DAHIL sa nangyari ay bad shot na naman ako sa ama namin ni Yesxia. Paniguradong nadagdagan na naman ang galit nito sa akin. But what's new? Wala naman na bago sa akin kung galit sa akin ang ama ko o hindi.
I don't know why pero simula nang iiwan kami ni mama ay nag-iba ang pagtingin ko sa ama ko. Kung noon ay hinahangaan ko siya dahil sa mga achievements niya sa buhay at mga narating niya, ngayon ay hindi na. At inaamin ko, nagrerebelde ako sa ama ko.
Siya ang sinisisi ko kung bakit ngayon ay hindi na namin kasama ni Yesxia ang ina namin. Kung hindi masyadong perfectionist si Papa at hindi sana nasakal sa kanya si mama, hindi sana kami nito maiisipang iiwan. It's his all fault. I'm blaming him for everything that had happened.
I hate my own father.
Bumuntong hininga ako at inilapag ang hawak na cellphone sa ibabaw ng kama. Tamad na tamad kong isinandal ang sarili sa headboard ng kama at tumulala kung saan.
Dahil nagsimula na ang sembreak ay nananatili lang ako rito sa bahay. Hindi ko naman magawang lumabas dahil grounded ako. Hanggang ngayon kasi ay matindi pa rin ang galit sa akin ng ama ko. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil kinausap niya ang teacher ko na bigyan ako ng special examination para makahabol. Nagdahilan na lang siya kung bakit wala ako sa araw ng exam noon.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. Humalukipkip ako at hinintay ang pagpasok ng taong 'yon sa kwarto ko. It's Yesxia.
"What do you need?" tanong ko nang mabuksan niya ang pinto ng kwarto ko. Napansin ko kaagad sa kanya ang pananamit niya, mukhang aalis base na rin sa suot niya.
"Pupunta kami ng mga kaibigan ko sa mall. May gusto ka bang pasalubong?" tanong niya at naglakad papasok ng kwarto ko. Tumigil siya sa paanan ng kama ko.
Umiling ako. "Wala."
Bahagyang nagkasalubong ang kilay ko nang mapansin ko ang paninitig sa akin ni Yesxia.
"What's with that look?" tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.
"I felt guilty," usal niya at nagbaba ng tingin. "It was my fault. Hindi ka sana nakakulong dito ngayon sa bahay kung 'di ako naglasing noong gabing 'yon."
Saglit akong natigilan nang marinig ang sinabi niya. Sa totoo lang ay sang-ayon ako sa sinabi niya, pero wala naman mangyayari kung magsisisihan pa kami. At isa pa, may kasalanan din ako.
May karapatan akong tumanggi sa hiling niya sa akin pero 'di ko ginawa. Kung 'di ako pumayag sa gustong mangyari ni Yesxia, hindi sana mangyayari sa akin 'to. Kasalanan ko rin kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako.
"Don't blame yourself, it's also my fault," sabi ko kay Yesxia.
Kahit na minsan ay nakakaramdaman ako ng pagtatampo sa kakambal ko, I still love her. Ganoon din siya sa akin. Kung may magtatanong man sa akin kung sino ang taong sa tingin ko ay talagang nagmamahal at nagmamalasakit sa akin, hindi ako magdadalawang-isip na sabihin ang pangalan ni Yesxia.
Kahit madalas ay napapahamak niya ako sa mga ginagawa niya, I know she loves me. Kailangan lang namin intindihin ang isa't isa.
"But..."
Itinaas ko sa ere ang palad ko senyales na huwag na niya ituloy ang sasabihin niya.
"Just go and have some fun with your friends," I said.
Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at tumango. "Fine. I'll be back later. Dadalhan na lang din kita ng pasalubong. And if you get bored here, just call me. Uuwi agad ako."
"Okay," tanging tugon ko kahit na sa totoo lang ay wala akong balak na sundin ang sinabi niya. Ayaw kong masira ang gala niya kasama ang mga kaibigan niya. Sembreak ngayon kaya gusto kong i-enjoy niya ang mga araw niya. Kaya ko naman ang mag-isa.
Binigyan muna ako ng ngiti ni Yesxia bago tumalikod at lumabas na ng kwarto ko. Kaya sa huli, naiwan na naman akong mag-isa.
Nilibang ko na lang ang sarili para hindi mabagot. Nang magsawa sa kaka-cellphone at kanonood ng kung ano-ano ay mas pinili ko na lang ang matulog. Pagsapit naman ng hapon ay dumating na rin si Yesxia dala ang mga pasalubong niya sa akin gaya na lang ng iba't ibang klase ng pagkain.
But still, pakiramdaman ko ay napaka-boring pa rin ng araw ko. Nagpapasalamat na lang ako sa kakambal ko na pilit akong nililibang.
I STOPPED reading the book that I was holding when I heard someone's knocking on the door in my room. Ilang saglit pa ay pumasok sa kwarto ko ang kakambal kong nakanguso sa hindi ko malaman na dahilan.
"What's wrong with you?" naguguluhan kong tanong. She looks irritated.
She groaned in annoyance. Hindi pa nakuntento at nagsisipa pa sa sahig.
"Si Papa kasi, eh!" parang batang usal niya at nakangusong tumingin sa akin. "Gusto niyang makipag-date ako sa anak ng kaibigan niya."
"So what? Wala naman na bago roon," kibit-balikat kong sabi. Hindi ito ang unang beses na ginusto 'yon ni Papa.
"Pero meron na akong boyfriend, si Mattrix!" Nagdadabog siyang naglakad palapit sa akin at naupo sa gilid ng kama ko. "Wala na akong planong makipagrelasyon pa sa iba. Kuntento na ako kay Mattrix."
"Pero wala kang magagawa, si Papa ang nagsabi na makipag-date ka. Kilala mo naman ang ama natin, 'pag sinabi niya, kailangan masunod."
"But I don't want to go on a date!" pagpupumilit pa rin ni Yesxia.
Tumamad ang mukha ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Kahit naman anong sabihin ko ay mukhang wala siyang balak na pakinggan.
Pinagmamasdan ko lang siya habang nakanguso nang bigla na lang siya pumalakpak na tila may naisip na magandang ideya saka malapad ang ngiting pinagmasdan ako.
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa nangyayari sa kakambal ko. Panigurado akong may naisip na naman siyang plano at sigurado akong involve na naman ako roon, base pa lang sa nakikita kong ngiti sa labi niya.
"Ano na naman ang naisip mo?" tanong ko kay Yesxia at hindi na nagpaligoy-paligoy pa.
"What if ikaw na lang ang pumunta sa date ko bukas?" masaya niyang sabi sa plano niya.
Sarkastiko akong natawa. "Are you making me laugh? Alam mong wala akong gana sa mga ganyan. Huwag mo na rin subukang tumakas sa date mo."
"Pero hindi lang naman 'to para sa akin, Hestia. Para din sa 'yo 'to."
"Paano mo nasabi?" Pinagtaasan ko pa ng kilay ang kakambal ko.
"We all know na ang tagal mo nang nakakulong dito sa bahay, simula noong mag-sembreak. 'Di mo rin magawang lumabas dahil grounded ka. Kaya naisip kong kunin mo ang chance na 'to para makapaggala nang 'di ka mabagot dito sa bahay," mahaba niyang paliwanag. Sa pananalita niya pa lang ay alam ko nang sinusubukan niya akong pasang-ayunin sa gusto niyang mangyari.
Pero kung tutuusin, may tama siya. Masyado na akong bagot dito sa bahay at pakiramdam ko ay nasu-suffocate na ako. Higit isang linggo na rin akong nakakulong lang sa kwarto ko.
"What do you think, huh?" nasisiyahan niya pang tanong sa akin, nagtaas-baba pa ang kilay niya.
"I still don't want to go. Date 'yon, Yesxia," pagmamatigas ko.
"Pero 'di mo naman kailangang isipin na date 'yon. Isipin mo na lang na someone will accompany you habang naggagala ka. Isn't that great?" pangungumbinsi sa akin ni Yesxia.
Hindi ko tinugon ang kakambal ko at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Siya naman ay hindi nakuntento at tuluyan nang lumapit sa akin. Kumapit pa siya sa braso ko.
"Sige na, Hestia. Para din makalabas ka ng bahay. Ako naman, habang wala ka rito ay magpapanggap na ikaw. Promise, wala akong gagawing kalokohan. Magkukulong lang ako dito sa kwarto mo."
Napabuntong hininga ako at wala na nagawa kundi ang tumango. "Fine. Ako ang pupunta sa date mo."
Namilog ang mga mata ni Yesxia sa sinabi ko. "Really?"
"Yes, I'm serious about this."
Ngiting tagumpay na binitiwan ng kakambal ko ang braso ko.
"Pero sino pala ang guy na magiging date mo bukas?" tanong ko nang maalala ang tungkol sa bagay na 'yon.
Nangunot ang noo ko nang bigyan lang ako ni Yesxia ng makahulugang tingin. Kakaiba na rin ang kislap sa mga mata niya. Even her smile, parang naging creepy bigla ang dating para sa akin.
"Just wait and you'll see," usal niya.
"Yesxia," nagbabantang usal ko sa pangalan niya.
Tumawa siya nang malakas na tila nasisiyahan sa naging reaksiyon ko. "Calm down, Hestia. Mawawala na ang thrill kung sasabihin ko agad sa 'yo."
Napairap ako sa sinabi ng kakambal ko. "'Pag hindi mo sinabi sa akin, aayaw ako sa gusto mo."
"No, don't!" pigil niya agad sa sinabi ko. "Malalaman mo naman bukas kung sino ang magiging date mo. Susunduin ka niya rito mismo sa bahay."
"Pero--"
"Sige ka, isa pang tanong, iisipin kong excited ka sa date mo bukas," putol sa akin ng kakambal ko at tumawa sa sarili niyang sinabi.
Humalukipkip ako at napabuntong hininga. "Fine." Pagsuko ko.
Wala talaga siyang planong sabihin sa akin kung sino ang date niya bukas. And knowing her, hindi ko siya mapipilit na sabihin 'yon sa akin.
Dahil gabi na rin at bawal kami magpuyat ni Yesxia ay nagpaalam na rin siya sa akin at bumalik na sa kwarto niya. Ako naman ay itinigil na ang pagbabasa ng libro at natulog na rin.
Ang sabi sa akin ni Yesxia ay maaga pupunta ang magiging date niya, kaya alas siyete pa lang ng umaga ay gising na ako at palihim na pumasok sa kwarto ni Yesxia. Si Yesxia naman ay palihim din na nagpunta ng kwarto ko para magpanggap na ako.
At dahil ngayong araw ay ako si Yesxia, wala akong nagawa kundi suotin ang girly niyang mga dress. Napailing pa ako nang makita ko ang sarili sa harapan ng salamin habang nakasuot ng pink dress na hanggang tuhod ang haba. Ito na ang pinaka-simple sa mga dress ni Yesxia kaya ito ang napili kong isuot na ibinagay ko naman sa flat shoes. Ganito kung paano manamit ang kakambal ko na kailangan kong gayahin ngayong araw.
Mag-aalas diyes na rin nang katukin ako ng kasambahay dito sa kwarto ni Yesxia para ipaalam na nasa salas na ang sundo ko. Kaya lumabas na ako ng kwarto ni Yesxia para makita ang lalaki, pero bago 'yon ay pinasadahan ko pa ulit ng tingin ang sarili sa salamin at siniguradong suot ko ang katulad na retainer kay Yesxia.
Habang naglalakad sa hallway ng bahay ay tila biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong meron pero pakiramdam ko ay bigla akong kinain ng matinding kaba.
Pilit kong ipinagsawalang bahala 'yon dahil baka wala lang 'yon, pero natanto kong mali ako nang pagkarating ko sa salas ng bahay ay nakita ko kung sino ang lalaking naghihintay sa akin dito. Ngayon at naiintindihan ko na kung bakit bigla akong kinabahan. Tila na-sense ng sarili ko na may kakaibang mangyayari. Isang delikadong tao para sa puso ko ang natagpuan ko rito sa salas.
"Silent..." mahinang usal ko sa pangalan ng lalaking naghihintay sa akin sa salas.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa at naglakad palapit sa akin. Bahagyang bumali ang leeg niya habang pinagmamasdan ako.
Wala sa sariling napalunok ako nang mapansin ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. Umawang ang bibig ko at bahagyang nanlaki ang mga mata habang nakikipagtitigan sa kanya.
Alam niya kaya ulit na hindi ako si Yesxia? At bakit hindi sinabi sa akin ni Yesxia na si Silent Montealegre pala ang lalaking makakasama ko sa isang date?
"Why do you look so shocked?" tanong ni Silent at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napalabi ako bago sagutin ang tanong niya.
"What are you saying? I'm not shocked," matipid kong sambit.
Tumagal ang titig sa akin ni Silent na tila pinag-aaralan ako bago napailing.
"Let's go," aniya at tinalikuran na ako. Ni hindi niya man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya.
Bumuga ako ng marahas na hininga. Umangat naman sa taas ang tingin ko nang marinig ko roon ang pagtawa ng kung sino. Sumama ang tingin ko kay Yesxia nang makita ko siya sa second floor ng bahay at nakatanaw sa akin dito sa ibaba. Sigurado rin akong sa kanya nanggaling ang tawang narinig ko.
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kakambal when she mouthed 'goodluck'.
Mahina na lang akong napasinghal sa inis at walang nagawa kundi maglakad na rin palabas ng bahay dahil sigurado akong naghihintay na sa akin ang Montealegre'ng 'yon. Huli na rin naman kung uurong ako dahil paniguradong makakagawa lang 'yon ng katanungan at baka makarating pa kay Papa.
So I guess, I have no choice. Kailangan kong makipagdate kay Silent Montealegre ngayong araw.