PROLOGUE

400 Words
"Don't dare to move or else," saad nito sa mababang boses habang nakatutok ang baril sa batok ng babae. "I'll shoot you dead," muli na namang banta nito ngunit hindi pa rin natinag ang babae. Dali-dali namang lumingon ang babae sa harap ng lalaki. Ngayon ay nakatutok na ang dulo ng baril sa noo ng babae. "I told you not to move," ngayon ay mas nangibabaw ang panginginig ng lalaki kaysa sa babae. Ang babae naman ay dali-daling hiniwakan ang kamay ng lalaki saka itinutok ito malapit sa may puso. "Akala ko ay paggamit lang ng pana ang alam mo, Lucas" sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Ngunit hindi ko inaasahang kaya mo rin pa lang humawak ng baril." "I told you not to move!" Nanggagalaiting sabi nito sa babae. "B-bakit ba...Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?" "Singtigas na rin ata ng puso mo, Lucas," nalulungkot na wika nito. "B-Bakit ka nagbago nang ganito? Nasaan na 'yung Lucas na—" pinutol ng lalaki ang dapat na sasabihin nito. Inis niyang binaba ang kaniyang baril sa napasinghap sa hangin. Hindi niya kaya...hindi niya kayang barilin ang babae. "Damn this!" Napamura ang lalaki saka inis na sinuntok ang pader. Iyong banda sa gilid ng babae. "Goddamn it!" Muli na naman niyang sinuntok ito at sa ikalawang pagkakataon ay nagdurugo na ang kaniyang kamao. Ipinagsawalang bahala niya lamang ito. "It took you a year then show up huh?" Nagtatangis bagang nitong sabi. "Then it took me a year to be like this," "Hindi ko sinasadya, Lucas. Hindi ko alam na—" "That I am the son you had hated for more than a decade. That I am the reason why your mom died? That I am the reason why you grew up being bullied. That I am the...that I am the governor's son. Am I right?" Tumulo na ang luha nito sa harap ng babae. Tulad ng dating ginagawa ng babae, yinakap niya ito saka hinaplos ang likod. "Tahan na, Lucas. Tumahan ka na," kasabay ng paghaplos nito sa likuran ay ang pagdagundong ng isang pagputok ng baril. Isang baril na dumagundong sa apat na sulok ng silid. "M-Mahal kita Lucas, mahal na mahal." Sa muling pagkakataon, iniligtas niya ito. Nang walang pag-aalinlangan at tanging ngiti ang sumilay sa kaniyang mapupulang labi. Nagawa niya na naman. She will and always saves the governor's son.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD