Chapter 5

2801 Words
Xandra POV Buong umaga akong nasa kwarto. Nakahiga. Walang ibang ginawa kundi tumitig sa kisame. Maya maya ay hahawak sa labi. Ngingiti at mamaya ay kikiligin. Ganito ba talaga ang hatid ng halik niya sa akin? Why so different from those other guy I have kissed in Australia? Bumangon ako at bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa ulo at kinalma ng ilang segundo bago tumayo. Pupunta na sana ako ng CR ng makita ang phone ko na nagkapiraso piraso sa pagbato ko kahapon. Kinuha ko iyon at binuo muli pero hindi na gumagana. Tinapon ko ito sa kama. Bibili nalang ako ng bago. Dumeretso na ako sa kwarto at naligo. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon sa katawan ko ng biglang mawala ang tubig nito. Kinulikot ko ang switch ng shower nito pero wala ng lumalabas na tubig. Triny ko sa faucet at may lumabas naman. Ibig sabihin sa shower host lang ang nasira. No choice. Kumuha ako ng tabo at doon na sa faucet sa lababo kumuha ng tubig. Pagkatapos kong maligo at magbihus ay naghalungkat na sa kusina ng iluluto at kakainin. Nang matapos akong kumain ay naghanda na ako para pumunta sa malapit na mall at bibili ng bagong phone. Isasara ko na ang pintuan ko ng mapalingon sa katabing apartment ko. Andiyan kaya siya? Ofcourse baka wala na. May work siya. Haistt. Gusto mo lang siyang makita Xandra eh. Miss mo? I shook my head. You're crazy. Aalis na sana ako ng hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at bumalik at dumeretso rin sa pintuan niya. Inangat ko ang kamay ko para kumatok pero naiwan lang ito sa ere. Ano ba ang sasabihin ko sakanya? Kakamustahin? Nagkita lang kami kanina. Yayayain? Tsk. Magpapaalam? Para samahan ka? Huh! Baliw ka na talaga Xandra. Binaba ko ang kamay ko at tatalikod na sana ng bumukas ito. Napalingon ako doon at nakita ko siya. My heart beats so fast and so loudly. I gulped. Ito ang dulot niya sa akin. Napansin kong pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Nagsalubong ang kilay at umigting ang panga lalo na ng makitang short na maikli ang suot ko. "May pupuntahan ka ba?" He ask. I nodded. "To buy a new phone." I informed. "Na ganyan ang suot mo? Wala ka bang pantalon?" Seryoso parin ang mukha niya. "I-I don't have. I'm not comfortable in using those pants. I'm more comfortable to this." Parang ang awkward. I don't know what to call pero nagiging pakelamero ata siya sa suot ko. "Skirt? Below the knee?" He added. Kumunot ang noo ko. Ayaw ko rin sa lahat ang sinisita at pinapangunahan ako sa suot ko. What's wrong with my outfit? I'm used to this. People used to this. Everyone used to wear like this. Immune na nga rin ang mata ng iba. "My skirts are above the knee. Whether I used them, it still the same with what I'm using right now." I annoyingly replied. "Then, go back to your apartment." At tinulak niya ako papunta sa apartment ko. "Heyy!" Angal ko at haharap na sana sakanya pero mas malakas siya at sa isang iglap ay nasa loob na ako kasama siya. "What's wrong with you!" I exclaimed. Hindi niya ako sinagot at tinalikuran pa at may tinawagan ito sa phone niya. I rolled my eyes in frustration. Sana pala dirediretso na akong pumunta at hindi na dumaan sa harap ng apartment niya. Nakakasisi. And now I'm annoyed. Annoyed to him. Matalim ko siyang tiningnan habang nakatalikod pero agad nabura ang talim ng mata ko ng mapansin ang malapad niya balikat at matigas na likod. He just wearing a white v-neck shirt at hapit sakanya iyon. Nakamaong short din ito at kita ang tambok din ng pwet nito. His strong muscle from his arms down to his legs and calf look so hard. I bit my lower lip. So sexy in my eyes. Napaayos ako ng bigla itong lumingon sa akin habang ang phone niya ay nasa tenga parin niya. Napaiwas din ako ng tingin. My gosh. Para ko siyang pinagsasamantalahan sa isip ko. That's a sin Xandra! May innocent mind. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng may lumalabas na tubig mula doon. Tinungo ko iyon at mukhang napansin din ako ni Leo. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at bumungad doon ang basang floor ko na galing sa CR. Tinungo ito ni Leo at binuksan ang pinto ng CR at bumungad sa amin ang pumupusitsit na tubig mula sa shower host. Wala lang ito kanina. Halos mabasa kaming dalawa dahil doon. Iyong tshirt niya ay naging transparent na at kita ko ang ganda ng katawan. I cursed in my mind. Napaiwas ako. Pumasok siya doon at inayos niya. Habang nasa loob naman siya ay nagpalit agad ako ng pantaas na suot. Mabilisan. Nang wala ng lumalabas na tubig mula sa CR ay sinimulan ko ng punasan ang sahig ng basahang tela at iniipon sa timba ang tubig na naabsorve nito. Nang lumabas ito ay wala na siyang pantaas na suot at nakalagay nalang ito sa balikat niya. Napaawang ako. Parang ang sarap hawakan. Mala-adonis ang hatid ng bawat curve ng abs at dibdib. "Pwede akong makahiram ng towel?" Nagising ako sa katinuan ng magsalita siya. Napaangat agad ang mata ko sakanya. Nakangisi ito na para bang natutuwang nakikitang nakuha ako ng katawan niya. Napaiwas na naman ako at kinuha ko ang towel ko na nakahanger. Inabot ko ito without looking at him pero ang mata ko parang naghahabol na makasilip kahit saglit. Para makaiwas na ng tuluyan ay tinuloy ko na ang ginagawa kong pagpupunas ng sahig ko para makatakas sa kahihiyan nadin. Alam kong nasa akin ang mata. Nakaluhod ako sa sahig at pinupunasan ito ng mapansin ang baba ng neckline ko. Tiningnan ko agad siya at siya naman itong napaiwas na para bang nililibot ang paligid ng kwarto ko habang pinupunasan ang katawan nito. Inayos ko ang damit ko at siniguradong hindi na makikita ito. Patapos na ako ng may nagdoorbell sa pintuan ko. Siya ang pumunta at nagbukas doon. Wala parin itong damit pantaas dahil basa ito. Naghanap at kumuha ako ng malaking tshirt at ipapahiram na sana sakanya ng mapansin ang isang lalaking pumasok at na may dalang mga paper bags. "What's this?" tanong ko kay Leo at doon napaangat ng tingin ang lalake sa akin. Napako una ang tingin niya sa suot ko na kinatawag pansin naman ni Leo sa pangalan niya kaya napaharap agad ito sakanya. "Pwede ka nang umalis." Utos nito na kinasunod ng lalaki at lumabas. "Who's that?" I curiously asked him. "Secretary ko." Sagot niya at lumapit sa mga paper bags na dinala. "Hindi ka papasok?" He look at me and grinned. "I can work at home." Bago pa ako malunod sa nakabalandra niyang katawan sa harapan ko ay inabot ko sakanya ang tshirt ko. "Wear this." Utos ko. Dumapo ang mata doon saka kinuha. "Kasya ba sa akin ito?" He teasingly asked me. Medyo maliit pa nga talaga sakanya kung ikukumpara sa laki ng katawan niya. Baka mabinat lang ito. Napaiwas ako. Wala akong ibang damit na malaki bukod diyan. "You can go back to your apartment and change. I don't have clothes bigger than that." Saad ko. "Isusuot ko nalang kung ganon." Then he started to wear the cloth. Nagflex pa ang katawan niya at gumalaw ang dibdib at abs niya. My gosh. Napaiwas na ako na para bang nalulunod ang mata ko sa nakikita. "Nice. It fits me." Lumingon ako sakanya at napaawang ang labi ko. Mangha ko siyang tiningnan na nakangisi pang pinapasadahan ang suot. Sobrang fit na fit na ang damit sakanya. "Does it comfortable to you? I mean ..." "Mas prefer mo ba ang wala akong damit pantaas?" Tudyo niya na kinakunot ko ng noo. "How dare you!" Bulalas ko. "Why?" Natatawang tanong niya. "Go back and change." Taboy ko dito. "I won't." Matigas niyang sagot at nilabas ang mga nasa paper bag. May mga pants at mahahabang palda itong nilabas. Kumunot ang noo ko. "Para saan ito?" Curious kong tanong. "For you." He said without looking at me. "Iyang mga shorts mong iyan ay para sa loob lang yan ng bahay at hindi sa labas. I might kill someone who stares your legs if that happens." He whispered but I clearly heard them. Natawa ako ng mahina. "How sweet, but this is me anyway. You can't change the way how I used to live before and at the present." Matapang kong sagot. "May pinaglalaban pero kung mabastos ka sa labas o sa daan, hirap kang lumaban. Don't used that as an excuse lady, kung gusto mong respetuhin ka ng lalaki, ayusin mo ang pananamit mo. Hindi mo alam ang isip naming mga lalaki kapag nakikita naming ganyan ang suot ninyo. So stop defending yourself. Doon ka sa kung saan ka ligtas." At nilabas din ang ibang groceries na pinamili niya. "Really? Eh bakit marami paring narerape kahit hindi revealing ang suot? It means that whether revealing or not ang suot, their still an instances that someone will do that to you. Wala sa pananamit. It's in the mind of those guys afterall." Palabang sagot ko. Umigting ang panga niya na para bang hindi nagugustuhan ang pagsagot sagot ko. Tumuwid ito ng tayo at humalikipkip sa harapan ko. I level his gaze and cross my arms too. He smirked. "If someone wants to protect you from harm, be thankful. But if you're a hard headed person and still fighting for your belief, double your security. Wala sa realidad ang superman o batman na tutulong sayo kapag may nangyaring masama sayo." Hindi ko alam kung banta o bilin o advice iyon. "Are you going to use this or not? Itapon ko nalang." Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko iyon at dinala sa kwarto. I notice him smirking before I went inside at binagsak iyon lahat sa kama ko. Magaganda rin naman ang pants and skirt. Natigil ako. Alam niya ang size ng bewang ko? Lumabas ako ng kwarto at nasa kusina na ito at inaayos ang mga pinabili niya. Akala ko para sakanya ito, bakit dito niya nilalagay? Napansin ko ang isang box nasa harapan palang larawan ay alam ko na ang laman. It's a phone. Did he really buy this for me? Lumapit ako dito at pinanood siya. Napakaorganize ang pagkakalagay niya. He will be a perfect husband soon when he find the right one for him. Parang may bumara sa lalamunan ko when I heard those on my mind. Parang labag sa loob ko. Gusto kong bawiin. "Want me to cook for you?" Presenta ko. Napalingon siya sa akin. "Kung hindi labag sa loob mo. Why not?" Sagot niya with a sexily lipsided smile. Hinanda ko ang mga lulutuin. Kumuha siya ng iinumin niyang tubig at sumandal ito sa pader. "Anong alam mong lutuin?" He asked. Uminom ulit ito. "Marami. Fried rice, fried ham, fried egg, fried hotdog ... " nagulat ako ng umubo ito. Napalingon ako sakanya. Nabasa na bahagya ang harap nitong damit. Taka akong nakatingin sakanya. "Are you okay?" tanong ko dito at napaangat ang tingin sa akin. Napaiwas ito ng tingin. "I'm okay." Sagot niya. "talagang puro fried ang alam mong lutuin?" Tanong niya. "Instant foods din." Hayag ko. Maybe he was dissappointed. I want him not to expect more of me. Sapat na ang alam niyang hindi ako katulad ng iba. "Then, I should be the one to cook for you instead." At hinawakan niya ang balikat ko na kinaigtad ko. Pinaupo niya ako. "Magluluto ka?" I asked him amuse. He looks at me grinning. "Ofcourse. Hindi lang ako masarap humalik, masarap din akong magluto." Mayabang niyang saad. "Really huh?" Tumawa lang ito. Pinanood ko siya sa pagluluto niya. Halos gumalaw ang muscles nito kapag naghihiwa ng gulay at karne. Ang kurba ng katawan niya ay sumusunod sa galaw ng paghahalo nito sa niluluto. Pakiramdam ko sinasayawan niya ako sa harapan ko. I unconsciously smiled. Ang bango ng niluto niya ay kumakalat sa buong kusina. Biglang nagutom ang pakiramdam ko. Nang matapos niyang maluto ay nilagay ito sa harapan ko. I smelled it. Hinainan niya ako ng napakaraming kanin at ulam. "Kainin mo lahat yan. Goal ko simula ngayon ang tumaba ka." Natulala ako sakanya. Kahapon lang kami nagkakilala pero kung alagaan niya ako ngayon at bitawan ang mga salitang iyon ay parang obligasyon na niya ako. I smiled. Ang sarap ng feelings na may tao paring handang iparamdam sayo na may nagmamahal na walang hinihiling na kapalit. Naging komportable akong kasama siya. Halos araw-araw ay dito na siya kumakain. May time na nanonood hanggang gabi at minsan niyaya niya rin ako para makapagrelax at maaliw. Sa tuwing lumalabas kami ay nakapants at simpleng tshirt na ang suot ko. The old version of me ay unti-unting nawawala na. He was so protective. Napapangiti nalang ako kapag he unconsciously held my hand. Ilang araw palang ang lumilipas ay pakiramdam ko nahuhulog na ako sakanya. We kissed pero hanggang doon lang. Wala rin akong masasabing kami dahil hindi naman kami nag-i-i love you-han sa isa't isa. Hindi rin naman siya nanliligaw o humingi ng permisyo na maging boyfriend ko siya. Magulo. Magulo ang relasyon namin pero masaya akong kasama siya. I chose to keep silent for a while pati sa social media. Ang tanging number lang na nakasave sa phone na binili sakin ni Leo ay number niya. Wala ng iba. Sinadya ko naring kalimutan ang pakay ko dito. Lahat nagbago sa akin ng dumating sa akin si Leo. Pakiramdam ko ay bagong Xandra ako ngayon. Weeks passed. Kinabukasan ay hindi na iba sa akin ang madatnan si Leo sa kusina na nagluluto. Parang maganda lagi ang umaga ko kapag siya ang nakikita ko. Ang ngiti niya na sumasalubong sa akin. Ang mata niya na ako lang ang nakikita. Napatingin ako sa phone niyang nakalapag sa mesa ng tumunog ito. It was just a text pero nagpakita ang pangalan doon. It came from a named Jane. A girl? Bigla lumakas ang t***k ng dibdib ko. "Gutom ka na? Hmm?" Napatingin agad ako sakanya ng sa akin na ito nakaharap. I nodded smilingly. Nilagay niya ito s mesa ang nalutong pagkain. Pinagsilbihan ulit ako. "You look fatter and brighter." He complemented pero natigil ako sa pagsubo. Binaba ko ito at tiningnan siya. Kumunot ang noo. "Hindi ba masarap ang luto ko?" Takang tanong niya at tinikman ang luto niya. "I was just wondering ..." Sambit ko, napaangat siya ng tingin sa akin. "What's wrong?" He asked. "Ano ang nakita mo sa akin? Why you're always here? Why you're so kind and very protective? Why you kissed me? Why are you doing this? What are we?" Mahina kong saad sa huli. Hindi ko alam but I'm being moody. Dahil ba sa nakita kong babaeng nagtext sakanya? Dahil ba hindi ko pa lubos na kilala siya o dahil hulog na hulog na ako pero wala pa kaming masasabing kami sa dulo. So frustrating. "Wanna know the reason?" He said with his low tone. I nodded while looking at him deeply. Tumayo ito at tinanggal ang apron at nilagay sa sandalan ng upuan. Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako. "Because I love you." I was stunned. "Isn't too fast to fall in love with me?" I ask curiously. "Isn't too fast to fall in love with you Xandra. My heart choses you. My mind think of you. My life wouldn't be complete without you." Humigpit ang hawak niya. "If you'll allow me, can I ask for permission to be my girlfriend?" Nag-init ang gilid ng mata ko. I feel like crying. Ganito ba ang pakiramdam na may taong sincere na nagtatapat sayo? Akala ko wala nang taong seseryoso sa akin since kilala nila ako. Alam nila kung sino ako. Pero si Leo. Hindi niya ako kilala pero minahal niya ako. He confessed his feelings and now his asking me now to be his girlfriend. Masyadong mabilis at ilang linggo palang kami nagkakakilala pero sino naman ako para tumanggi. I love him too. Sakanya ko lang naramdaman lahat. Sakanya lang ako nahulog. "How may I know if you're sincere and serious in asking me that." Hinawakan ako sa pisngi at hinalikan ako sa noo. Tinapat niya ang mukha niya sa akin. He look at me in my eyes. "I'm so f*****g serious when it comes to you baby." He whispered. "Can I be your boyfriend? Please?" He ask begging. I smiled and nodded. Bago pa niya gawin ay ako na ang unang gumawa. I kissed him. I deeply kissed him. I felt him smiled and aswered all my kisses to him. From that time, we became official.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD