Xandra Hindi ako masyadong nakatulog. Nagising akong wala na ang asawa ko sa tabi ko. Nakita kong bukas ang ilaw sa Cr at siguradong siya ang nasa loob non. Hinilot ko ang ulo ko. Medyo nahihilo ako. Siguro ay dahil sa kulang na kulang ako sa tulog. Bumangon ako at nanatili munang nakaupo. Naabutan ako ni Leo na nakaupo na sa kama. "Masama ba pakiramdam mo?" Napaangat agad ako ng tingin sa asawa ko. Bumungad sa akin ang bango ng shampoo gel niyang gamit niya sa panligo. Pumapasok ang lamig ng bango niya sa ilong ko. Lumapit ito sa aking pinupunusan ang basang buhok ng towel. Nakaboxer short lang ito. Halos mapadpad ang mata ko sa malaki, malapad at mala batong katawan nito. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin at napatda ako ng maramdaman ang malamig niyang palad sa noo ko at

