CHAPTER1

1995 Words
[DALIA'S POV] Side view sa left, side view sa right, tapos talikod with a slight butt out. Check. “Girl, mababasag ang salamin niyan. Maganda na yang summer dress mo,” komento ni Bianca habang nakakunot noo sa kaka-pose ko sa harap ng salamin. “Hindi sapat na maganda lang—dapat ako ang walking definition ng summer princess!” seryoso kong sabi habang inaayos ang laylayan ng dilaw kong dress. “Eh ‘di ikaw na,” sagot niya, sabay irap. “OA ka na naman, Dalia.” OA kung OA. Pero ‘yan talaga ako. Sa pakikay, sa pag-aayos, sa pagiging girly—siguro wala nang mas kikay pa sa’kin sa buong Grade 11-B. At syempre, hindi naman ako magiging ganito kung hindi ko minana sa aking ultimate fashion idol—ang tatay kong beki. Ako si Dalia Marie Cervantes. Hindi lang basta muse aspiring model din. "“Bilisan mo na, baka tayo na lang hinihintay ng mga kaklase natin,” saway sa akin ni Bianca habang nakatayo na sa may pinto. “Ay oo nga pala, tara na! Baka magalit na naman si Ms. Alora,” sagot ko habang mabilis na kinuha ang shades ko sa side table. Si Ms. Alora kasi? Laging mainit ang dugo sa'kin. Naglakad na si Bianca palabas, at sumunod na rin ako. Summer trip ng school namin ngayon—but instead of a relaxing beach trip, nasa farm kami. Farm. Hindi beach. Hindi mall. Hindi aircon. Sino ba namang kikay ang gustong mamutikan ang sapatos, diba? Ayoko sana sumama, but—ugh—sasama kasi si Dalton. Kaya ayan, no choice. I need to look stunning kahit may putik. Dalton Alfonso Juanito. The one. The only. The ultimate crush ko since I was ten. Childhood neighbor. As in magkatapatan lang bahay namin. Kaibigan pa ng pinsan ko. Pero ang problema? Dalton is not the type of guy who notices people. As in, parang tuod. Pwede mong ihambing sa bato. Or yelo. Hindi siya madaldal, hindi rin mahilig makihalubilo. Lagi lang tahimik, nakababad sa libro. Pero guess what? Genius ang lolo mo. Kaya naman kahit parang robot siya, mas lalo siyang naging attractive sa mata ko. Naiimagine ko tuloy… ako 'to ngayon, naka-sundress, naka-cross legs sa gingham blanket habang nasa ilalim kami ng punong mangga. Ang hangin? Swabe. Ang langit? Blue na blue. At syempre, sa harap ko—si Dalton. Dalton Alfonso Juanito. The human statue. Pero sa imagination ko? Lumalambot siya. Para sa akin. May picnic basket kami. May juice in mason jars. May fried chicken. May lumpia. Pero syempre, ang bida? Spaghetti. Ako, syempre, kikay pa rin kahit nasa picnic. Pero habang subo-subo ko 'yung spaghetti—splash! May tumalsik na sauce sa pisngi ko. “Oh my gosh,” bulong ko, panic mode on. “Hala ang lipstick ko—” Pero bago ko pa makuha 'yung tissue, biglang lumapit si Dalton. Inabot ang mukha ko. As in literal, hinawakan niya ang baba ko. “Wait,” sabi niya, low voice, almost a whisper. Tapos may kinuhang panyo. Hinawi ang buhok ko sa gilid. Tapos dahan-dahang pinunasan ang spaghetti sauce sa pisngi ko. HELLO?? AKO NA BA ANG MAIN CHARACTER NG ROMANCE NOVEL??? “Messy ka talaga,” sabi niya, pero may pa-smirk. ‘Yung tipong para sa kanya, ang cute ng kalat ko. At sa sobrang kilig ko, feeling ko may fireworks na sa background. Parang may soft music. Parang ang spaghetti sauce—love potion pala. “Thanks…” sabi ko, barely breathing. Tumingin siya diretso sa'kin. “Next time, ako na lang magpakain sa’yo.” "DALIA!" "AY PUTIK!" Bigla akong nagising sa realidad. “Bakit ka nakapikit? Tapos na tayong magdasal kanina pa,” tanong ni Ms. Alora, nakakunot ang noo. Napangiwi ako. Anong dahilan ibibigay ko? Hindi ko pwedeng sabihin na ini-imagine ko si Dalton na sweet sa'kin! “Ah, a-ano kasi, Ma’am… napuwing lang po,” palusot ko, pilit ngumiti. “Gano’n ba? Alam mo ba kung anong sinasabi ko kanina?” tanong niya ulit, mas seryoso. Ano nga ba ‘yon? Napalinga ako sa paligid. Nakahelera na pala kami. Lahat attentive habang nakikinig kay Ms. Alora. Buti pa sila. Ako, nasa sariling mundo. Naalala ko lang vaguely… may binanggit siyang tutulong kami sa mga farmer. “Hindi po, Ma’am,” amin ko na lang, walang laban. Napabuntong-hininga si Ms. Alora. “Hay naku, hindi ka nakikinig. Okay, uulitin ko ha. Per group kayo, at bawat group may kanya-kanyang task. Si Dalton ang magiging leader sa isang task.” Dalton? Leader? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Dalia, magpalit ka na. Mapuputikan ka. You’ll join Dalton’s group—at kayo ang maglilinis ng tae ng kabayo,” diretsong sabi ni Ms. Alora. What. Tae. Ng. Kabayo. Literal akong napalunok. Paano na ‘to? Masaya ako kasi ka-group ko si Dalton… pero ang kapalit? Maglinis ng tae?! Hindi ko ata kaya. Pero… kung makikita niya akong hardworking at hindi maarte, baka may points ‘yun sa puso niya. Pag-ibig vs. kabayo poop. Anong klaseng laban ‘to? Napangiti ako kahit may kaba. Napahawak ako sa kamay ni Ms. Alora at may kaunting arte pang sabi, “Salamat po, Ms. Alora. Mabait ka rin pala minsan.” Hindi na ako naghintay ng sagot. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa grupo namin—grupo ni Dalton. Narinig ko pa si Ms. Alora na may sinasabi sa likod, pero hindi ko na pinansin. Ayoko na madagdagan pa ‘yung sinabi niya… baka mamaya pati tae ng baka ipalinis pa sa’kin. Focus, Dalia. Focus kay Dalton. Huwag sa tae. “Tara na, Dalton!” matapang kong sabi, kunwari confident kahit kabado. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, para bang sinusuri kung may problema ako… o kung ako ‘yung problema. “Tsk. Magpalit ka muna,” malamig niyang sambit, parang may kasamang inis. Napangiti ako. Ay, parang boyfriend kung makautos. Kilig ako slight. Pero agad niyang sinundan, “Don’t get me wrong. Baka sagabal ‘yang suot mo sa task natin.” Masungit pa rin ang tono. “Oo na, sungit,” iritado kong sagot, pero sa loob-loob ko… ang pogi pa rin kahit nakakainis. Nagbihis na ako ulit—sayang naman ang summer dress ko ngayon. Pero ayos na rin itong maikling shorts at V-neck na t-shirt. Lumakad na ako at hinanap ang mga ka-group ko. Sakto naman, nakita ko na sila. Apat kami sa group. Isa si Hazel—ang tahimik naming kaklase at mortal na kaaway ni Dalton sa pagiging top 1. Pero dahil matalino ang baby kong si Dalton, siya pa rin ang nangunguna. Ang isa pa ay si Tomas. Napatingin ako sa kanya. Obvious na may nakaaway na naman—basag na naman ang labi. Napailing ako. Hay, baby Dalton ko talaga. "Hi everyone... and my Dalton. So, ano? Anong ipapagawa mo sa akin bukod sa mahalin ka?" Kumunot ang noo ni Dalton. "Stop doing that, Dalia," malamig na saway niya. Pero hindi ako natinag. Ngumiti pa ako at inulit ang tanong habang papalapit, "So, love... ano na nga?" Napabuntong-hininga siya, kita ang inis sa mukha niya. Hindi man lang ako tiningnan habang nagsalita. "Kung gusto mo talagang makatulong, alisin mo muna 'yang tae ng kabayo sa likod ng kuwadra. Dalhin mo sa compost pit. Ngayon." Napalingon ako sa tinuturo niya at halos mabilaukan sa amoy pa lang. "Talaga, Dalton?" tanong ko, hindi makapaniwala. Pero nagkibit-balikat lang siya. "Unless gusto mong wala kang grade." Napangiwi ako. Grabe siya... pero pogi pa rin. Nakakainis. Napapadyak ako sa inis habang nakasimangot na kinuha ang pala. Ang bango-bango ko pa naman tapos ganito agad ang welcome task ko? Habang abala ako sa pagsalok ng tae ng kabayo, narinig kong nagbulungan sina Hazel at Tomas. “Grabe si Dalton, ang harsh,” mahina pero klarong sabi ni Hazel habang pilit tinatago ang ngiti. Sumingit naman si Tomas, “Eh sa kulit ni Dalia, deserve din.” Napalingon ako sa kanila at tiningnan ng masama. “Naririnig ko kayo!” singhal ko. “E di wow,” sagot ni Tomas sabay tawa. Basag na nga ang labi, madaldal pa rin. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang pinipilit huwag sumuka. Pawis na pawis na ako at amoy-kuwadra na, pero wala akong balak umatras. Dalton, kung akala mong mapapahiya mo ako, nagkakamali ka. Gagawin ko ’to… para sayo. Kahit tae pa ‘yan. Kahit basang-basa at mainit-init pa. For love. Napatingin ako sa kanya mula sa malayo. Abala siya sa pagche-check ng checklist, seryosong-seryoso ang mukha. Hindi man lang ako sinulyapan. Hay. Ang pogi talaga kahit masungit. Ang hirap mong mahalin, Dalton. Ngunit sa kalagitnaan ng ginagawa ko, bigla akong nanlamig. Hindi dahil sa hangin—kundi dahil sa pakiramdam ng suka na pilit kong nilulunok habang sinasalo ng pala ang basang tae ng kabayo. Hindi ako nag-iinarte, pero parang papatayin ako ng amoy at itsura nito. Para akong iiyak habang pinipilit ang sarili ko na huwag tumakbo palayo. Tae lang ‘to, Dalia… kaya mo ‘to… para kay Dalton… kahit mukhang hindi worth it minsan. Napasinghap ako at napapikit, pilit nilalabanan ang hilo. Naramdaman ko ang marahang tapik sa balikat ko. Paglingon ko, si Hazel pala. "Okay ka lang?" mahina niyang tanong, may halong pag-aalala sa boses. Napakurap-kurap ako at pilit na ngumiti kahit namumula na ang mata ko. “Yeah… yeah. Okay lang ako. Medyo... parang gusto ko lang mamatay nang kaunti.” Napangiti si Hazel, bahagyang umiling. “Pwede kitang tulungan kung gusto mo. Alam kong pinahirapan ka lang talaga ni Dalton.” “Alam mo ba, mahal ko pa rin siya kahit gusto kong itapon ‘yung pala sa mukha niya ngayon?” seryoso kong bulong. Napatawa na si Hazel. “Baliw ka talaga, Dalia.” Ngumiti na lang ako. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko, pilit nilalabanan ang hilo at amoy ng kuwadra. Sa isip ko, konti na lang… matapos lang ‘to, makakatulog na ako nang mahimbing (o makakaligo nang dalawang oras). Pero biglang—PLOK! May tumalsik. Ramdam ko ang basa sa hita ko. Napatingin ako… at nakita kong may tumalsik na tae sa laylayan ng favorite kong denim shorts. Napabalikwas ako. “Oh no… oh no! DUMI! DUMIIII!” halos mabaliw ako habang umiikot sa kuwadra na parang sinaniban. “Yung short ko! Maganda pa naman ‘to! Hazel! Tomas! May tae! Sa short ko—OH MY GOSH BAKIT AKO?!” “Diyos ko, Dalia! Para kang sinapian!” tawa ni Tomas, halos mapatumba sa kakatawa. Pero nang makita niya talaga ang itsura ko—mukha nang malapit sa breakdown—bigla siyang sumigaw, “Heto na! Tubig!” Splassshhh! Isang balde ng malamig na tubig ang lumanding diretso sa akin. Natigilan ako. Naligo ako sa tubig. Basang-basa. Pero at least… wala na ang tae. Napakurap ako habang tumutulo ang malamig na tubig sa buhok ko, parang eksena sa pelikula kung saan nililinis ang kasalanan—pero sa akin, tae ng kabayo ang bida. “Okay ka na?” hirit pa ni Tomas, bitin na bitin sa tawa habang hawak pa ang balde. Tumingin ako sa legs ko. Wala na. Malinis na. Pero ang dignidad ko? Wasak. "Hindi ko alam, natatakot ka pala sa dumi?" singit ni Hazel, habang pinipigil ang tawa. Napatingin ako sa kanya, takot na takot pa rin ang mukha ko. “Hazel… hindi lang basta takot. Para akong sinumpa. Parang nilapastangan ang kaluluwa ko! Hindi mo ba nakita? Sumayaw ‘yung tae sa short ko!” Si Tomas halos mauntog sa kakatawa. “Akala ko nga may demonyo sa kuwadra. Yun pala, tae lang at si Dalia,” sabi niya. “Hoy!” singhal ko. “Ang short kong ‘to, limited edition pa ‘to, binili ko pa ‘yan nung sale sa online—tapos tae lang pala ang katapat?!” "Kung nakita mo itsura mo hahahah" - pang aasar ni Tomas. Napipikon na ako dito siya kaya tapunan ko nang tae sa bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD