Episode 17

1837 Words
Chapter 17 Lumipas pa ang ilang buwan ay sumapit na ang araw ng kapanganakan ni Daisyree. Nagdidilig siya ng halaman nang bigla na lang sumakit ang kaniyang tiyan. “Nay, sumasakit ang tiyan ko!’’ sigaw niya kay Aling Doray habang nagbubunot ng damo sa mga tanim nitong halaman. Dali-dali naman tumayo si ALing Doray at pinuntahan si Daisyree. “Nako, Princess! Wala pa naman ang tatay mo. Sigurado bang masakit ang tiyan mo? Kunin mo na ang mga gamit mo pupunta tayo sa hospital,’’ natatarantang utos ni Aling Doray kay Daisyree. Wala si Mang Juanito dahil nagbyahe ito ng kotse. “Humihinto-hinto po ‘yong sakit, Nay. Pero baka manganganak na nga ako. Saglit lang at kukunin ko ang mga gamit na dadalhin ko sa hospital.” Pagkasabi niya sa kaniyang ina-inahan ay pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha ang bag na ginayak niya na para sa panganganak niya. Mga gamit iyon ng baby niya. Sumunod naman sa kaniya si Aling Doray na natataranta. Hindi alam kung ano ang unahin na gawin. “Ano ba naman itong tatay mo, tinatawagan ko hindi sumasagot,’’ problemadong turan ni Aling Doray kay Daisyree. “Mag-abang na lang tayo ng sasakyan sa highway, Nay. Huwag mo na tawagan si Tatay,’’ sabi ni Daisyree habang bitbit ang kaniyang bag. “Tara na, akin na ‘yang bag mo.” Kinuha naman ni Aling Doray ang bag ni Daisyree at lumabas na sila ng bahay. Isinara muna ni Manang Doray ang bahay bago sila naglakbay sa highway. Malayo pa ang highway sa bahay nila at kailangan nilang lumakad dahil wala pa namang kalsada na papunta sa bahay nila. Nadaanan nila ang lupa na ibininta ng kaibigan ni Aling Doray na si Aling Welma. Sinisimulan nang bungkalin ang lupa upang gawing subdivision. “Kapag nasa bayan na tayo sa hospital at may makipag-usap sa’yo huwag ka magtitiwala, ha? Lalo na huwag mo sasabihin na may amnesia ka dahil baka maloko ka o pansamantalahan ang pagka-amnesia mo,’’ bilin ni Aling Doray kay Daisyree habang naglalakbay sila patungo sa high way. “Opo, Inay,’’ tipid na sagot ni Daisyree habang nakangiwi. “Saka kapag may tumawag sa’yo na ibang pangalan huwag mo pansinin. Saka huwag ka magpahalata na may amnesia ka para hindi ka mapahamak,’’ dugtong pang sabi ni Aling Doray kay Daisyree. Nagtataka man si Daisyree sa sinabi ni Aling Doray ay hindi niya na lang ito pinansin dahil sumasakit na naman saglit ang kaniyang tiyan. Tumango lang siya habang naglalakad. Ilang kilometro pa ang layo ng highway nang may makasalubong silang kotse papasok sa subdivision. Hanggang sa ginagawang subdivision lang kasi ang rap road na kalsada at wala rin sasakyan na pangpubliko ang pumapasok roon. Huminto ang sasakyan sa tapat nila at bumaba ang tinted glass window nito. “Aling Doray, kumusta po?” naknagiting bati ng anak ni Aling Welma kay Aling Doray. “Ikaw pala, Ian. Ayos lang naman ako. Ihahatid ko lang itong anak ko sa hospital dahil manganganak. Saan baa ng punta mo?” tanong ni Aling Doray kay Ian. “Ako po ang architect na ginagawang subdivision sa dati naming lupa. Papasyalan ko lang ang lugar. Pumasok na po kayo sa sasakyan at ihahatid ko na kayo. Baka manganganak na ho ang anak ninyo,’’ alok ni Ian sa mag-ina. Natuwa naman si Aling Doray at Daisyree dahil hindi na sila mahirapan maglakad at mag-abang ng sasakyan sa highway. “Salamat , Iho! Hulog ka talaga ng langit,’’ natutuwang pasalamat ni Aling Doray at tumingala pa sa langit bago binuksan ang pintuan ng sasakya. Pinapasok niya muna si Princess bago siya pumasok. Agad naman pinaandar ni Ian ang kaniyang sasakyan upang ihatid sina Daisyree sa hospital. “May maganda pala kayong anak, Aling Doray?’’ nagtatakang tanong ni Ian. Akala niya kasi ay walang anak si aling Doray at Mang Juanito. “Oo, siya si Princess. Princess, si Ian, anak ni Welma, ‘yong babae na pumunta noon sa bahay,’’ pakilala ni Aling Doray sa dalawa. Tipid na ngiti lang ang iginawad ni Daisyree kay Ian. Tumango lang din si Ian sa kaniya na nakangiti bilang pagbati. Inisip na lang ni Ian na marahil sa ibang lugar ito nakatira noon at minsan lang umuuwi kina Aling Doray. Hindi naman kasi interesado si Ian sa buhay ng iba at hindi niya rin lubos na kilala sina Mang Juanito at Aling Doray dahil sa Meland siya namamalagi. Pagdating nila sa hospital ay agad naman sinalubong ng nurse at midwife si Daisyree. Dinala siya sa delivery room. Habang si Ian at Aling Doray ay naiwan sa labas ng delivery room. “Salamat talaga sa paghatid mo sa amin, ha?’’ walang humpay na pasalamat ni Aling Doray kay Ian. “Walang ano man, Aling Doray. Hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka lalo na at buntis ang anak ninyo,’’ masaya naman na saad ni Ian sa matanda. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Ian. Sinagot niya ito nang makita sa screen ang pangalan ng tumatawag sa kaniya. Nag-excuse muna siya kay Aling Doray at sinagot ang tawag. “Bro, kumusta? Hindi ka ba matuloy pupunta dito?’’ tanong ni Ian kay Oliver. Si Oliver ang kausap niya. “Hindi, Bro. Baka next month na lang dahil kailangan ko muna ayusin ang electrical dito bago ako pumunta riyan. Baka sabay na lang kami ni Penny pumunta riyan,’’ sagot ni Oliver sa kabilang linya. “Speaking of my angel, kumusta siya? Baka mamaya may nanliligaw na riyan sa apartment niya,’’ sabi ni Ian. Noong Pumunta si Ian sa Camelon ay una pa lang niyang nakita si Penny ay nabighani na siya. Kaya, hindi niya tinigilan si Oliver na ipakilala siya sa kapit bahay nito. Hindi niya rin tinigilan si Penny, hanngang sa napasagot niya ito. Kaya, bago bumalik ng Meland si Ian ay magkasintahan na sila ni Penny. At ayaw niyang patagalin ang pagiging magkasintahan nila at inalok niya ito ng kasal. Pumayag naman si Penny dahil may gusto rin naman siya kay Ian. Balak nila na sa Meland magpakasal subalit hindi pa maiwan ni Penny ang apartment na iniwan ni Daisyree sa kaniya dahil baka bumalik si Daisyree. Gusto ni Penny iayos muna ang mga gamit na naiwan ng pamilya ni Daisyree bago iwanan ang apartment. Sinabi niya na rin ang bagay na iyon sa ina ni Daisyree na nasa ibang bansa kasama ang mga kapatid ni Daisyree. “Huwag ka mag-alala dahil hindi makakapasok ang mga ‘yon sa apartment ni Penny. Kumusta naman ang project natin diyan? Hindi pa naman yata inuumpisahan ang electrical, kaya tama lang iyan next month pagpunta ko riyan,’’ tugon ni Oliver sa kabilang linya. “Hindi pa ako nakarating sa site dahil may hinatid ako sa hospital. Manganganak kasi ang anak ng kaibigan ni Mama,’’ sagot ni Ian kay Oliver. “Ganoon ba? Sige, Bro. Papasok na ako sa trabaho,’’ paalam ni Oliver kay Ian. “Okay, Bro at tawagan ko na lang mamaya ang angel ko.” Pagkasabi ni Ian ay pinatay na niya ang cellphone. Bumalik siya kay Aling Doray at nagpaalam. “Aling Doray, maiwan ko na muna kayo dahil kailangan ko pang bisitahin ang ginagawang subdivision. Congratulation ang magiging, Lola ka na,’’ natutuwang sabi ni Ian. Tumango lang si Aling Doray at malawak na ngumiti. Nang makaalis na si Ian ay muli niyang tinawagan ang numero ni Mang Juanito, ngunit out of coverage area ito. Nag-iwan na lang siya ng text message kay Mang Juanito. Sinabi niya na narito sila sa hospital at mangananak na si Princess. Halong kaba at saya ang nararamdaman ni Aling Doray dahil manganganak na si Princess. Tiyak na matutuwa ang kaniyang asawa kapag nabasa nito ang text message niya. Isang oras pa ang lumipas ay lumabas na ang doctor na nagpaanak kay Daisyree. “Dok, kumusta ang anak ko? Nanganak na ba siya? Lumabas na ba ang apo ko?” excited na tanong ni Aling Doray sa doktor na lumabas. “Opo, lumabas na ang mga bata. Mabuti at nailabas niya na normal at hindi siya na cesarian. Saan ang asawa ng pasyente?’’ tanong ng doktor. “Ha? Ahh… Ehhh… Matagal na po silang hiwalay dok,” nag-alinlangan na sagot ni Aling Doray sa doktor. Nagtataka siya sa unang sinabi ng doktor. “Kambal ang anak ng pasyente, Manang. Kailangan niya muna ma-confine rito ng isang araw. Healthy naman ang kambal, pero ang nanay nila nanghihina pa. Kaya kailangan niya muna magpahinga rito sa ospital para ma monitor namin siya.” Halos hindi makapaniwala si Aling Doray sa sinabi ng doktor na kambal ang anak ni Princess. Simula kasi na malaman nila na buntis si Princess ay hindi na ito nakabalik muli sa doktor dahil kapos sila sa pera. “Totoo bang kambal ang apo ko, dok? Puwede ko na ba mapuntahan ang anak ko?’’ masayang tanong ni Aling Doray sa doktor. Tumango-tango lang ang doktor at nagpaalam ng umalis. Labis ang tuwa na nadarama ni Aling Doray. Hindi siya makapaniwala na manganganak ng kambal na babae at lalaki ang tinuturi nilang anak na mag-asawa. Tatawagan niya muli sana si Mang Juanito nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Pagtingin niya sa screen ng kaniyang cellphone ay si Mang Juanito ang tumatawag. Mabilis niyang sinagot ang kaniyang cellphone. “Hello, Juanito! Alam mo bang nanganak na si Princess? At hindi lang iyon kundi kambal pa ang kaniyang anak.” Masayang ibinalita ni Aling Doray ang panganganak ni Princess. Ngunit napawi ang kaniyang saya nang ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya at hindi ang kaniyang asawa. “Kayo po ba ang asawa ni Juanito ang may ari ng cellphone na ito?’’ tanong ng lalaki sa kabilang linya. “Ako nga po. Bakit nasa iyo ang cellphone ng asawa ko?’’ nagtatakang tanong ni Aling Doray sa kausap. “Police po ito. Huwag po kayo mabibigla ngunit patay na ang asawa ninyo. Nandito ang labi niya ngayon sa porenarya. Na hold up po siya at tinangay ang pera niya. Nakita lang namin ang bangkay niya sa ilalim ng kotse at itong cellphone ay nasa ilalim ng upuan namin natagpuan,’’ saysay ng police kay Aling Doray. Parang naguho ang mundo ni Aling Doray sa narinig mula sa police. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi sa kaniya ng police. “Hindi totoo ‘yan. Buhay ang asawa ko at pupuntahan niya ako rito at si Princess para makita niya ang apo namin! Sinungaling ka!” sigaw ni Aling Doray sa kabilang linya. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi nito alam kung iiyak ba siya o sisigaw. “I’m sorry, Misis. Puntahan niyo na lang ang kaniyang labi dito sa bias porenarya. Nag-iimbistiga pa rin po kami sa nangyari sa Mister ninyo. Kumakalap na rin po kami ng ebedensya sa kung sino ang gumawa nito sa kaniya.” Hindi na nakasagot si aling Doray sa sinabi ng police dahil nawalan na siya ng malay. Bigla na lang siya napahiga sa sahig ng hospital sa labas ng delivery room. Mabuti at nakita siya ng isang nurse at dali-dali siyang dinala sa emenrgency room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD