3RD PERSON POV MULA sa maliit nitong katawan at kumikinang na mga pakpak, hindi mapagsidlan ang paghanga ni Theo habang nakatitig sa Diwatang nasa kanilang harapan. "Ako si Tintin, isa akong wood faeri na nakatira sa kanlurang bahagi ng Nuctious forest---" Panimula pa nito, kaya napatango ng tahimik ang tatlong magkakaibigan. "Ako naman si Theo!" masiglang hirit naman nito, kaya nabatukan ito ni Aries. "Hayaan mo muna siyang magsalita," anito pa. "Sabi ko nga," nakangusong tugon pa ni Theo. "Hm, pero kung taga kanluran ka, anong ginagawa mo dito sa silangan?" pag usisa pa ni Red sa munting diwata. Napatango naman ng bahagya ito at pansin nila ang pag guhit ng malungkot na ekspresyon sa mukha nito bago magpatuloy sa pagsasalita. "Halos ilang taon na rin nang mawasak ang aming kahari

