Episode 19

1496 Words
Chapter 19 Nagtungo si Ian sa bahay nila Princess at Aling Doray. Naabutan niya na umiiyak ang mga bata at pinapatahan ito ni Daisyree. Habang si Aling Doray naman ay kausap pa rin ang larawan ng kaniyang yumaong asawa. Tumatawa ito at parang wala na sa sarili. "Princess, ano nangyari sa mga bata? Bakit sila iyak ng iyak?" tanong ni Ian na inilapag ang box na may lamang groceries na pinamili niya may ilang kilong bigas din siyang dinala para sa mag-iina. "Ian mabuti na rito ka. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Nanay. Halos wala na siya sa kaniyang sarili. Hindi ko alam kung sino ang unahin ko. Hirap na hirap na ako," umiiyak na sumbong ni Princess Kay Ian. "Nakapagsaing ka na ba? Kumain na ba kayo? Padedein mo muna ang mga bata. May binili ako ritong pump at mga bote ng kambal para kapag marami ang gatas mo I-pump mo na lang at isalin sa bote para hindi ka mahirapan na Padedein sila." Binuksan ni Ian ang box at kinuha ang bote. Siya na rin ang nag hugas at nag-init ng tubig para linisan ang mga bote at ang pang pump. "Kumain na ako. Pero si Nanay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi na naman siya kumakain dahil hinihintay niya si Tatay," mangiyak-ngiyak na sumbong ni Princess Kay Ian. Wala siyang Ibang kakilala kundi si Ian lang dahil wala pa rin siyang maalala. "May kilala akong doktor sa bayan. Bukas babalik ako at dadalhin ko sa psychiatrist si Aling Doray. Kailangan mapatingnan siya at baka Lumala ang setwasyon niya ikaw pa rin ang mahihirapan," sabi ni Ian at inabot kay Princess ang pump at pinunasan ng malinis na towel ang bote ng mga bata. "Salamat, Ian. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko kung wala ka. Makakabawi rin ako sa mga kabutihan mo sa amin. Balak ko na lang sana magbinta ng mga gulay o kakanin diyan sa mga construction worker para may pagkukunan kami pang-araw-araw. Kaso hindi ko alam kung saan iiwan ang mga bata," malungkot na pahayag ni Princess kay Ian. "Huwag ka mag-alala dahil tutulungan kita sa bagay na iyan. Pwede na magluto ka tapos uutusan ko ang isa sa mga construction na kunin ang mga paninda mo rito para hindi ka na mahirapan pumunta sa site. Pero uunahin muna natin patingnan si Aling Doray," wika ni Ian kay Princess. Hindi alam ni Princess kung paano niya pasasalamatan ang anak ni Aling Welma na si Ian dahil sa tulong nito sa kanila ni Aling Doray. "Salamat, Ian. Iyon lang muna ang masasabi ko sa'yo," pasalamat ni Princess kay Ian. "Princess, may itatanong lang sana ako sa'yo. Huwag mo sana masamain, ha?" saad ni Ian na matamang tinitigan si Princess. "Ano 'yon, Ian?" "Saan ba ang tatay ng mga anak mo?" daretsahang tanong ni Ian Kay Princess. Hindi nakakibo si Princess. Hindi rin kasi alam ni Ian na mayroong amnesia si Princess. Saka binilinan din si Princess nila Aling Doray at Mang Juanito na kung sino man ang mag tanong sa kaniya ay huwag sabihin na may amnesia siya. "Inanakan lang ako, Ian. May asawa na siya at ayaw ko naman na guluhin pa sila. Kaya nga umuwi ako rito para dito na lang magsimula mamuhay at kalimutan na ang lalaking iyon," pag-iimbinto ng istorya ni Princess kay Ian. Subalit iyon naman ang sinabi sa kaniya ng kinikilala niyang mga magulang na may asawa na ang nakabuntis sa kaniya. Tumunago-tango na lang si Ian at hindi na rin ito nag-tagal kina Princess dahil naghihintay pa sa baraks ang kaniyang girlfriend at Oliver. Pagdating ni Ian sa baraks ay naabutan niya si Oliver na nakapameywang at may kausap sa cellphone. Nang makita ni Oliver si Ian ay pinatay na nito ang cellphone. "Kumusta ang pinagdalhan mo ng mga pinamili mo?" nakangiting tanong ni Oliver Kay Ian. "Bukas dadalhin ko sa Psychiatrist si Aling Doray. Kaya, bukas bago tayo bumalik sa Meland ay patingnan ko muna siya sa doktor dahil parang wala na siya sa sarili mula nang mawala 'yong asawa niya," turan ni Ian kay Oliver. "Ganoon ba? Naalala mo pala si Nicol? 'Yong sa kabilang building ng school natin noon?" tanong ni Oliver kay Ian. 'Oo, 'yong crush mo noong college tayo?" nakangiting tanong ni Ian. "Exactly! Tumawag siya sa akin. Nakuha niya raw ang number ko Kay Lester. Nasa Meland daw siya nagta-trabaho. Kaya, bukas mag-meet kami. Then sa sunod na linggo babalik na ulit ako sa Camelon. Alam mo naman may project pa akong maiwan doon. At sa next na balik ko rito ay dito na ako mag-stay sa Atiplo," pahayag ni Oliver kay Ian. "Magandang Idea iyon, Bro. Pero huwag mo sabihin sa akin na liligawan mo si Nícol?" nakangiting tanong ni Ian Kay Oliver. Kibit-balikat si Oliver bago sinagot si Ian. "Well, wala naman masama kung liligawan ko siya. Binata naman ako at dalaga naman siya." "Well, good luck. Sana magtagumpay ka kapag niligawan mo siya," wika ni Ian sabay tapik sa balikat ni Oliver. Kinabukasan maagang pumunta si Ian sa bahay nila Princess at Aling Doray para sunduin si Aling Doray. Sasama sana si Oliver ngunit nagpaiwan na lang sila ni Penny dahil may pagkatarik ang daan papunta sa bahay nila Princes. Nag-ikot na lang muna si Oliver sa proyekto. Pagdating ni Ian sa bahay nila Princess ay naabutan niya na nagdidilig si Princess ng mga halaman. Tulog pa kasi ang dalawang sanggol, kaya sinamantala ni Princess ang pagdilig sa mga halaman. "Good morning, Princess. Susunduin ko sana si Aling Doray, bago ako bumalik sa Meland," nakangiting bati ni Ian kay Princess. Binitiwan ni Princess ang tabo at timba saka niyaya si Ian sa loob. "Hali ka muna sa loob. Gising na 'yon si Nanay. Papabihisin ko lang muna siya. Pasensya na hindi ko masasamahan si Nanay dahil alam mo naman na dalawa ang binabantayan ko," turan ni Princess Kay Ian. Umakyat na sila sa loob ng bahay at pinuntahan kaagad ni Princess si Aling Doray sa silid nito. Gising na ito at kinakausap ang larawan ni Mang Juanito. "Nay, magbihis ka po. Pupunta po kayo ni Ian kay Tatay," wika ni Princess sa kinikilala niyang ina. Kailangan magsinungaling ni Princess upang mapapayag niya ang kaniyang ina na sumama kay Ian. "Talaga, Anak? Nagugutom na siguro ang Tatay mo. Tawagan mo siya at tanungin kung ano ang gusto niyang ulam. Paglulutuan ko siya para lalo siyang maganahan sa pagbyahe," tugon ni Aling Doray kay Princess. Hindi talaga ni Aling Doray matanggap ang pagkawala ni Mang Juanito. "Sabi ni Tatay kakain daw kayo sa restaurant, Nay. Matagal na panahon ka na raw kasi niyang hindi nai-date," pagsisinungaling ni Princess na pinipigilan na huwag maiyak. Masakit para sa kaniya na makita ang pangungulila ng kaniyang ina sa kinikilala niyang ama na si Mang Juanito. "Sige, Anak. Maliligo lang ako. 'Yong ka bal dadalhin natin dahil tiyak na gustong-gusto na sila makita ng tatay mo," natutuwang sabi ni Aling Doray kay Princess at tumayo ito upang maligo. Bagsak ang balikat ni Princess na lumabas sa silid ni Mang Doray at sinilip ang mga Kam al sa kaniyang silid. Mahimbing na natutulog pa ang mga ito. Pagkatapos ay humarap siya kay Ian na nakaupo sa kawayang upuan. "Naliligo pa si Mama. Gusto mo magkape?" alok ni Princess kay Ian. "Tapos na ako magkape. Kumusta ang mga kambal tulog pa ba?" tanong ni Ian Kay Princess. Tumango lang si Princess at tipid na ngumiti kay Ian. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakabihis na si Aling Doray. Excited na ito dahil akala nito ay makikita na si Mang Juanito. "Bakit hindi ka pa nagbibihis, Princess? Hindi ka ba sasama? 'Di ba, gusto mo mamasyal sa bayan? Saka excited na 'yong tatay mo na makita 'yong mga kambal, kaya magbihis ka na, bilisan mo!“ utos ni Aling Doray kay Princess. "Nay, sabi ni Tatay kayong dalawa lang dahil gusto ka niya ipasyal. Tapos sabay na kayo uuwi mamaya. Si Ian ang kasama mo para hindi ka na mamasahe papunta sa bayan," pagsisinungaling ni Princess kay Aling Doray. Kailangan niyang gawin iyon para mapapayag si Aling Doray na sumama kay Ian. Masakit man para kay Princess ngunit wala siyang magagawa. "Ay, ganoon ba? Tara na, Ian. Baka maiinip na si Juanito kakahintay sa atin," excited na yaya ni Aling Doray kay Ian. Nauna pa itong lumabas. "Tawagan mo ako kung ano ang resulta kapag napatingnan mo na si Nanay sa psychiatrist, ha?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Princess kay Ian. "Huwag ka mag-alala dahil babalitaan kita. Kung dito sana si Mama walang problema. Kaso sumama si Mama sa Amerika sa Tita ko para magbakasyon," pahayag ni Ian Kay Princess. Pagkatapos kasi ng libing ni Mang Juanito ay sumama si Aling Welma sa kapatid niya na pumunta sa Amerika. Hindi rin alam ni Aling Welma ang nangyayari ngayon kay Aling Doray dahil hindi pa sinabi ni Ian. Hindi pa sila masyado na kapag-usap mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD