Marco's Pov Nasuntok ko ang pader na nasa harapan ko nang malaman kong kinidnapped ang mag-iina ko. "Kuya, calm down. Mahahanap din natin sila Cheska," sambit ni Ziana habang nilalagyan ng gasa ang nagdurugong kanang kamay ko. "No, I can't calm down in this kind of situation. Napakatigas ng ulo n'yang kaibigan mo. Kapag nakita ko yan---," natigilan ako sa aking sasabihin nang makita ang lalaking parating. Susunggaban ko sana s'ya nang suntok nang pigilan lang ako ni Ziana. "I know already where they are," sambit ni Klyde. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at sinundan ang sasakyan ni Klyde para puntahan ang lokasyon ng aking mag-iina. Tumunog ang cellphone ko at agad ko naman itong sinagot. "Hello," sagot ko. "Marco si Cheska ito." Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang

