Chapter 8 - Picture

2311 Words
NAKAKABAGOT ang naging semestral break para sa akin. Dahil grounded ako, hindi ko magawang lumabas ng bahay para gumala o magsaya. Buong semestral break akong nakakulong sa bahay. Kaya nang magbalik na ang pasok sa eskwela, I thought it's a good thing. Pakiramdam ko ay isa akong preso na makakalaya na mula sa kulungan, pero nagkamali ako. Dahil ang pagbabalik ng pasok sa eskwela ay magiging sanhi pala ng pagsakit ng ulo ko. Umaga pa lang ay napapansin ko na ang tingin sa akin ng mga estudyante na may kasamang bulungan habang nakapila kami sa field para sa flag ceremony. Nakakailang ang paraan ng paninitig nila sa akin. Pakiramdam ko buong kaluluwa ko ay pinagmamasdan nila. "Hestia," tawag sa akin ni Clarence nang matapos na ang flag ceremoy. Unti-unti nang nawawala ang mga estudyante sa field para magtungo sa kanya-kanyang classroom. "Bakit?" tanong ko at naglakad na. Sumabay sa akin sa paglalakad si Clarence. My brows furrowed when I saw his worried expression while looking at me. "Have you seen the picture?" he asked. Napatigil ako sa paglalakad at puno ng gulo ang mukhang nagbaling sa kanya ng atensiyon. "Anong picture?" "Picture of you and Mattrix." Nagkasalubong ang kilay ko. "Mattrix?" Bahagya akong natigilan nang matandaan ko ang Mattrix na tinutukoy niya. Mattrix is our schoolmate and part of the school's varsity team. Sigurado akong ang Mattrix na nasa isipan ko ang tinutukoy ni Clarence. He's the only Mattrix I knew. "There's a picture of you and Mattrix spreading in our school," ani Clarence na kumuha sa atensiyon ko. "What picture? I want to see it," usal ko. Dahil sa sinabi ko ay inilabas ni Clarence ang phone niya. May kinalikot muna siya roon bago ito ibinigay sa akin. My lips parted in shock when I saw the picture. Picture ng naghahalikan, isang babaeng kamukha ko at ang tinutukoy niyang Mattrix. But the 'Hestia' in the picture was not me. Kita sa picture ang side view ng dalawang taong naghahalikan at mukhang palihim lang itong kinuhanan. Nakaupo ang babae sa isang sofa habang ang lalaking nasa harapan niya ay naka-squat para magkapantay sila. Hindi ko na nagawang makapagbigay pa ng reaksiyon sa ipinakita sa akin ni Clarence nang tumunog na naman ang bell bilang paalala na magsisimula na ang klase. Kaya nagmamadali nang ibinalik ni Clarence ang phone sa bulsa ng slack niya at inaya na akong magtungo sa classroom. Dahil sa nalaman ko kay Clarence ay unti-unti ko nang naiintindihan ang kakaibang galaw ng mga kapwa kong estudyante sa paligid ko. Alam ko na kung bakit ganoon na lang ang paninitig nila sa akin. Ang plano ko ay huwag na bigyan ng pansin ang picture na 'yon dahil sa totoo lang ay hindi ako apektado nito. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ang babaeng kahalikan ni Mattrix sa picture na 'yon. Pero walang plano akong tigilan ng mga kaklase ko. Kahit na sumapit na ang break time ay hindi natatapos ang paninitig at bulungan nila sa akin. Pati rin pala ang ibang estudyante ay mukhang ako ang pinagpipiyestahan dahil nang magpunta ako ng cafeteria ay ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin na may kasamang bulungan. Doon ko lang natantong sikat si Mattrix sa school namin dahil sa pagiging varsity player nito, kaya malamang ay pinagpipiyestahan kami, lalo na ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa mangyayari. Kaya pinili ko na lang ang lumabas na ng cafeteria. "Hestia!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Yesxia na tumaktakbo papalapit sa akin. Pabalik na sana ako ng classroom nang tawagin niya ako. Bahagyang hinihingal ang kakambal ko nang makarating sa harapan ko. Humugot muna siya ng hininga bago tumayo ng tuwid at bumakas sa mukha niya ang pag-aalala. "I've heard what happened," panimula niya at nagbaba ng tingin sa lupa. "I'm sorry. It's my fault. Hindi ko alam na may magkukuha ng picture noong nasa bar kami ni Mattrix. I didn't know. I'm sorry." I heaved a sigh problematically. Ang babaeng kasama ni Mattrix sa picture na kumakalat ngayon sa buong school ay walang iba kundi ang kakambal ko. Unang kita ko pa lang sa picture ay alam ko nang siya 'yon. Wala na akong ibang kamukha bukod sa kanya. "Kailan nangyari 'yon?" seryosong tanong ko sa kakambal. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Before the day of the exam." Biglang may pumintig sa sintido ko nang marinig ko ang sagot niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit lasing na lasing siya noong araw bago ang exam, kaya sa huli ay kinailangan kong magpanggap na bilang siya. Pero bakit ngayon pa kumalat ang picture na 'yon? "I'm really sorry, Hestia. Nag-ingat naman ako. Hindi ko ine-expect na magkakaganito." Hinawakan ako ni Yesxia sa kamay ko at parang nagmamakaawang tumingin sa akin. Nakikita ko rin ang guilt sa mga mata niya. "I'm sorry. Please. I'm sorry." Napipilitan akong tumango. "Stop saying sorry. Your sorry won't change anything." Natigilan si Yesxia sa sinabi kong 'yon. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at pagbaba ng ulo niya. "Are you... mad at me?" bahagyang nauutal niyang tanong. Tinitigan ko ang kakambal na ngayon ay mukha nang kaawa-awa. "Just go, Yesxia. Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Matapos kong sabihin 'yon ay hindi na ako nag-abalang hintayin pa ang tugon niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Namg makapasok ng classroom ay sa akin kaagad napunta ang atensiyon ng iilang kaklase ko na nandito na. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay at naupo na lang sa desk ko. I took a book in my bag. Balak kong magbasa na lang para hindi mabagot habang hinihintay ang pagtatapos ng break, pero nasira ang plano kong 'yon nang mapansin ang muse namin na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. "Is that true? Boyfriend mo raw si Mattrix?" bungad niya sa akin. Tumamad ang mukha ko habang pinagmamasdan siya. "Come on, tell us. Hindi naman na kami iba sa 'yo," pangungulit niya nang hindi pa rin nakakakuha ng sagot sa akin. Napatingin ako sa paligid ng classroom at nakitang lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Even Chaos' attention was on me. Bumuntomg hininga ako. "He's not my boyfriend," sabi ko at itinuon na ang tingin sa librong hawak ko. "So, totoo ngang nakikipaglandian ka sa lalaking 'di mo naman boyfriend, nakikipaghalikan ka pa sa loob ng bar." Natigil ang kamay ko sa akmang pagbubukas ng pahina ng libro dahil sa narinig kong 'yon. I don't know what's wrong with her. Is she trying to get on my nerves? Humigpit ang hawak ko sa libro nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko at nangingibabaw roon ang tawa ng muse namin na ipinahiya ako sa buong classroom. "Bitter ka na naman, Lexi," biglang sabi ng kung sino. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng boses ay natagpuan ko si Clarence na nakahalukipkip habang nakasandal sa door frame ng room. "Bakit parang ang laki ng galit mo kay Hestia para ipahiya siya sa mga kaklase natin?" tanong ni Clarence kaya ngayon ay nakatutok na sa kanya ang atensiyon naming lahat. "Wala akong galit sa kanya--" "Talaga?" pangpuputol ni Clarence kay Lexi dahilan para matahimik ito. "Ang alam ko kasi, may galit ka kay Hestia. Actually, everyone knows it." Bumalik ang tingin sa akin ni Lexi para pagtaasan ako ng kilay. "Bakit naman ako magagalit sa babaeng 'to?" "Dahil si Hestia ang binoto ng mga kaklase natin para maging muse, but she refused to accept it. Kaya no choice kami kundi ibigay sa 'yo ang pagiging muse." Bumalik ang atensiyon ni Lexi kay Clarence at hindi makapaniwalang tinitigan ito. Nakapamulsang naglakad si Clarence palapit sa gawi namin ni Lexi at huminto ito sa harapan namin. "Is that enough reason, Ms. Last Choice?" I saw Lexi stilled that put a smirk on Clarence's lips. Hindi naman niya nagawang maka-alma pa sa sinabi ni Clarence dahil tumunog na ang bell senyales na tapos na ang break. Napuno na muli ng estudyante ang classroom at bumalik sa kani-kanilang puwesto. Kaya napililitang umalis si Lexi sa harapan namin at naupo na sa puwesto niya. Umangat ang tingin ko kay Clarence nang mawala si Lexi sa harapan namin. He didn't say anything to me. He just winked at me and went to his chair. Nag-alis na ako ng tingin sa kanya kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi ko. GAYA ng inaasahan ko, nang sumapit na ang oras ng uwian ay saglit akong pinaiwan ng adviser namin para kausapin dahil nakarating sa kanya ang nangyari. Kaya ang tanging naiwan na lang sa loob ng classroom ay ako at ang adviser ko na ngayon ay ang sama na ng tingin sa akin. "I've seen the picture of you and Mattrix from Section 5, kissing! Tell me, Hestia. Do you know how old are you to do those things, huh?" Wala akong magawa kundi magbaba ng tingin sa sahig para saluhin ang lahat ng sinasabi niya. "Hindi ka na nga pumasok sa araw ng exam, ganyan pa ang ang ginawa mo sa pagbabalik ng klase. Malakas ang loob mong gumawa ng kalokohan dahil alam mong nandyan ang ama mo para kausapin kami at ang ibang head ng school!" Hindi na ako nabigla nang magtaas siya ng boses. Bahagya akong napapikit para pigilan ang inis na namumuo sa akin. Ayos lang na sermunan niya ako at sigaw-sigawan, pero ang hindi ko matatanggap ay ang paratang niya. Hindi ako gumagawa ng kalokohan dahil alam kong may sasalo sa akin. Hindi ako 'yon! Nang mag-angat ako ng tingin sa adviser ko ay naabutan ko ang masama niyang titig sa akin. "Are you done, ma'am?" tanong ko at umangat ang isang sulok ng labi. "Then, I'll take my leave now. Just expect a call from my father." After I said those words, I left in the classroom. Habang naglalakad ay kinuha ko ang headphones ko sa bag ko at isinuot ito. Pakiramdam ko ay kaunti na lang, sasabog na ako sa galit. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng classroom ay namataan ko na kaagad si Raileigh na naglalakad patungo sa gawi ko. Kita ko pa ang pagbuka ng bibig niya na mukhang tinatawag ako. Kaya naman tinanggal ko ang headphones sa tainga ko at sinalubong siya. "What?" tanong ko nang magkasabay na kami sa paglalakad. "Are you okay?" "Yeah," simple at matipid kong sagot. Mukhang hindi nakumbinsido si Raileigh sa isinagot kong 'yon. She sighed. "If you need a friend, just call me. I'm just here, okay?" Napatigil kami sa paglalakad nang may makasalubong na dalawang pamilyar na lalaki. Nangunot ang noo ko sa pagkagulo nang makita si Silent sa harapan ko kasama ang pinsan nitong si Chaos. Nakuha ni Silent ang buong atensiyon ko nang magtama ang tingin namin. Pakiramdam ko ay biglang may kaba ang gumapang sa dibdib ko dahil sa paninitig na ginagawa niya. "I'm... I'm leaving," paalam ko kay Raileigh na nasa tabi ko. Isinuot ko na muli ang headphones ko at naglakad na palayo sa kanila, hindi na hinintay ang tugon ng kaibigan. Dahil masyadong maraming estudyante ang dumadaan sa main entrance ng school ay naisipan kong sa likod ng school dumaan kung saan walang masyadong dumadaang estudyante. Masyado kasing malayo ito kaya madalas ay sa main entrance dumadaan ang mga estudyante, pero palagi pa rin nakabukas ang gate sa likod ng school. I felt someone grabbed my arms. Tumigil ako sa paglalakad at bumuntong hininga. May ideya na ako kung sino ang taong may hawak sa akin ngayon. Nang pumihit ako patalikod para harapin ang taong may hawak sa akin, napatunayan kong tama ang ideya ko. "Where are you going?" tanong ni Silent sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at bakit siya sumunod sa akin, pero parang hindi na ako nagulat na sinundan niya ako. Parang nahulaan ko 'yon dahil sa titig niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung paano pero sa saglit na titigan namin kanina ay parang biglang nagkaroon ng koneksyon kaming dalawa dahilan para magkaintindihan. "I'm going home." "Pero wala riyan ang sundo mo." Tumamad ang mukha ko. "Sino bang nagsabing sasabay ako sa service namin?" Tumaas ang kilay niya. "Then, come with me. Ako ang maghahatid sa 'yo." I was about to say no when he pulled me by my wrist and started to walk. Dahil hawak-hawak niya ako ay nadadala niya ako sa bawat hakbang na ginagawa niya. Bumagsak ang mga mata ko sa kamay ni Silent na nakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi ko alam pero wala akong balak na bawiin sa kanya 'yon kahit na 'yon dapat ang gawin ko ngayon. "Why are you here?" seryosong tanong ko habang naglalakad pa rin kaming dalawa. "Stop asking," tugon ni Silent na 'di man lang nagbabaling ng tingin sa akin. Ngumuso ako. "Then, stop pulling me." Nang hindi pakinggan ni Silent ang sinabi kong 'yon ay sinubukan kong bawiin sa kanya ang palapulsuhan ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Marahas siyang nagbuntong hininga na tila naiinis sa akin bago nagsalita. "I'm here because of you." Bumakas ang pagtataka sa akin. "Because of me? Why?" Saglit siyang natahimik na mukhang nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tanong kong 'yon. "I heard the news." Nang marinig ko 'yon galing sa kanya ay naintindihan ko kaagad kung ano ang tinutukoy niyang 'news'. "So? Are you here to gossip?" Sumama ang tingin ni Silent sa akin dahil sa sinabi kong 'yon. "Kung hindi 'yon ang dahilan, e 'di ano?" bawi ko sa sinabi. Nawala ang masamang tingin sa akin ni Silent at bumalik sa pagiging seryoso. He looked away and sighed. "I don't even know why I'm here... Basta nang malaman ko ang tungkol doon, natanto ko na lang na nagmamaneho na ako papunta rito para makita ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD