CHAPTER 8

1711 Words

Kahit nang matapos ang bakasyon at balik eskuwela na uli sila, kapansin-pansin ang closeness nina Allen at Maki. Ang binatilyo na likas na tahimik at hindi masalita, nagiging madaldal at palangiti kapag kausap ang dalagita. Sabay pa silang nag re-recess at kapag uwian na, nanonood pa si Maki sa taekwondo practice ni Allen. Pagkatapos sabay na sila uuwi pagsapit ng alas singko ng hapon. May mga weekend na nasa bahay pa nila ito at sabay silang gumagawa ng assignments o kaya nanonood ng movies gamit ang VCD player sa sala nila. Halata na natutuwa ang papa niya kapag nakikita sa bahay nila si Maki. Pero ang mama niya, nakakahiya man aminin pero napapansin niyang hindi komportable na close siya sa binatilyo. Pero dahil siguro nag-aaral na siya at gumagawa ng assignments dahil kay Maki, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD