Nakaupo ito sa may kama habang nag cellphone. Kanina pa siya natutuwang pagmasdan ito lalo at nakakaalala na ito ngayon. Kararating lang nila nakaligo na ako ito naman e nakaligo na din. "Sweetheart kakain muna tayo." aya ko dito. Tumingin ito sa akin at nakasimangot. "Di ko maalala ang IG account ko." himutok nito. "Gawa ka nalang ng bagong account." sabi ko dito nilapitan ko ito at hinalik halikan ang buhok nito. "Madami na kaya akong followers dun." sabi nito, bago tumayo na. Inalalayan ko ito lalo at alam kung kakagaling lang nito sa hospital. Naabutan namin si Manang Aida na nagluluto. "Sige ipapa follow kita sa lahat ng friends ko at lahat ng empleyado ko. Okay naba yun?" sabi ko dito na inirapan ako. "Tsee." sabi nito na naupo na sa lamesa. "Salamat naman Ma'am at nakakaalala

