PROLOGO

398 Words
Santino’s Hot Karma Prologo “Panagutan mo itong anak namin, Monteviejo! Panagutan mo si Celixia sa lalong madaling panahon!” Nanggagalaiting bulyaw ni Daddy sa may-ari ng condo na kinaroroonan namin ngayon—si Santino Monteviejo. Sumulong dito ang mga magulang ko, kinaladkad nila ako. My parents found out about my pregnancy by accident—one careless moment, and the secret I had guarded so fiercely unraveled before I was ready. At isa lang ang gusto nila, ang panagutan ni Santino ang dinadala ko. Hindi nila ako tinanong kung ano ang desisyon ko. Agad-agad, ipinilit nila ang tanging solusyong paniniwalaan nilang makakapagpanatili ng dangal naming lahat at iyon ay kailangan akong pakasalan ni Santino. “For the sake of honor and responsibility, you will marry our daughter! We will arrange the marriage immediately.” “Marriage? With your nerdy daughter? Don’t insult me, old man. You people must be out of your damn minds.” Huminto bigla ang pag-agos ng luha ko nang pagtawanan ni Santino Monteviejo ang mga magulang ko… At ako. “Wala kang respeto! Binuntis mo na ang anak ko, at ngayon aakalain mo pang may karapatan kang insultuhin kami? Walanghiya kang lalaki ka! Naturingan ka pa namang isang Monteviejo, pero pabaya ka at walang respeto!” “Get out of my unit—right now! Napakaingay ninyo! At utang-na-loob! Iuwi n’yo na sa bahay ninyo ‘yang badoy ninyong anak or better yet, roam the world and find some stupid man willing to marry your nerdy, pathetic daughter. Huwag ako ang istorbohin ninyo dahil kahit sa bangungot ay hindi ko papatulan ‘yang anak ninyo! Kaya nagkakamali kayong ako ang nakabuntis sa kanya!” Nasagasaan ang natitirang dignidad ko sa mga sinabi ni Santino. Para akong basura, parang wala akong halaga sa mundong ito. Nasagad na ang pasensiya ng mga magulang ko. Sila ang unang tumalikod, napahiya at nagalit, pero ako… nanatili akong matatag, nakatayo, at matapang na nakipagtitigan kay Santino, kahit ramdam ko ang panginginig sa loob. “Ipagdarasal mo sa lahat ng santo na kilala mo na sana huwag dumating ang araw na pagsisihan mo ang bawat salitang ibinato mo sa akin at ang pagtalikod mo sa anak mo na dinadala ko. From now on, I will keep spitting your name in my mind over and over until karma finds you. At kapag dumating iyon, ikaw naman ang luluhod, Santino Monteviejo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD