PROLOGUE

1107 Words
Hi, I’m Yumi Ash Salvania Blonde. Ang haba ba pakinggan ng aking pangalan? Kung gayon, ay tawagin mo na lang akong Yumi. Gusto ko ng candy at kahit kailan ay hindi pa ako nakalabas mula sa pader na ito. Hindi ko rin alam kung ilang taon na ako ngayon, basta ang alam ko ay 20+ na raw ako, sabi ni Uncle sa akin. Asaan na ba si Uncle? Kanina pa ako naghihintay rito habang nagdidilig sa mga halaman na ito. Hayst, ano bang meron sa labas ng pader na ito? Bakit ayaw akong palabasin ni Uncle dito? Sabi niya kasi sa akin ay marami raw higante sa labas ng pader na ito, kaya natatakot siyang paalisin ako dito. At hindi lang higante, pati na rin daw ang mga taong nangangagat at masakit daw iyon. Bumuntong-hininga na lang ako at pinatay ang gripo. Umupo muna ako at kinuha muli ang dyaryo. Dyaryo lang talaga ang mababasa ko dito. “Wow!” manghang sabi ko nang makita ko ang palasyo sa dyaryo. Isang napakagandang palasyo! Akala ko’y sa panaginip ko lang ito makikita, pero pati rin pala sa dyaryong ito! Napakaganda! Tumayo ako at lulukso-luksong tinitingnan ang palasyong ito. Bakit ba sa bawat lukso ko ay umaalog rin ’tong malaking nakadikit sa akin? Nakakapagtaka at sa bawat kilos ko ay para bang sumusunod ito. Tsaka ano itong nasa gitna? Binalewala ko na lang ito at bumuklat akong muli, at may nakita akong kulay puti na kung ano. Isa ba itong karwahe? Para kasing karwahe kung titingnan, kaso iba ang itsura. Napakaganda at nakakamangha! “C.A.R.” naniningkit kong basa rito. Ano iyon? Nakakapagtaka at ni kailanman ay hindi ko pa ito narinig. Napakagaling nito! “UNCLE!!” sabik kong tawag nang marinig kong bumukas ang pinto. Niyakap ko siya nang makita ko si Uncle. “I-iha…” nanginginig na dinig ko sa boses ni Uncle. “Bakit po, Uncle? Asaan na po yung candy ko? Yung pink!” galak kong sabi kay Uncle, at nilabas naman niya ang candy ko. “Wow, salamat po, Uncle!” nakangiting sabi ko. Kanina ko pa talaga ito hinihintay! Ang sarap niya talaga! “Uncle, ubos na…” nakakalungkot lang isipin na ubos na ang candy ko. “Sige, kunin n’yo na siya.” “Halika na, babae. Kukunin ka na namin.” “I-iha, sumama ka sa kanila at pagkarating mo roon ay ibibigay nila sa’yo yung gusto mong candy,” nakangiting sabi ni Uncle. “May candy po kayo roon?” tanong ko sa kanila. Nagtinginan sila sa isa’t isa, kaya gumaya rin ako. “Ginagawa mo?” “Ha? Ginagawa ko? Ginagaya ko kayo?” taka kong tanong sa kanya. “Pffft!” Taka ko silang tiningnan na para bang nagpipigil ng halakhak. Anong nangyari sa kanila? “J-just let’s go, hahahaha,” tawa pa ring sabi nito. Ha? Hindi ko naintindihan. “Tara na, baka pagalitan pa kami no’n,” salita nung isa sabay hila sa akin. “’Wag ninyong kalimutan iyong candy ko ah,” nakanguso kong sabi. “Oo na, oo na.” Napahinto ako nang may maalala akong sinabi ni Uncle noon. H-hala ka! Baka k-kainin ako ng higante na nandoon sa labas! “B-baka may m-multo, higante, at taong n-nangangagat sa labas ng pintong iyan!” kinakabahan kong turo sa pinto. “W-what? Higante at multo?” Tumango-tango ako sa tanong niya. “P-panong may multo?” tanong uli niya sa akin. “’Yun sabi ni Uncle sa akin,” tatango-tango kong sagot. Napabuntong-hininga siya na tila ba nakahinga nang maluwag. “Walang multo at higante sa labas. Maganda roon at tsaka walang multo sa umaga.” M-magandang ba? Talaga? Bakit puro ulap lang iyong nakikita ko sa itaas? “S-sigurado ka?” “Oo, siguradong-sigurado,” tatango-tango niyang sabi. “Halika na.” Hinawakan nilang dalawa ang magkabilang kamay ko at binuksan nila ang pintuan. Kita ko ang dulo na may puting—teka! “Ayan! Pumasok ka na—” “Ano ito? Isang magandang karwahe? Paano nagkaroon ng karwahe dito?” tanong ko sa kanila habang namamangha. “Anong karwahe? Walang karwahe, para ka namang napag-iwanan ng panahon,” rinig kong sagot niya sa loob. Saan ang bintana rito? “Walang karwahe?” “Anak ng pusang gala! ’Wag mo nga akong gulatin!” Nagulat ko ba siya? Teka! M-may pusa dito? A-anak ng pusa? Asaan? “Pffft! ’Wag mong takutin, baka mahimatay ’yan! HAHAHAHAHA!” tawang sabi nitong taong nasa sabi niya. “Tumahimik ka nga!” “Kung ganoon, kung walang karwahe, e ano ito? Tsaka wala naman akong nakikitang pusa rito,” ani ko habang tumitingin sa ilalim. Wala naman talaga. “Pffft! HAHAHAHA! Pumasok ka na nga! Mamatay ako sa’yo kakatawa, HAHAHA!” tawa pa ring sabi nito. Papasok ako? Saan ako dadaan? Wala namang pagbubuksan. “Dito po ba?” tanong ko sa kanila, at tumango-tango naman sila sa akin. Pumasok ako sa maliit na bintana, at sa tingin ko ay hindi ako kakasya dito. “T-tulungan ninyo akong makapasok!” nahihirapan kong sabi kaya napalingon sila sa akin. “Bakit diyan ka dumaan??” gulat nilang sabi kaya bumaba sila. May hinawakan na kung ano yung isang kasama niya at bumukas iyon. Wow… “Umalis ka diyan at dito ka dumaan,” tila naiinis na niyang sabi. “Ha? Bakit?” takang tanong ko sa kanya. Bakit ako dadaan riyan? “Ha? Anong bakit? Hindi ka magkakasya diyan, ’di ba? O saan ka dadaan? Tatanga-tanga,” inis nitong sabi kaya bumaba ako. Ano bang ginawa ko at nagalit iyon? Hala! Baka nagalit siya sa akin dahil ba sa hindi ko mahanap iyong alaga niyang pusa? Hala, e paano ’yan? Pumasok rin silang dalawa sa loob at biglang parang yumanig. “Anong nangyayari? Yumayanig! May lindol ata!” natataranta kong sabi habang pilit na umalis dito sa loob. Pero ang ganda ng loob ng karwahe. Sabi niya sa akin ay pumasok na raw ako. Oh? Anong meron doon? “Teka! May lindol pa!” pagpigil ko sa kanila. “Pffft! Walang lindol, hahaha. Itong sasakyan ang sinasabi mong yumayanig! Hahaha!” Bakit ang babaw ng kanyang kasiyahan at tawa siya nang tawa? Wala ba? E ano ito? Nagulat ako nang bigla itong gumalaw at tumakbo! “Tumatakbo! Bakit gumagalaw!?” gulat at pasigaw kong sabi sa kanila. Lumingon-lingon ito at kumuha ng kung ano. “Halika.” “Ano iyan?” taka ko sa kanya. “Ilalagay ko lang sa bibig mo. Huwag mong tatanggalin ito, at pag tinanggal mo ’yan, kakagatin kita!” Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagtango ko sa kanya. Totoo ngang may nangangagat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD