[DALIA POV]
Tulak-tulak ko ang kariton na punô ng dumi ng kabayo, pilit iniusog sa tabi ng kalsada kahit halos ayaw gumalaw. Ang bigat nito, parang pati araw ay nakikisama pa sa inis ko—tirik na tirik, parang nanunuyang nagbabaga sa balat.
"Ang kapal talaga ng mukha ni Tomas," bulong ko sa sarili. "Sabi niya iihi lang, pero kanina pa ako dito! Teka nga—alas dose na?!"
Sumabay sa pagkulo ng sikmura ko ang inis. Gutom na ako. Gusto ko na ring kumain, pero heto ako, halos magka-pulikat na sa pagtutulak ng kariton.
Napaatras ako nang konti, muntik nang matapilok sa gulong na sumabit sa bato. "Ugh, ano ba 'to!"
Biglang may humawak sa gilid ng kariton. "Let me help," sabi ng pamilyar na boses.
Paglingon ko, napatigil ako. Si Kurby. Ang Kurby. Heartthrob at certified playboy ng klase namin—escort ng school events, MVP sa ligawan. May kalidad ng kagwapuhan na halos sing-level kay Dalton, pero syempre, si bebe love ko pa rin ang panalo sa puso ko.
Kinuha ni Kurby ang hawakan ng kariton mula sa akin at agad na tinulungan akong itulak ito.
"Saan mo ba dadalhin ito?" tanong niya, walang bahid ng arte kahit punô ng dumi ng kabayo ang kariton.
"Doon sa likod ng kuwadra. May tambakan doon," sagot ko, sabay buntong-hininga. "Dapat kanina pa 'to, kaso iniwan ako ni Tomas. Sabi iihi lang, pero hanggang ngayon wala pa."
Tahimik lang siyang tumango at sinimulang itulak ang kariton. Medyo napangiti ako. Hindi dahil kinikilig—wala akong time sa ganon, lalo na't amoy dumi kami pareho—pero natutuwa ako. Sa wakas, may tumulong din.
"Anong nakatoka sa inyo?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Gardening," sagot niya. "Sa kabilang farm. Yung malawak na field ng mga bulaklak."
Napasimangot ako ng bahagya. "Ang swerte niyo naman. Nasa gitna kayo ng bulaklak habang ako nasa gitna ng tae."
Napatawa si Kurby. "Gusto mo palitan tayo?"
Tiningnan ko siya ng matalim. "'Wag mo akong tuksuhin. Baka tanggapin ko 'yan."
"Why not? Malakas naman ako kay Ms. Alora," sagot niya, sabay kindat.
Napapikit ako sandali, saka ngumiti. "Huwag na. Kasama ko naman si Dalton, eh." Hindi ko napigilan—kinilig ako kahit hindi halata. Well, konti lang.
Natawa si Kurby. "Patay na patay ka sa kaibigan namin, noh?"
Umirap ako, pero hindi mapigilang tumawa rin. "Hoy, 'makapatay' ka naman magsalita, parang ang panget ko diyan!"
Tumaas ang kilay niya, halatang nag-e-enjoy sa asaran. "Eh ano ba dapat na term?"
Ngumisi ako, sabay sagot ng diretso, walang kaabog-abog. "Mahal ko siya, ganon."
Nagulat si Kurby. Napatingin sa akin, parang hindi niya alam kung seryoso ako o nagbibiro.
"Seryoso ka?" tanong niya, bahagyang natatawa.
"Bakit? Bawal magmahal?" sagot ko, kunwari galit pero halatang nagpapatawa lang.
"Hindi naman," sagot ni Kurby, sabay taas ng kilay. "Kaso kasi, bato 'yung kaibigan namin. Hindi pa nga nagkaka-girlfriend si Dalton. Ikaw pa kaya? Naku, wala kang pag-asa doon. Kung ako na lang sana, 'di ka na nahirapan."
Napangiwi ako sa sinabi niya, lalo na nung binanggit niya ang sarili niya bilang 'option'.
"Hello? Hindi tayo talo, okay? At saka duh, edi ang dami ko nang naging kaaway dahil sayo, no. f**k boy ka kaya," sagot ko, diretso, sabay irap.
Napangisi lang si Kurby, parang sanay na sa title. "At least inaamin ko. Mas okay na 'yun kesa sa torpeng bato na ni hindi marunong magpakilig."
"Wala akong pake kung torpe siya. Type ko 'yung tahimik, hindi 'yung may kalandian sa lahat ng classroom section," sabi ko, sabay lakad habang si Kurby ay inaayos ang pagkaka-angat ng kariton.
Malapit na kami sa likod ng kuwadra, kung saan dapat itambak ang laman ng kariton. Ramdam ko na rin ang gutom sa sikmura ko.
"Ano, tara na? Mukhang nananghalian na ang mga kaklase natin," sabi ni Kurby habang pinapagpag ang kamay niyang nadumihan sa kahawak ng kariton.
Tumango ako at sumunod kay Kurby. Habang naglalakad, sumulyap ako sa kabila.
"Ang ganda naman do—aw!"
Bago ko pa man matapos ang sinabi ko, bigla akong nauntog sa likod ni Kurby. Napahawak ako sa noo ko, sabay palo sa likod niya.
"Ano ba, huwag ka basta-basta huminto!" reklamo ko, medyo naiinis pero natawa rin.
Lumingon siya, nagpipigil ng tawa. "Sorry, akala ko nasa likod pa kita. Bigla ka kasing napatulala don sa flower farm, kala ko naiwan ka na."
"Eh ang ganda kasi," bulong ko, sabay irap na may ngiti.
Kurby glanced at me with that usual smirk of his. "Edi dalhin kita doon mamaya... kung wala ka nang ibang lakad."
Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat pero natuwa rin. Hindi ko inaasahan 'yon, lalo na galing sa isang tulad niya.
"Talaga? Gusto ko 'yan," sagot ko, sabay buntong-hininga. "Si Bianca kasi, hindi mahilig sa mga ganun, kaya wala akong mapapala kapag siya ang kasama ko."
Kurby gave me a half-smile, his tone as cool as ever. "Well, sabi ko na nga ba, may mapapala ka pa. Hindi naman ako basta-basta nagbibigay ng alok." He gave a small, almost cocky shrug, as if the offer was no big deal for him.
Pagdating nila sa Villa, nadatnan nilang abala na ang mga kaklase sa paghahanda ng pananghalian.
"Dalia!" tawag ni Bianca habang lumalapit.
Tiningnan niya si Kurby sa tabi ko, sabay taas ng kilay.
"Tara na raw sa labas tayo kakain. Budol fight daw," dagdag niya. Pero halata ang pagdududa sa tingin niya.
Napansin ko rin si Kurby na lumapit kina Dalton at Tomas—mga kaibigan niya.
"Ano 'yon ah? Bakit kasama mo ang f**k boy na 'yon?" tanong ni Bianca, pababa ang tono at halatang judgmental.
Napailing ako at napangiti, bahagyang napatawa.
"Wow, harsh mo naman," sabay tingin ko sa kanya. "Tinulungan lang niya ako kanina, 'di naman ibig sabihin kung ano na agad."
Umirap si Bianca. "Akala ko ba si Dalton gusto mo? Bakit si Kurby ang kasama mo ngayon?"
Napatawa na lang ako. "Si Dalton pa rin, no! Chill ka lang. Hindi porket may kasama ka, ibig sabihin may something na agad. Grabe ka maka-judge, B."
Napanguso si Bianca, pero kita kong napangiti rin siya sa dulo.
"Fine. Basta, team Dalton pa rin ako."
"Same, my heart goes to my bebe love," kinikilig kong sabi, sabay hawak pa sa dibdib na parang nasa teleserye.
Napangiti ako pero napansin kong nabawi ang ngiti ni Bianca, tila may sumagi sa isip niya.
"Tara na nga, baka maubusan pa tayo ng food," aniya, biglang lakad palayo. "Alam mo namang nagiging Amazona ako pag gutom."
Napatawa ako habang sumunod sa kanya. Typical Bianca—judgy one moment, hangry the next.
Naabutan nila ang mga kaklase na nakahelera sa gilid ng lamesang punong-puno ng pagkain—typical boodle fight setup. May inihaw na liempo, pritong tilapia, itlog na maalat, hilaw na mangga, kamatis, bagoong, at siyempre, sandamakmak na kanin na nakaayos sa mahabang dahon ng saging.
"Ano 'to? Survivor Philippines?" reklamo ni Dalia habang lumingon kay Bianca, kunot ang noo at nakapamewang.
Bianca smirked. "First time mo ba?"
"Uh, obviously. Ganyan ba talaga 'to? Walang plato? As in, kamay?" tanong niya, halatang nagpa-panic pero trying to keep it together. "Kahit kutsarita man lang? Kahit disposable?"
Parang may invisible cue ang buong klase—sabay-sabay silang napalingon at sumigaw ng:
"YES, DALIA! BARE HANDS!"
Napaatras si Dalia sa gulat. "Grabe, collective response? May script kayo?"
Tawanan ang lahat habang may ibang sumabat:
"Princess Dalia, gusto mo ipa-silverware pa namin yan?"
"O kaya gloves, girl? May white gloves ako sa bag!"
Napapikit si Dalia, parang pinipigilan ang sarili. "Guys, I'm not saying ayoko. I'm just... adjusting. It's called cultural shock!"
Bianca laughed. "Girl, Tagaytay lang 'to, hindi ibang bansa!"
Sa di kalayuan, napapailing si Tomas habang tawa nang tawa. "Walang kupas talaga si Dalia. Classic!"
Kurby, leaning on one leg, crossed his arms and smirked. "Ayos. At least consistent siya. Maarte pero game pa rin."
Dalton, on the other hand, couldn't help but stare at her—eyes twinkling with amusement. "She's really doing this?" bulong niya, half in disbelief, half impressed.
Nang makita ni Dalia na pinapanood siya ng tatlo, lalo na si Dalton, nagpakipot pa siya ng kaunti at nagsalita nang may ngiting pilit.
"Fine. Pero after nito, promise niyo may alcohol at tissue, ha?"
Nagtaas ng kamay si Kurby. "Noted, Your Highness. May sanitizer ako, lavender scent pa."
"Pati wet wipes, kailangan may lavender din?" biro ni Tomas.
Dalton chuckled under his breath, shaking his head. "Just give her the damn food before she changes her mind."
Tawanan ulit ang grupo, at kahit si Dalia, napangiti na lang.
Okay fine. Kakain ako. Pero dapat photogenic pa rin ako habang ginagamitan ng kamay 'tong tilapia.
Ayun na nga. Pagkatapos nilang magdasal, nagsimula nang kumain ang lahat. Isa-isa nang nagsusubuan—literal. Parang walang hiya-hiyaan, lahat gutom, lahat game.
Ako? Parang kurot lang ang nagagawa ko.
Hawak ko ang kanin na parang arte-arte lang. Hindi ko alam kung paano ito i-pick up ng maayos.
Kamay?! Like literal? Hindi ba dapat may training 'to?
Chopsticks? Sige, baka kayanin ko pa. Pero ganito? Bare hands na parang may technique pa kung paano pitasin ang kanin at i-shape bago isubo? Hindi ko talaga gets. Lalo na 'yung sticky rice, parang ayaw mag-cooperate. Pa-fall.
Sumulyap ako sa paligid. Si Bianca?, sarap na sarap sa talong na may bagoong. "Girl," bulong ko, "parang hindi kita kilala..."
Tapos 'yung iba kong kaklase? Para silang nasa food contest. Parang ilang araw na silang walang kain. May sumisigaw pa ng, "Pasa ng isda, pre!" habang yung isa, may sariling timpla ng suka't toyo na parang pang MasterChef.
Ako? Wala pa ring progress. Kanin lang ang hawak ko simula't sapul.
Habang nakatitig ako sa kamay ko na para bang iniinsulto ako ng kanin, bigla kong naramdaman ang isang pares ng mata. Napatingin ako.
Si Dalton.
Tahimik siyang ngumiti. Hindi mockery, hindi rin pity. More like... amused. Tapos sabay kuha ng tilapia gamit ang kamay niya, effortless pa. Ugh. Hot.
Sa tabi niya, si Tomas at Kurby, parehong napapailing pero nakangiti. Si Kurby pa nga, nagtaas ng kilay at sinabing,
"Need help, princess? Baka gusto mo i-demo ko pa."
Binelatan ko siya. "No thanks. I'm just... assessing the physics of it."
Tawanan ulit sila.
At ako? Pinilit ko nang sumubok. Pumikit, nag-ipon ng kanin sa kamay, sabay subo—halos mabilaukan dahil sa sariling arte. Pero kahit paano, nagawa ko.
Habang pilit kong nilalabanan ang inner OC ko sa pagkain gamit ang kamay, bigla kong napansin ang isang maliit na bagay na dumapo sa gilid ng dahon sa harap ko.
Balat ng hipon.
Wait, hindi. Hipon na wala nang balat.
Napatingin ako sa kanan—si Dalton. Tahimik lang, walang sinabi, pero nakangiti habang patuloy na kumakain.
He just... peeled it for me?
Napatitig ako sa hipon na parang binigyan ako ng diamante. "Thanks," sabi ko, pa-cute pero may halong kilig. Hindi siya sumagot, pero may bahagyang pakindat ako bago bumalik sa pagkain.
Okay. Patay. Asawa ko na talaga 'to.
Habang ako naman, pilit pa ring binubuo ang confidence sa kanin, biglang sumingit si Kurby. Lumapit nang bahagya, saka pinatong ang siko sa gilid ng lamesa, parang tutok na tutor.
"Ganto lang, o," sabay pakita kung paano kuhanin ang kanin gamit ang isang kamay, paikot-ikot, tapos compact, tapos subo. "Parang clay. I-shape mo muna bago kainin."
Napakunot ako ng noo. "So, parang arts and crafts?"
Kurby chuckled. "Oo, ganon. Pero edible. At dapat hindi messy."
Tinry ko ulit. Seryoso ang mukha ko habang hinuhubog ang kanin parang gumagawa ng rice ball. "Tama ba 'to?"
"Pwede na. May potential ka," sagot niya, sabay ngiti na parang proud teacher.
"Pwedeng 'wag mo akong pagtawanan habang nahihirapan ako?" sagot ko, pero hindi ko na rin mapigilan ang ngiti.
"'Oo na, basta sundin mo 'yung inutos ko para may makain ka at hindi ka magutom," sabi ni Kurby, sabay abot ng isa pang liempo at inabot sa may kanin ko.
Napatingin ako sa kanya, medyo nagtataka. "Ang bait mo yata, kanina ka pa ah. Kurby ah, hindi ako kasali sa mga babae mo ah... Sorry, si Dalton pa rin talaga," sabi ko sabay ngiti, pero may halong biro at warning sa tono ko.
Bigla akong narinigang nagtawanan sa paligid. "Grabe, assumera ka talaga, Dalia! Kala mo naman bet ka ni Kurby," sigaw ni Tomas, sabay tawa na parang narinig niyang joke of the day.
Napalingon ako sa kanya at tumaas ang kilay. "Sinasabi mo bang pangit ako, ha?" Tumayo ako ng diretso, sabay akbay ng konti sa baywang, kunwari fierce.
Pero imbes na matakot, lalo pang nang-asar si Tomas. "Well, wala naman akong sinabi... pero 'wag masyadong GGSS," sabi niya, sabay kindat pa talaga. Gusto kong batuhin ng kutsara.
Mas lalo kong pinalaki ang mata ko. "Hoy Tomas, gusto mong mas lalong lumaki 'yan mata mo sa isang sampal?"
"Oh, 'yung ilong mo lumalaki," isang hirit pa niya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.
"Aba't—"
"Dalia, maghulos dili ka," awat ni Bianca habang hinihigop ang sabaw na parang walang nangyayaring riot sa harapan niya.
Napalingon ako sa kanya, sabay irap. "Bianca, kakampi ka ba o audience?"
"Depende. Kung mananalo ka sa bardagulan, kakampi ako. Pero kung sasablay ka, e di... manonood na lang ako," sagot niya nang hindi man lang tumitingin, abala pa rin sa pagkain ng lumpia.
"Tsk. Hindi mo talaga ako kaibigan," sagot ko, kunwaring masama ang loob habang inabot ang baso ko.
"Hahaha! See? Wala ka nang kakampi dito!" singit ni Tomas, proud na proud sa sarili.
"Eh ano ngayon?" balik kong sagot, diretso ang tingin sa kanya. "Kahit wala akong kakampi, 'di ibig sabihin matatalo ako. Huwag mo akong minamaliit, Tomas. Hindi ako tulad ng test mo—na laging bagsak."
"Yoooo! Aray ko!" sigaw ng isa naming kaklase sa likod, habang si Tomas naman ay kunwaring nasaktan, hawak ang dibdib.
"At least ako, sa test lang bagsak. Eh ikaw? Sa puso ni Dalton—bagsak ka. Boom!" dagdag pa ni Tomas, may kasamang finger guns pa na parang sobrang proud sa sarili.
Napuno na ako. Nakakapikon na talaga.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo ba—" Hindi ko na natuloy ang banat ko dahil isang malamig na boses ang sumingit mula sa likuran.
"Enough, Dalia. You should eat."
Lahat napalingon. Si Dalton, nakatayo lang sa likod ko, malamig ang tingin pero diretsong nakatutok sa pagkain ko. Parang hindi siya galit—pero seryoso siya, at hindi puwedeng suwayin.
Tumingin siya sa plato ko. "Ubusin mo na 'yan."
Sabay baling kay Tomas. "At ikaw, Tomas, stop teasing her."
Tahimik. Walang kumibo.
Binelatan ko si Tomas, at sa totoo lang, ramdam ko yung pagbabago ng aura sa paligid. Si Tomas, na laging mayabang, ngayon ay walang imik. Napatingin siya kay Dalton, at para bang na-silence siya sa isang tingin.
Nagpatuloy ako sa pagkain ko, para bang walang nangyari. Pero ramdam ko pa rin yung init na nararamdaman ko, hindi lang dahil sa pagkain, kundi dahil kay Dalton na biglang nag-stand up para ipagtanggol ako.
Narinig niya ang tawa ni Bianca at Kurby.