Chapter 2

1191 Words
YUMI'S POV "Ginagawa mo d'yan?" takang tanong ko sa lalaking 'to na nakaupo sa upuan na mag-isa. Tiningnan ko s'ya at nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata n'ya. Halaa! Umiiyak s'ya! "Umiiyak ka?" paninigurado ko. Tumingin s'ya sa'kin at bigla na lang nagulat at pinunasan yung luha n'ya. "Bakit ka andito?" malamig n'yang tanong. "Eh? Ikaw, bakit ka andito? Ikaw lang mag-isa?" balik kong tanong sa kanya. "Tsk. Matulog ka na," malamig nitong sabi sa'kin. "Eh? Ayoko, hindi pa'ko inaantok, e," pagpupumilit ko. "Yumi. Pa'no kung nawala yung isang napaka importanteng tao sa buhay mo?" tanong ni Liam sa'kin. "Bakit nawala? Kung nawala man, edi hanapin mo," sagot ko. Totoo naman ah, hahanapin pag nawala! "Hindi yun ang ibig kong sabihin, pa'no kung namatay yung isang taong napakahalaga sa'yo?" "Wala tayong magagawa d'yan. Tsaka kung s'ya man namatay, maghanap ka ng taong ibang mag-aalaga sa'yo! Kasi hindi naman nawawala ang pinaka mahalaga sa'yo, eh!" sabi ko. Hindi ko alam kung tama ba sinabi ko o mali? "Ha? Bakit? Anong ibig mong sabihin?" tanong n'ya muli. "Kasi nand'yan naman s'ya palagi d'yan. At kahit kailan, hinding-hindi s'ya mawawala sa'yo!" sabi ko sa kanya sabay turo sa puso n'ya. Yun kasi turo sa'kin ni uncle, e hehe. "Nanatili sila sa tabi mo. Wala mang katawan, pero nanatili yung pagmamahal nila." Nakakawalang gana naman 'to. "Yumi. Bakit hindi ka kumakain?" tanong nito sa'kin habang nakanguso akong nakatingin sa pagkain. "Wala akong gana..." tamlay kong sabi. Pano ba kasi, e hindi nila ako binigyan ng pink candy simula kanina. */krrrr..... Gutom yata ako at tumunog na talaga s'ya ng malakas. "Now you're telling me that you lose your appetite?" taas-kilay na tanong nito sa'kin. Ahh oo, haha. Kala mo naman naiintindihan ko 'yang sinasabi mo! "Ha? Ahh, oky," tanging sabi ko. Ano ba kasing ibig n'yang sabihin roon? Nakakalito! "Tsk. Kumain ka." Nag-uutos ba 'tong taong 'to sa'kin? E ni hindi nga rin s'ya kumakain, eh! Nanonood lang s'ya sa'kin at binibigyan ng kung ano-ano. "Ayoko... hindi ako gutom," sabi ko sabay tayo at pumunta sa sofa kung saan s'ya nakaupo kahapon. Ba't ba ang tagal ni uncle at hindi n'ya ako sinusundo? "Hey, Yumi! Kumukulo 'yang tiyan mo tapos hindi ka kakain?" pasigaw n'yang sabi, pero 'di ko s'ya pinansin at humiga nang tuluyan. "Tsk." Hayst, bakit ba walang candy dito! Gusto ko nang umuwi! Kahit na parang sosyal dito, ay gusto ko pa rin talagang umuwi. Tumayo ako nang may kung anong ingay na gumagalaw sa sahig at lipat-lipat rin iyon. Ano ba 'to? Sinubukan kong hulihin itong bagay na gumagalaw at parang iniiwasan n'ya ata ako at takbo s'ya nang takbo. Bakit ba kasi 'to tumatakbo! Nakakapagod hulihin! "Huli ka!" sa wakas! Nadakip ko rin! Punong-puno pa'ko ng pawis dahil sa kakadakip sa bagay na ito! Ha! Kala mo, ah! Nilapit ko yung tainga ko sa bagay na ito nang tumutunog pa rin ito! Sinilip ko yung ilalim at may bagay roong umiikot. Ano ba 'to? Hala! Kaya ba 'to tumutunog kasi may umiikot sa ilalim? Kung ganon ay kailangan ko itong kunin! "Arayy!!!" daing ko nang bigla akong masugatan mula sa bagay na iyon. Nagsimulang tumulo yung luha ko dahil sa hapdi ng sugat. Hindi! K-kailangan ko s'yang iligtas! "Arayyy!" daing kong muli nang masugatan muli ang daliri ko. Ba't ba ang talim! "Fvck! What are you doing?!" biglang sigaw n'ya sa'kin at bigla-bigla na lang akong dinampot na parang pusa. "Nililigtas ko lang yung bagay na yun!" tulo-luhang turo ko sa bagay na dinakip ko kanina. Hala! Tumatakbo na naman! Mahihirapan na'ko n'yan, eh! "What? Bakit mo naman gagawin 'yun??" taas-kilay na sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Kasi nahihilo na s'ya kakatakbo dahil may umiikot sa ilalim no'n!" reklamo ko sa kanya at pilit na kumawala. "Fvck! It's a robot vacuum cleaner!" ano naman ngayon kung robust vakim kener 'yan! "Yun na nga, eh!" "Huh?" takang sabi n'ya na s'yang ikinataka ko rin. */silence..... "Look. It's a robot vacuum cleaner, so it's normal." Ha? Pinagsasabi ng taong 'to? "Anong naman kung robust vakim kener 'yan! Kailangan n'ya pa ring magpahinga!" bumuntong-hininga s'ya at tila ba may malaking problema. "Fvck. I can't handle it anymore!" mahinang sabi n'ya. Kala mo naman hindi ko nadinig, huh! Pero ano ba yung sinabi n'ya? "MANANG! FIRST AID KIT!" sigaw nito. Ano na naman 'yun? Bakit ba ang hirap intindihin ng sinasabi ng lalaking 'to? "Ito po, señorito!" ani naman ng tumatakbo na may katandaan na habang dala-dala yung parang kahon na may nakatatak na '+' sa gitna. Ano naman laman n'yan? "C-candy ba 'yan?" tanong ko sa lalaking hawak-hawak ang kamay ko. "What the héll are you talking about? It's not candy." Ha? Anong not ba dinasabi nito, baka peanut? Masarap din 'yun! Kaso mas masarap talaga yung candy. "Arayy!!" daing ko nang may bigla s'yang nilagay sa sugat ko. Ginagawa n'ya? "It's done, kumain ka na." Ano ba 'tong kulay puti na binalot n'ya sa sugat ko? Medyo masakit na rin s'ya. Hala! Baka doktor s'ya! "Hindi ako kakain... walang candy," tamlay ko na namang sabi. "Asaan na ba kasi si uncle?" sabi ko pa habang nakatihaya sa sofa. "Hindi mo pa rin ba naintindihan, babae?" biglang sabi n'ya at umupo sa sofa habang nakangiti nang loko. Hala! 'Yan din yung ginawa ni uncle dati, gaya-gaya pala 'tong taong 'to! Ano bang hindi ko naintindihan? "Parang," tanging sabi ko. Ano ba kasi dapat ang sabihin ko? "Tsk. Binenta ka ng uncle mo sa'kin, bayad na rin ang utang n'ya kapalit ka. May 50 thousands cash pa s'ya'ng natanggap, so hindi na rin s'ya lugi. Sa pagkalaki-laki ng utang n'ya sa'kin ay ikaw na ang ginawang pambayad," paliwanag nito. Tumango-tango naman ako bilang sagot. Hindi kasi ako nakinig at patuloy pa rin sa pag-iisip ng masasarap na candy. Sarap-sarap no'n. "Oky lang sa'yo 'yun?" takang tanong n'ya sa'kin. "Ha? Ang alin? Ah siguro," sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iisip ng matatamis na candy. "Oh. K fine. Kumain ka na doon," sabi n'ya at tumayo. "Teka, aalis ka?" tanong ko sa kanya. "Bakit?" "Bilhan mo'ko candy? Yung pink," ngingiti-ngiting sabi ko. "No." simpleng sagot n'ya. Nilobo ko yung pisngi ko at nag-cross arm. Ang damot-damot ng taong 'to! "Hindi rin ako kakain," sabi ko na s'yang ikinataas muli ng kilay n'ya. "Fine!" napilitang sabi n'ya kaya napatalon ako sa tuwa. "Talaga? Seryuso? Bibilhan mo'ko? Yung kulay pink?" sunod-sunod kong tanong sa kanya at hinawakan yung suot n'yang pulo. "Oo, kaya bitawan muna ako para makaalis na'ko," reklamo n'ya kaya binitawan ko agad iyon. "Yehey!!! May candy ako pag-uwi n'ya~~ may candy ako~ nananana~" kanta ko habang umikot-ikot. "Ingat ka!!" sigaw ko nang makitang lumabas na s'ya sa pintuan. Yeheyy!!! Umikot-ikot akong pumunta ng kusina at umupo sa upuan. Ang bango-bango ng mga pagkain! Lahat 'to hindi ko pa natikman! Ang sasarap tingnan! Pero baka may hilaw na karne dito kaya dapat maingat! Mahirap na at baka sasakit tiyan ko nito. Kukuha na sana ako ng pagkain nang biglang may tumampal sa kamay ko. "Op op op! Sinong may sabing ito ang kakainin mo? Ito ang kainin mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD