True enough, nag leave nga si Icarus sa trabaho niya para samahan akong mag punta ng siquijor. Kaka check in lang namin sa hotel na nasa malapit. “Are you sure this is the right place?” tanong niya sa akin kaya napa lingon ako sakanya. “Bakit? May problema ba?” tanong ko sakanya. “Wala naman,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at inaya ko na siyang mag lakad lakad, Ma lapit lang ang hotel sa lugar namin noon, ang problema ay hindi ko alam kung may mga naka tira pa ba roon, o kung meron man ay nandoon pa ba sila Riri? “Let’s go,” aya ko sakanya. Tumango naman siya at tahimik na sumunod sa akin. Tahimik lang siya na nag mamasid sa paligid, hindi siguro sanay sa nakikita niya ngayon dahil nga sa laki siyang mayaman, hindi siya sanay maka kita ng lugar na punong

