Cheska's POV
"Anak, mag-iingat ka rito,a. Kapag may date na ang kasal sabihin mo agad sa amin. Nang makauwi kaagad kami ng papa mo rito. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dito, alam mo na maraming nakabinbin na trabaho kaming naiwan sa kompanya," sabi ni mama.
"I will miss you, Ma. Ingat po kayo ni Papa. Pa, 'yung maintenance niyo po sa high blood 'wag niyo po kalimutan inomin. Huwag din po kayo magpakasubsob masiyado sa work Magtatampo si Mama niyan sa inyo," paalala ko pa sakanila. Yumakap pa ako nang mahigpit sa kanilang dalawa.
"Anak mag-iingat ang Papa para sa'yo. I can't wait to walk with you in altar. Kaunting oras na lang at ibibigay ko na ang kamay mo sa lalaking makakasama mo habang buhay. Parang kailan lang kinukulit mo akong bumili ng cotton candy para sa'yo. Kapag hindi ka napagbigyan iiyak ka hanggang sa mapapayag mo ako." Tumawa pa ng bahagya si Papa.
"Pa, magda-drama pa ba tayo rito? Sige na po Ma, Pa, baka maiwan pa kayo ng eroplano." Paalam ko sa kanila.
"Ang ate Ashlyn mo sabihin mo sa akin kapag may kalokohan na naman siyang ginawa,a. Sige na at nag-last-call na 'yung flight namin. Ingat kayo rito. I love you, anak. Bye." Kumaway sila pareho sabay naglakad palayo. Lamabas na rin ako ng airport at nagtungo sa sasakyan ko. Pero bago pa man ako makasakay roon ay may humablot ng braso ko.
"Sipsip ka rin masiyado, e, no? Hindi porket nakabingwit ka ng mayaman ganyan ka na umasta. Ipapaalala ko lang sa'yo Cheska, marami ka pang utang na dapat bayaran sa akin. Mag-ingat ka, dahil 'yang alimango na nabingwit mo, baka maging bato pa," sabi ni Ate Ashlyn.
Natakot ako bigla sa mga sinabi niya. Noon, lagi siyang nagagalit sa akin dahil lahat ng atensyon ni Mama at Papa ay laging nakatuon sa akin. Sa tuwing inaaway ako ni ate sa panig ko mas kampi sila mama at papa. Tama lang naman ang ginagawa nila dahil hindi naman tama ang ginagawa ni ate. Hindi ko naman inaagaw ang magulang niya sa kaniya.
Dinidisiplina lang siya ni Mama at Papa. Dahil hindi naman talaga tama ang ginagawa niya sa akin. Mahal ko siya kahit lagi niya akong inaaway. Lahat nga nang binibili ni mama at papa sa akin noon, binibigay ko sa kaniya huwag lang siya magtampo at magselos. Pero minamasama niya pa 'yung ginagawa ko.
"Ate, ano naman ba ang problema? Okey naman tayo 'diba? Hindi na nga ako sumama sa America para masolo mo sila mama at papa. Kahit na sobrang hirap sa akin, dahil mahal ko rin sila. Pero nagsakripisyo ako para sa'yo ate. Bakit galit ka pa rin sa akin?"
"So isusumbat mo sa akin 'yan? I don't care if you're hurt. I don't care if you did it for me. Aba, dapat lang na hindi ka na sumama. Sampid ka lang naman sa pamilyang ito. Akala mo ba masaya ako dahil ako ang kasama nila mama at papa? Isang malaking NO! Alam mo kung bakit? Kasi ikaw pa rin ang bukang bibig nila. Bawat galaw ko ikaw ang ikinukompara nila. Na kesyo buti pa ikaw alam ang salitang respeto. Kesyo magaling ka sa ganito ganyan. Sa tingin mo matutuwa ako sa mga bagay na iyon,ha?" Bumuga pa siya ng hangin at ikinumpas ang kamay sa ere at inilagay ito sa kaniyang baywang.
"Tapos ngayon engaged ka sa isang mayaman at gwapong lalaki. Sobrang swerte mo naman. Hindi ako makakapayag na maging masaya ka. Samantalang ako, miserable. Ayokong habang buhay na laging nasa likod mo o ng mga anino mo. Tandaan mo, Cheska, hindi ka magiging masaya!" Tumulo ang luha sa mga mata ni Ate.
Pinunasan niya iyon at naglakad na palayo.
Gusto ko siyang habulin at yakapin. Kaso baka lalong madagdagan ang sama ng loob niya. Naaawa ako sa kaniya, nabalot na siya ng sama ng loob at inggit. Lagi kong ipagdarasal na sana buksan niya ang puso't isip niya sa mga bagay-bagay. Sana makita niyang hindi ko inaagaw kung anong sa kaniya.
-----
Pagdating ko sa apartment ko agad akong nagtungo sa kusina. Uminom ako ng malamig na tubig. Pero bigla akong natakam sa orange-mango juice. Kaso naalala ko ubos na pala ang stock ko.
Nag-dial ako at tinawagan si Klyde.
"Hi, babe, can you come here in my apartment? I need someone to talk to. Si ate kasi, e,'' bungad ko.
"Bakit ano na naman ginawa ng ate mo?" usisa niya naman.
"Dito na lang natin pag-usapan please? Hintayin kita, a," pakiusap ko.
"Ok babe, just give me fifteen minutes. See you--" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Ahmm, daan ka rin muna sa convenience store. Bili ka ng orange-mango juice. Para kasing bigla kong na-miss yung lasa no'n. At kung may madadaanan kang indian mango ibili mo ko, a. Damihan mo ang bili, a. Nangangasim kasi ako. Okey? I love you, babe. See you."
Nakangiti akong ibinaba ang tawag. Iniisip ko pa lang na darating si Klyde. Lumalawak na ang ngiti sa labi ko. Nakikita ko pa sa imagination ko na buhat-buhat niya 'yung mga mangga.
Klyde's Pov
Ang wierd lang ni Cheska ngayon. Gusto niya akong bumili ng juice at mangga. Maybe for stress reliever. Malamang may ginawa na naman ang Ashlyn na 'yun sa kaniya.
Nagmadali akong umalis ng opisina ni Dad nang tumawag si Cheska. Malapit lang naman ang super market dito. Nang makarating ako roon ay agad kong nakita ang mga hilaw na mangga. Bumili ako ng limang kilo. Siguro kasiya na 'yun sa girlfriend ko. Para may stock na rin siya sa apartment niya.
Iniligay ko na iyon sa sasakyan ko at naghanap naman ng orange-mango juice. May nakita akong conveniece store sa 'di kalayuan. Naghanap ako ng orange-mango juice, pero wala. Kumuha na lang ako ng lahat ng flavor. Para kung sakali man may pagpipilian siya.
Nang makarating ako sa apartment niya ay agad kong kinuha ang mangga at juice. Ibinaba ko muna saglit ang supot nang makarating ako sa tapat ng pinto. Kumatok ako nang kumatok pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Naka-limang attempt ata ako sa pagkatok sa pinto niya. Pero wala pa rin nagbubukas.
Tinawagan ko na rin ang cellphone niya, pero ring lang ito nang ring. Dinig ko pa nga ang tunog ng cellphone niya sa kinatatayuan ko. Nakatulog siguro siya sa kahihintay sa akin.
Kaya no choice na naman ako. Kinuha ko ang spare key niya sa ilalim ng doormat na nasa tapat ng pinto.
Ayaw niyang pumapasok ako basta-basta sa apartnent niya. Hindi naman siya siguro magagalit kung gagamitin ko iyon. Alam ko na may itinatago siyang spare key doon. Medyo malilimutun kasi ang girlfriend ko. Kaya incase lang naman na mawala o hindi niya matandaan kung saan niya nilagay ang susi niya. Hindi niya kinukuha ito doon. Para may reserba.
Pagkabukas ko ng apartment niya ay bumungad sa akin ang bukas na t.v. at ang girlfriend kong bahagyang nakangangang natutulog. Dumiretso muna ako sa kusina para ilapag ang mga bitbit ko. Saka bumalik sa natutulog kong girlfriend. Hindi ko maiwasang mapangiti, dahil sobrang ganda niya pa rin kahit na nakanganga siya. I find her more beautiful when she's sleeping.
I stroke her face using the back of my palm. She's like a little baby. Innocent and not aware on what happens on her sorroundings.
"I love you so much, babe. I will tell you as soon as possible if I already find the one who is responsible on what happen. I know you don't know anything. Hindi mo na dapat malaman pa. Dahil oras na malaman ko kung sino siya, sigurado akong patay na siya. Sisiguraduhin kong wala na siya sa mundo oras na malaman mong binaboy ka niya." Napakuyom na lang ako sa naisip ko.
Napalakas ata ang buntong hininga ko kaya nagising siya.
"Kanina ka pa ba? Antok na antok kasi ako," sabi niya sabay nag-inat at humikab.
"Ngayon-ngayon lang naman, kinuha ko na 'yung susi sa ilalim ng doormat. Kanina pa kasi ako kumakatok at tawag nang tawag sa'yo, pero wala ka man lang response."
"Sorry, babe. Okey lang kung kinuha mo na, ayoko naman na maghintay ka sa labas. Nasaan na nga pala 'yung mga mangga?" tanong niya.
"Nandoon na sa kusina." Nagmadali siyang tumayo,kinuha ang cellphone niya at inangkla ang kamay niya sa braso ko. Hinila niya ako papuntang kusina.
"Wow, ang dami. Salamat, babe. Pwede bang bitbitin mo ito pabalik sa pintuan. Tapos balik ka ulit dito sa kusina. Gusto ko kasi makita na bitbit mo 'yang mga iyan. Please? I will take a picture of you." Kinuha niya yung supot ng mangga at iniabot sa akin.
"Adik ka ba, babe? O baka may sakit ka. Patingin nga." Inilapat ko pa ang kamay ko sa noo niya.
"Please, pagbigyan mo na ako. Minsan lang naman eh. Hindi mo ba ako pagbibigyan? Hindi mo na ata ako mahal, e. Sige, kung ayaw mo huwag na lang," naka-ismid naman niyang sabi.
"Okay, fine. Ano ba nangyayari sa'yo at ang wierd mo ngayon?" tanong ko at kinuha ang supot ng mangga at sinunod ko ang gusto niyang mangyari.
Nakita kong lumapad ang ngiti niya sa labi at nagsimula na siyang mag-picture-picture. Napapailing na lang ako sa kawirduhan niya ngayon.
Matapos ang kalokohan niya nagbalat siya ng mangga. Kumuha siya ng suka, toyo, at asukal. Pinaghalo niya iyon at iyon ang ginawa niyang sawsawan. Sarap na sarap pa siya, feel na feel ang pagkain ng mangga.
Ako naman halos masuka na sa kinakain niya.
Seriously??
Anong lasa nung kinakain niya? Kailan pa naging exotic ang girlfriend ko?
"Bakit hindi mai-drawing 'yang mukha mo? Halika nga rito, sabayan mo akong kumain. Ang sarap nito, babe. Sawsaw mo dito, o. Ang sarap, try mo. Oh?" Iniabot pa niya sa akin yung mangga na sinawsaw niya doon sa ginawa niyang sawsawan.
"No, babe. Busog pa ako. Kailan ka pa naging exotic, Cheska?" Seryoso ang tanong ko. Kaya nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Kailan pa naging exotic ang pagkain ng mangga, aber? Ang pagkaka-alam ko, ang mangga ay prutas. Hindi ito exotic food. Huwag ka ngang epal. Kung ayaw mo kumain 'di 'wag. Ipagtimpla mo na lang ako ng orange-mango juice. Please?" Nag-puppy eyes pa.
Shit lang! Kung lagi siyang gaganyan sa harap ko. Baka hindi ako makapag-pigil. Its turn me on, Dude.
Tumalikod na lang ako at nagsimula nang maglakad palayo. Kaya lang napatigil ako, naalala ko kasing wala nga pala akong nabiling flavor na gusto niya.
"Babe, wala kasi akong nabili na orange-mango juice, e. Pero binili ko na lang kung ano mayron do'n," sabi ko sabay abot sa kaniya nung mga binili kong juice.
Napatigil siya sa pagkain at tinitigan niya lang ako. Gano'n din ang ginawa ko. Naglabanan kami ng tingin hanggang sa siya na ang umiwas.
"Ayoko niyan! Sabi ko orange-mango 'diba? Bakit 'yan ang binili mo?" Medyo mataas na ang boses niya.
"Wala akong nahanap, e. Saka pareho lang naman itong iinumin mo. Bakit ba hinahanap mo ang wala? Makuntento ka na lang sa binili ko. Hahanapin mo pa ang wala. Mahilig ka maghanap ng nawawala! Kung ayaw mo nito, edi 'wag!" Padabog ko pang hinagis ang sachet ng juice sa ibabae ng lamesa.
Nagulat ako nang lingonin ko siya ay namumuo na ang luha sa mga mata niya.
"Huwag mo akong artehan, Cheska. Para kang bata, juice lang iiyakan mo pa? Daig mo pa ang buntis kung makaasta ka! Teka..."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hindi kaya?...
"A--are you pregnant?"
Cheska's Pov
"A--are you pregnant?" Salubong ang kilay niyang tanong.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung buntis ako o hindi. Ang alam ko lang isang linggo na akong delay. Hindi ko na napansin na hindi na ako dinatnan gawa ng madalas akong maghanap ng pagkain. Na hindi ko naman usually ginagawa.
Nagulat ako nang magtanong ulit si Klyde. Pero this time matigas na ang boses niya. Animo'y galit sa kung ano man ang ineexpect niyang sagot ko.
"Hi-hindi ko alam. Pero isang linggo na akong delay," sabi ko. Sabay kagat sa ibabang labi ko at yumuko.
"Come with me. Lets go to the pharmacy and buy a pregnancy test. Take a test so we should know, if you're pregnant or not," sabi niya.
Mahigpit niya lang hinawakan ang kamay ko bago kami lumabas ng apartment. Kahit hindi niya sabihin. Nararamdaman kong hindi siya komportable sa mga nangyayari. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang lungkot.
Bakit lungkot ang kailangan kong makita sa mga mata niya? 'Diba dapat masaya 'yun? Dahil kung totoo ngang buntis ako. Ibig sabihin magiging tatay na siya ng magiging anak namin.