CHAPTER 31

1154 Words

 NATULALA si Allen habang nakatitig kay Maki na hindi naman makatingin sa kaniya. Nakayuko ito, laglag ang mga balikat at namumula ang mga tainga. Halata na nanliliit ito at nahihiya sa mga inamin nito sa kaniya. Parang nilamutak ang puso niya. Kasi hindi niya inaasahan na ganoon ka-twisted ang sitwasyon ng binata mula noong maghiwalay sila hanggang ngayon. Ang sakit isipin na lahat ng frustration, galit, helplessness at suffocation na naramdaman nito sa nakaraang apat na taon ay kinimkim lang nito nang mag-isa. Nanginig ang mga labi niya at marahang huminga ng malalim. “Maki.” Sandali itong pumikit ng mariin bago dumeretso ng upo at humarap sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga paningin. Alam niyang hinihintay nito ang magiging reaksiyon niya. May bikig sa lalamunan niya kaya imbes na ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD