3RD PERSON POV
NAKITA niya si Theo sa di kalayuan habang nakasangga ang espada sa mga pag atake na ginagawa ng kalaban. Gamit ang kanyang santada ay mabilis niyang inihagis ang dulong palim pataas at ini-ikot ito upang makalikha ng pwersa bago pakawalan. Nang tamaan ng kanyang kasarigama ang kalaban ay nawasak ang katawan nito, napangiti na siya sapagkat natalo niya ito.
Ngunit, hindi niya inaasahan na muling bumabalik sa dating anyo ang itsura nito sa mabilis na paraan.
"Red, walang silbi kung puputulin ang mga galamay at ugat, tumutubo lamang ang mga ito ulit," pagod na saad ni Theo habang tumatakbo palapit sa kanya.
"Tama ka, tayo lang ang mapapagod," sagot niya habang nagmamasid sa kanilang paligid. Ang buong lugar ay para bang nababalutan ng makapal na hamog. Hindi nila alam ni Theo kung saan manggagaling ang sunod na pag atake ng kalaban kaya naman nagpasya silang tumalikod sa isa't isa.
Mabigat pa rin ang kanyang kalooban dahil sa nangyari kay Aries, gusto niyang hanapin at iligtas ito ngunit kahit sarili nila ay nasa panganib.
Habang dahan-dahang umiikot silang dalawa upang makita ang buong paligid ay sakto namang muling umatake ang kalaban. Isang malakas na hampas gamit ang malaki nitong sanga ang ginawa ito, mabilis nila iyong naiwasan, ngunit ang pagsulpot ng mga baging mula sa kanilang likod ang bagay na hindi nila napansin. Naputol ni Theo ang iba, pero huli na ang lahat sapagkat gumapang at pumulupot na muli ito sa kanilang katawan.
Ngayon alam na nila kung bakit walang nakakaligtas sa kagubatang ito lalo na kung mga simpleng manlalakbay lamang ang magtatangkang pumasok. Halos wala pa sila sa pinakaloob ng gubat ngunit matinding mga halimaw na agad ang naghihintay rito.
Habang tumatagal ay mas humihigpit ang mga nakatali sa kanila. Hindi lamang sa binti o braso, mayroon din sa leeg at dibdib na naka-ubos sa kanilang hangin at nagpapahirap sa kanilang paghinga.
"T-Theo, h-hindi tayo pwedeng sumuko---- kailangan... nating iligtas si Aries," nahihirapang ani Red habang napapapikit na ang kanyang mga mata dulot ng mahigpit na pagkakatali sa kanyang leeg.
"O-Oo naman," sagot ni Theo, kahit na hindi nalalayo ang kalagayan nito sa kanya.
Nakasabit sila sa ere habang ang halimaw na kahoy ay palapit sa kanila nang palapit habang sumisibol sa katawan nito ang matitilos at malalaking tinik.
'Ngayon alam ko na kung bakit ang ilang bungo ng tao na nakita ko kito ay may butas, dahil pala iyon sa mga tinik na ito,' isip-isip pa niya habang pilit hinahabol ang paghinga.
'Ito na rin ba ang aming katapusan?' tanong niya sa kanyang sarili habang nasisilayan ang paglapat ng malaking tinik sa kanyang katawan.
Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay, kusang pumipikit na ang kanyang mga mata nang bigla na lamang sa di kalayuan. Mula sa makapal na hamog ay may isang liwanag silang nasaksihan.
Ang isa sa mga halimaw na kahoy ay nasusunog. Nag aapoy ang tiyan nyo hanggang sa nakabuka nitong bibig.
Hindi makapanilawa, iyon lamang ang kanilang nadama ni Theo nang makita ang paglabas ni Aries mula sa bibig nito at mabilis na naglabas ng isang malaking magic circle sa kanilang tapat upang sunugin ang mga tinik na nagbabanta sa kanilang buhay.
"Aries," mahina niyang bulong, bago masaksihan kung paano natupok ng apoy ang lahat ng mga halimaw na kahoy sa kanilang paligid.
Mga ungol nang naghihinagpis na halimaw ang kanilang narinig bago tuluyang maging abo ang mga ito.
"Ayos ka lang ba, Red?" nakangiting tanong nito habang inaalalayan siya.
Napatango na lamang naman siya habang mahigpit na nakayakap dito. Akala niya ay nawalan na naman siya ng kaibigan/ kapatid. Mabuti at buhay ito.
"Salamat at buhay ka Aries."
"Oo nga, astig nung entrance mo!---" masigla pa ring ani Theo kahit puno ito ng galos, ganun din ay sunog ang dulo ng damit nito dahil sa apoy.
"---muntikan na nga din akong masunog kasama ng mga halimaw na yun," nakanguso pang reklamo nito, habang pinapagpagan ang sunog na damit.
"Yun nga sana ang balak ko," nakangisi namang sagot ni Aries dito na nakapagpangiti sa kanya.
Nag aaway na naman ang dalawang ito kaya alam niyang maayos na ang lahat. Salamat at ligtas silang tatlo.
HABANG patuloy na nag aasaran ang dalawa ay napatingala siya sapagkat unti-unti nang bumabalik sa dati ang itsura ng paligid. Naglaho na ang makapal na hamog ganun din ang mga kahindikhindik na tanawin sa lugar na ito.
Nang muling magbalik ang lahat sa dati ay tila ba parang napaloob lamang sila sa isang madilim na ilusyon.
"Red, tayo na. Kailangan nating magpatuloy," saad ni Aries at tinulungan siyang ayusin ang kanyang mga dala.
Tumango naman siya ngunit napansin niyang kulang ang sukbit na bag kaya hinahanap muna niya iyon sa paligid. Maswerte naman niyang natagpuan ang maliit na bag kung saan nakalagay ang ibinigay ng matanda sa kanya.
"Red! Bilisan mo, gutom na ako!" sigaw ni Theo kaya nagmadali na siya sa paglalakad upang makahabol sa mga ito.
NANG makalayo na ang grupo nina Red, may isang nilalang na nakatago sa likod ng mga halaman ang patuloy na nagmamasid at sumusunod sa kanila.
▼△▼△▼△▼△
MAKALIPAS ng ilang minutong paglalakad ay may natagpuan silang isang ilog.
"Yohooo!!!" masayang hiyaw ni Theo habang nagtatampisaw doon. Kasabay noon ay maririnig naman ang galit na tinig ni Aries.
"Umalis ka dyan engot! Kukuha ako ng tubig eh!"
"Ayoko nga, nanghuhuli pa ako ng isda. Dun ka kumuha ng tubig mo," pangangatwiran pa ni Theo sabay turo sa kabilang dako ng ilog kung saan nagmumula ang agos ng tubig.
Napatango naman si Red sapagkat mas malinis nga ang tubig sa parteng iyon.
"Tama siya Aries, dun tayo kumuha," pag aanyaya pa niya sa kaibigan. Nakinig naman ito sa kanya at sumama.