YUMI'S POV
Ito pala kwarto ko? Ang ganda....
Ang laki-laki pa!
Tapos malambot pa yung kama!
May kumot rin!
May malambot ring unan!
May salamin at cabinet pa!
Grabe, ang ganda talaga! Tatalon sana ako sa kama nang maalala kong hindi ko pala magawa.
Pano ako makakatulog nito? 'Di bali na. Dahan-dahan akong humiga sa kama at ganoon na lang ang pagdaing ko nang masamid iyon.
Arayy!
Ang sakit-sakit talaga!
Teka, ano ba 'to?
Bakit may bilog na nakalagay dito?
Gumagalaw pa yung loob no'n.
Ano 'to?
Hala!
Baka nagagalit 'to at tatalunan na lang ako kapag hindi pa'ko gising!
O di kaya nananakmal 'to!
Hala!
"Wag mo'kong didisturbuhin, ah!" banta ko sa kanya. Pinaningkitan ko ito ng mata, tsaka ako tumango-tango.
Dahan-dahan akong humiga sa kama at iniiwasang masamid yung likod ko.
Tagilid akong humiga habang iniisip yung ginawa nila sa'kin kanina.
Muli na namang tumulo iyong luha ko at napaiyak na lang muli. Pinunasan ko yung mata ko at tumingala sa dingding.
Hayst! Ano ba 'yan!
Hindi ako makatulog!
Wala kasing pwedeng mayakapan, e!
Napalingon ako sa madilim na sulok ng kwarto.
P-pano kung may multo d'yan?
K-kakainin ba ako no'n?
Pano kung may black lady!
Hala ka, baka katapusan ko na!
Nako!
Hindi pwede 'yun!
Wag kang mag-isip ng ganyan, Yumi!
Bumangon muli ako at naglakad-lakad sa kung saang kwarto ako mapapadpad.
Hindi ko alam, basta dinala ako ng dalawang paa ko dito sa kwartong ito.
Kakatok na sana ako nang mapag-isipan kong buksan na lang. Tinulak ko yung pinto at saktong nakabukas rin.
Sinara ko iyon pagkatapos at tiningnan kong sino itong taong nakahiga sa kama.
Pinaningkitan ko pa ito at sinigurado. Tama! Si Liam nga! S'ya nga talaga!
Dahan-dahan kong kinuha yung kumot at patagilid pa rin akong humiga. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap ito.
Hindi naman s'ya yumakap pabalik kaya hindi masakit.
Sa wakas! Makakatulog na'ko!
Nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw.
Yakap-yakap ko pa rin s'ya habang s'ya ay mahimbing na natutulog.
Sa mukha n'ya ngayon, mapapasabi ka talagang para s'ya'ng anghel na hulog mula sa langit.
Napakapayapa n'ya kasing matulog lalo na't hindi nakataas yung kilay n'ya. Napapangiti tuloy ako.
Para kasi s'ya'ng galit at mapapaisip ka kung anghel pa talaga s'ya kapag nakataas 'yang kilay n'ya.
At napakasungit pa!
Napadaing ako nang gumalaw iyong kamay n'ya at nilagay sa likod ko.
Ang sakit!
Narinig n'ya ata yung daing ko at minulat n'ya yung mata n'ya. Gulat pa s'ya'ng napatingin sa'kin.
"Yumi? Ginagawa mo dito?"
"Hehe, pasensya ka na, Liam. Hindi kasi ako makatulog." Oo nga! Kagabi hindi ako mapakali sa kwarto ko.
Bumangon s'ya at hindi sinasadyang nasamid yung likod ko.
"Aray!!"
Agad s'ya'ng napalingon sa'kin at gulat na gulat na may halong pagtataka.
"What's wrong?" Yan! Paulit-ulit n'ya'ng ginagamit ang salitang Ingles, e hindi ko naman naiintindihan!
"Ha?" Imbis na mapadaing pa'ko sa sakit ay napalitan iyon ng pagtataka.
Kasalanan n'ya 'to at Ingles s'ya nang Ingles!
"Fvck!" Tumayo s'ya nang tuluyan habang ako ay nakahiga pa rin.
Anong problema no'n?
Teka!
Wala akong dalang damit!
Kahit pambahay man lang wala!
Kahit bra at panty, wala! Hala ka! Pano 'yan??
"Teka, Liam," tawag ko sa kanya kaya napahinto s'ya.
"Ano?" Yan! 'Yan ang sinasabi ko kanina!
"Wala kasi akong dalang damit, pwede bang makigamit muna ng sa'yo? Hehe."
"Tsk. Kumuha ka d'yan sa kabinet," sabi n'ya at tuluyang bumaba.
Hindi ba 'yun maliligo? Baka naligo na 'yun sa panaginip n'ya.
"Ahhh, sakit talaga.." dahan-dahan akong bumangon at binuksan yung cabinet n'ya.
Teka, puro damit panglalaki yung narito! Siyempre, panglalaki talaga! Hindi naman bakla si Liam para magsuot ng damit pangbabae!
Ano na susuotin ko n'yan?
Nahagip ng mata ko ang isang puting polo na mahaba kaya kinuha ko ito. Sinukat ko muna at hanggang tuhod ko naman, kaya ito na lang siguro.
Tumingin pa'ko sa ibaba at nakita ko yung mga brief n'ya doon kaya kumuha ako ng isa.
Binuklat ko yung brief n'ya at sinukat ko.
Bakit ang laki nito? Sa kanya ba talaga 'to?
Wala bang mas maliit dito?
Pano ko 'to susuotin, e napakalaki nito para sa'kin.
Kinuha ko yung nasa pinaka-ilalim at sa tingin ko ay hindi n'ya pa ito nasuot. Sinukat ko itong muli at sakto lang naman, parang short na rin.
Tumingin pa'ko sa iba at baka may brief dito na mas maliit.
Ayon! Meron! Sakto sa'kin! Teka, sinusuot 'to ni Liam? Kumuha ako ng isang malaking brief n'ya tsaka itong maliit.
Bakit parang kalahati yung agwat nila?
Baka sa kapatid n'ya 'to.
Teka, may kapatid si Liam?
Hala!
"Mahiram po, ah, hehe. Paki-sabi ng may-ari nito na hiniram ko muna," paalam ko sa cabinet na 'to.
Baka pagalitan ako pag hinanap ng may-ari kaya mas maganda nang magpaalam.
Hindi ko na ata kailangan ng bra dahil hindi naman ako nagsusuot no'n pag nandoon ako sa bahay ni uncle.
Nilagay ko iyon sa kama at nilibot yung paningin ko sa buong kwarto.
Asaan pa yung paliguan rito?
Naglakad ako papunta sa isang pintuan at binuksan iyon.
Wow... ang laki pala ng paliguan nila rito!
Kasing-laki lang ng kwarto ko roon sa bahay namin!
May salamin pa!
Pumasok ako sa loob at inaamoy-amoy yung amoy rito.
Napakabango!
Teka, nilalagyan ba nila ng pabango itong paliguan nila?
'Di bali na lang at makikigamit ako saglit. Hinubad ko yung damit ko nang dahan-dahan at humarap sa salamin.
Tumalikod ako habang nakatingin pa rin sa salamin at tiningnan yung likuran ko.
Namamaga na pala at nagmumula na.
May mga sugat pa roong nakabaon sa balat ko. Kaya pala ang sakit.
Bakit ba kasi nila ginagawa sa'kin 'yun? May ginawa ba'kong masama? Wala naman, ah.
Kumuha ako ng sabon at sinabunan yung buong katawan ko.
Arayyy, napakasakit talaga ng likod ko! Para akong unti-unting pinapaso!
Matapos kong maligo ay nakahubad akong lumabas sa paliguan dahil nilabhan ko pa yung damit ko.
Pumunta akong kama at kumuha ng tuwalya saka ko pinunasan yung katawan ko.
Sinuot ko yung polo ni Liam at saka sinuot ko rin yung maliit na brief na sakto lang sa'kin, parang panty na rin. Saka ko sinuot yung malaking brief ni Liam.
Parang short nga. Nakakapagtaka at kasya ito ni Liam.
Wala bang suklay dito? Imposible naman 'yun sa laki-laki ng palasyong ito, e wala man lang kasuklay-suklay.