I LOOKED at the documents in my hands and turned back my eyes to a man in front of me. My brows arched as I examine him. Kung sa mukha lang naman ang batayan, wala akong pagdadalawang-isip na sasabihing gwapo ang lalaking nakaupo sa harapan ko. Nasa sa kanya ang maangas na awra, dumadagdag pa rito ang isang hikaw niya sa kanang tainga. Maganda ang hulma ng mukha niya, may perpektong panga at matangos na ilong. Magandang pagmasdan ang makakapal niyang kilay. Ang mga mata naman niya ay may kakaibang dating, parang napakaangas. Ang kaso nga lang, sa bawat pagdapo ng mga mata niya sa akin ay nagdudulot ito sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. "You're Castiel Rivera, 32 years old. Nagtapos sa kursong business management," sambit ko sa mga nakasulat na impormasyon sa mga

