Chapter 23 Pagkalipas ng isang buwan ay umuwi ang Mama ni Daisyree at pinuntahan siya sa bahay na tinitirhan niya kasama ng kaniyang mga kambal. Halos linggo-linggo naman siyang dinadalaw ni Penny sa kawayan kasama si Ian. Isang buwan rin hindi nagpakita si Oliver dahil gusto niya na pagharap muli nila ni Daisyree ay may sapat siyang dahilan. Abala sa pagpapaligo si Princess sa kaniyang mga kambal nang dumating si Penny at Zelda na ina ni Daisyree. “Anak, kumusta ka na?’’ Nasasabik na nilapitan ni Zelda si Princess na tulala lang na nakatingin sa kaniya. Lumapit si Zelda at niyakap si Princess. “Pinag-alala mo kami, Anak. Bakit ba hindi mo sinabi na buntis ka? Maiintindihan naman kita, eh! Hayzz… Ang mga apo ko.” Hinawakan ni Zelda ang mga bata at siya na ang nagpatuloy sa pagpapaligo

