay ang anak ko ay baka kasing edad mor in siya at baka isa rin siya sa mga kaibigan mo ngayon,” naka ngiting sambit nim ang Andoy sa akin.
Bata pa si mang Andoy pero maaga siyang na byudo dahil hindi kinaya ng asawa niya ang panganganak, at pati ang anak niya ay namatay kasama ng kanyang asawa. Siguro ay tanggap na niya ang pagka wala ng pamilya niya pero sa loob loob niya ay hindi pa.
“Wala na po ba kayong balak mag asawa pa?” naka ngiting tanong ko sakanya.
“Wala na hija,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanya.
“Hindi po kayo takot tumanda mag isa?” naka ngiting tanong ko sakanya.
“Hindi dapat kinakatakutan ang pag tandan a mag isa, Oceana,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at ngumiti nang malapad dahil tama naman ang sinabi niya sa akin.