Xandra Malakas parin ang buhos ng ulan. Hindi rin ako makatulog hanggang sa hindi makontento ang kalooban kong makauwi ng ligtas si Leo. 11pm na at tulog na ang mga kasamahan namin dito sa bahay. Lumapit ako sa anak ko at inayos ang kumot nito. Bumangon din ako agad at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ilaw at tinungo ang refrigerator at naglabas ng tubig at sinalinan ang baso. Iniinom ko ang laman nito ng mapansin kong nakabukas ang ilaw ng study room. Kumunot ang noo ko. Nasa study room siya? Agad kong nilapag ang baso sa lababo at mabilis na tinungo ang study room. Binuksan ko iyon. Agad ko siyang hinanap pero hindi ko siya nakita dito sa loob. Nakita ko ang ilang papel sa table nito at tinungo iyon. Tiningnan ko isa isa. Kumunot ang noo ko ng mak

