Rian "Wala ka na bang ibang pwedeng gawin kundi ang titigan ako? Type mo ba ako?" biro ko sa taong kaharap ko ngayon. "F**k you!" sabay dura sa harapan ko. "Gago pala ito eh. Kung nababakla ka sa akin, huwag mong ipahalata. Hindi kita papatulan." Pang-aasar ko lalo. Nagwala ito pero hindi naman makaalis dahil nakaposas ang mga kamay nito sa likod at nakakabit din sa mga upuan na inuupuan niya. Ngumisi lang akong nakatingin sakanya. Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok at ganun din sa taong nakaharap at matalim akong tiningnan. "In denial siya sa akin." biro ko. Tumawa si Bry na kakapasok. "Ayaw aminin?" sakay niya saka umupo na harap ang sandalan ng upuan. "Ayaw. Gustong pagtakpan ang totoong pagkatao niya." natatawa kong saad. "Damn you! Don't talk against me. I can understa

