CHAPTER 5

1753 Words

ISANG BUWAN ang mabilis na lumipas at unti-unti nang nakakampante si Maki na sa pagkakataong iyon, magtatagal siya sa bago niyang foster family. Ang pamilya Dionisio na ang ikalimang foster family niya mula pa noong five years old siya. Ayaw niyang ayawan na naman ng pamilyang kumukupkop sa kaniya at ibalik na naman siya sa pangangalaga ng DSWD na siguradong dadalhin siya sa kung saang bahay ampunan. Gusto niyang magtagal doon lalo at habang tumatanda siya, paliit ng paliit ang chance na may legal na mag-aampon sa kaniya. Katulad ng ibang foundling, umaasam din siya na magkaroon ng totoong pamilya na magmamahal at mag-aalaga sa kaniya. Isa pa ayaw niyang lumipat na naman ng lugar na tirahan at mas lalong ayaw na niyang lumipat ng school. Lalo na ngayon na nakita na niya ang taong matagal

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD