ANG kaninang VIP room na sobrang ingay dahil sa hiyawan at tuksuhan ay biglang natahimik. Nagkaroon ng sari-sariling mundo ang bawat isa. Natigil din ang paglalaro at naging seryoso ang lahat. Ang dalawang lalaki naman na naglakas ng loob na umamin ng nararamdaman para sa akin sa harapan ng mga tao ay nananahimik sa sulok, bahagyang tulala dahil sa nangyari. Dala ng hiya, sinubukan kong umalis sa kandungan ni Silent. Pero ang hangal na Montealegre, hindi ako hinayaan. Sa halip na pakawalan ay mas lalo lang humigpit ang kapit niya sa baiwang ko. Kaya sa paglipas ng mga minuto ay nakayuko lang ako, walang lakas ng loob na tumingin sa mga kasama namin sa silid na ito. "Masyado ka namang nagpakitang gilas, Silent," panunukso ni Curse sa pinsan. Kanina niya pa inaasar si Silent dahil sa ginaw

