Chapter 5

1720 Words
3RD PERSON POV LUMIPAS ang mga araw sa kanilang buhay, ngayon ay lantaran nang nakatira ang lalaking iyon sa kanilang bahay. Dahil doon ay nagdagan na naman ng isa pang papakisamahan. Napakatamad din nito at mahilig mag inom ng alak. "Red! hayaan mo na si Lila dyan sa paglilinis, gusto ng Tiyo mo ng karneng usa mula sa gubat! Mangaso ka ngayon din!" walang habas na utos ng kanyang tiyahin. Dahil sa pahayag nito ay wala sa sariling napatingin siya sa labas ng bahay. Hindi pa humahapon at kumakagat ang dilim pero tila gabi na sa dilim ang kalangitan. Sa palagay niya ay may nagbabadyang malakas na ulan, hindi man siya sang-ayon sa inuutos nito pero wala naman siyang pagpipilian kung hindi ang sumunod. Siya na ang nahihiya para sa kakapalan ng mukha nito. Bago pa magwala at saktan na naman siya ng tiyuhin na tinutukoy nito. Minabuti na niyang sumunod. Ang mga sugat na natatamo ay kanyang binebendahan ng tela upang hindi mapansin ng mga ito ang pagbabagong nangyayari. Nagpaalam siya kay Lila at saka kinuha ang mga sandata bago magtungo sa gubat. Naging mabagal ang kanyang naging paglalakad patungo sa kagubatan sapagkat nagsisimula na ang pagbagsak ng ulan. Kung madilim na kanina, halos wala na siyang maaninag nang makapasok na siya sa madilim na kagubatan. Dahil hindi pa nag-aadjust sa dilim ang kanyang mga mata kaya naman napatalon siya sa gulat at napasigaw ng biglang kumidlat nang malakas at tamaan ang isang puno sa di kalayuan. Napaka-lapit nun sa kanyang kinalalagyan kaya naman halos mabulag siya sa liwanag na dulot nun, habang kinukusot niya ang kanyang mata. Hindi niya napansin ang pagbagsak ng punong tinamaan ng kidlat sa kanyang dereksyon. "AHHH! Bwisit na buhay to!!!" malakas na sigaw niya, at mabilis na napatakbo para makaiwas sa pabagsak na puno na iyon. Hindi nga siya nabagsakan, pero may isang mahabang sanga ito na sumabit at humiwa sa kanyang braso. Habang hinihingal at humihinga ng malalim para mapakalma ang nagwawalang puso sa kaba, napangiwi siya nang maramdaman ang kirot at matinding sakit galing sa sugat na natamo. Napasandal siya sa isang puno para magpahinga, habang pilit tinatakpan ang sugat upang di ito magdugo ng matindi. Malakas pa naman ang ulan kaya naman kapag nababasa ang kanyang sugat, parang gripo ang kanyang dugo na lumalabas at humahalo sa tubig ulan. "Huff! huff! K-Kailan kong makahanap ng masisilungan," bulong pa niya, alam niyang pagnagpatuloy ito, siguradong ano mang oras ay mawawalan siya ng malay dahil sa pagka-ubos ng dugo sa katawan. Gusto na sana niya umuwi at mahiga man lang pero siguradong bugbug lang ang aabutin niya pagginawa niya iyon. Baka madamay pa si Lila kaya pinilit na lamang niya ang sarili na magpatuloy. Kahit nahihirapan at nanglalabo ang mga mata dahil sa hilo at lakas ng ulan, nagpatuloy siya hanggang sa makahanap ng isang puno na may malalaking ugat para makapagtago sa ilalim nun. Parang umiikot ang kanyang paningin dahil sa hilo, pero gawa pa niyang sirain ang laylayan ng damit para gawing benda sa kanyang sugat. Nang pansin niyang medyo humupa na ang malakas na buhos ng ulan at dahil sa ilang minuto na pagpapahinga ay nabawasan na ang kanyang hilo dulot ng pagkaubos ng dugo sa katawan. Nagawa na muli niyang makatayo at dahan-dahang naglakad palabas para maghanap ng hayop na pwedeng iuwi sa kanila. Ngayon, nakabantay siya sa isang batang baboy ramo para hulihin. Hindi man ito ang utos ng kanyang Tiya pero mas maayos na ito kaysa walang dala pabalik. Kaya naisipan niyang batang baboy ramo muna ang kanyang hulihin ngayon sapagkat, matapang, malaki at sobrang agrisibo ng magulang ng mga ito, dahil sa kanyang kalagayan siguradong hindi niya kayang makipaglaban doon. Ang matandang baboy ramo ay may kakayanang pumatay ng tao gamit ang malalaki nitong pangil ganun din ang malakas nitong katawan. Inihanda na niya ang dalawang patalim na nakakabit sa magkabilang dulo ng isang kadena(double bladed chain scythe). Ito ang sandatang iniwan at ipinamana sa kanya ng ama. Noong kabataan niya, mahilig din mangaso ito at palagi siyang isinasama kaya naman malapit ang loob niya sa gawaing ito kahit napaka-delikado nito. Dahan-dahan at maingat niyang itinaas ito para mai-ikot sa ere, lumikha ito ng mahinang tunog dulot ng pagtama ng patalim at kadena sa hangin. Tama lang ang ingay na iyon para maalarma ang kanyang biktima, at nang magsimula na itong tumakbo, pinakawalan niya ang hawak na kadena para kumawala ang patalim at tumama sa katawan ng baboy na kanyang pakay. Bukod sa pagmamadali sapagkat masama na talaga ang kanyang pakiramdam, kusa na ring pumipikit ang kanyang mga mata dulot ng kanyang panghihina ng katawan. Nang lapitan na niya ang kanyang huli para madala na pauwi, gulat at hindi inaasahan na nakarinig siya nang malakas at nakakapangilabot na ungol sa di kalayuan. Ang mabigat at mabilis na mga yabag ng paa nito na tumatama sa basa at maputik na lupa ay nagdudulot ng nakakapanindig balahibong ingay. 'Bwisit, kung di ako nagkakamali iyon ay --' '---ang magulang ng baboy ramo!' Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makaharap niya ang malaki at namumula sa galit na mga mata nito. Nais sana niyang tumayo at tumakbo pero hindi niya ito magawa dulot ng hilong nararamdaman. Kinakabahan siyang napasangga ng isang braso na walang sugat dahil sa takot ng matulin itong tumakbo patungo sa kanyang dereksyon. "Ahh!!!" napasigaw siya ng bumagsak sa kanya ang katawan nito. Dahil sa bigat nito ay napahiga siya sa lupa, lumipas ang ilang minuto pero walang nangyayari, hindi siya kinakagat at kahit anong galaw ay wala itong ginagawa, kaya napamulat ang kanyang mga mata. Doon niya napansin na wala nang buhay ang baboy na ito, kung paano nangyari iyon ay hindi niya alam. Ang tangi na lamang niyang nagawa at pilit itulak ang katawan nitong nakadagan sa kanya, pero dahil sa panghihina ay hindi niya ito magawang alisin. Nagulat na lamang siya ng bigla itong umangat at tumilapon palayo, nang maingat niya ang paningin, isang lalaking walang pang itaas na saplot ang kanyang nakita. Lumapit ito at yumuko, pero dahil sa pagod at panghihina ay tuluyan na siyang nawalan ng malay, pero bago siya makatulog ang matalim at maganda nitong asul na mga mata ang huli niyang nakita. ----------+++ Nagising siya dahil sa tunog ng malakas buhos muli ng ulan. Nang imulat niya ang mga mata ay purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita kahit saan man niya ipaling ang kanyang ulo. Masakit din ang ulo at kanyang katawan pero hindi na ganun kasama ang pakiramdam nya katulad kanina, at base na din sa manglalamig na nararamdaman at init ng kanyang temperatura, walang duda na may lagnat siya ngayon. Pero ganun, sinubukan pa rin niyang dahan-dahang umupo para makita ang paligid, salamat sa Diyos at nagtagumpay naman siya sa balak. "T-Teka, kweba ba ito?" tanong niyang pabulong sa sarili. Habang inililibot sa mabatong dingding ang paningin. "Oo." Nang taka siya sapagkat malalim na boses ng lalaki ang sumagot sa kanya imbis na ang boses sa loob ng kanyang isipan. Nang mapagtanto ang nangyayari ay mabilis siyang napalingon at isang parehas ng matalim ar asul na mga mata ang kanyang nasilayan. Imbis na yung lalaking kanyang nakita kanina ang maalala ay mas naalala pa niya yung lobo noong isang araw. Nagpapa-apoy pala ang lalaking ito gamit ang mga tuyong sanga ng kahoy at bato. Nang mabuhay na ang apoy at magkaliwanag na ang buong lugar, doon niya nakita ang kabuohang itsura ng lalaking nagligtas sa kanya. Ang maitim na kulay ng buhok nito at matalas na mga mata ay nagpapaalala talaga sa kanya ng lobong nakita noon. 'Nababaliw na talaga ko, obsessed na ata ako sa lobong iyong, pati normal na tao ay naiisip ko na ka mukha nun.' napailing na lamang siya dahil sa mga naiisip. Nang pagmasdan niya ang lalaking kaharap ay hindi niya mapigilang pamulahan ng pisngi dahil sa kakaibang taglay na kagwapuhan nito. Napakaganda rin ng hubog ng katawan nito, malaki at mukhang napakalakas. Sa loob ng dalawampung taon na pamumuhay niya sa mundong ito, ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito. Nakikita naman niyang walang saplot pang itaas si Theo, ganun din ang mga trabahador sa pamilihan. Pero kahit kailan ay di siya nakaramdam ng kakaibang atraksyon sa mga iyon. 'Dahil lang to sa lagnat, wag kang mamula Red.' parang gusto niyang matawa dahil sa sinabi niyang iyon. Di ba dapat na mamula siya sapagkat Red ang pangalan niya. Hindi umimik ang lalaking nasa kanyang harapan, pero napapatingin ito sa kanya ng may pagtataka dahil sa kanyang ikinikilos. Nakangisi kasi siya at palihim na natatawa. Dahil sa pag aalala na baka nasiraan na siya ng katinuan dahil sa taas ng lagnat niya kanina ay lumapit ito sa kanya at dinampian ng likod ng palad nito ang kanyang noo. Napapitlag naman si Red dahil sa gulat, hindi niya inaasahan na lalapit ito. Lalong namula ang kanyang pisngi dahil sa hiya. "Pasensya na at salamat sa pagliligtas mo sakin kanina," aniya, habang nakayuko. "Wala yun," tipid na sagot naman nito. May kung ano talagang nagagawa sa kanyang damdamin at kalooban marinig lang ang boses nito. Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga nangyayari. Siguradong pinaglalaruan lamang siya ng kanyang isipan dahil ng lagnat na nararanasan. Nang silayan muli niya ang lalaki, bigla niyang naisip na hindi pamilyar ang itsura nito. 'Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita. Baka naman sa ibang Nayon siya nakatira.' Tatangunin pa sana niya ito kaso nakaramdam siya ng matinding antok. Pinili na lamang niya na mahiga muli sa sahig na may latag na tuyong mga dahon. Makalipas muli ng ilang oras ay nagising siya dahil sa matinding lamig na nararamdaman, malakas pa rin ang ulan at tumaas na muli ang kanyang lagnat. Napayakap siya ng mahigpit sa kanyang katawan. Hindi na niya napapansin ang lalaki kaya mukhang umalis na ito. Buhay pa rin ang apoy pero hindi sapat iyon, ipinikit na lamang muli niya ang mga mata para makatulog at wag nang maramdaman ang lamig. Hindi pa nagtatagal ay hindi niya mawari kung panaginip lang ba ang lahat o totoo. May mainit na katawan na yumakap sa kanya mula sa likuran. Ang malalaki nitong braso ay naging unan niya at ang isa naman ay nakapatong sa kanyang bewang. Dahil sa init at sa kakaibang amoy na nagmumula dito na nakapagpakalma sa kanya ay mabilis siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD