TWIX
NAPABALIKWAS siya nang bangon. Tagaktak ang mga pawis niya at habol niya ang paghinga. Bad dreams!
Nang inilibot niya ang tingin saka lang niya naalala nasa isang hotel room nga pala siya.
Si Cream!
Nagmadali siya tumayo upang silipin ang banyo subalit wala roon ang dalaga. Inayos niya ang sarili upang sundan si Cream kung saan ito nagpunta nang tumunog ang cellphone niya. Si Fuji Taka ang tumatawag.
"What do you want?" tinatamad na tanong niya kay Fuji pagkasagot sa tawag.
"Why are you here in Japan?"
Pinaikot niya ang dalawang mata.
"Bawal ba?"
"Sakto. I want you to help me to find someone."
"Your Mother again? Taka, you knew I can't find her! I really, really tried my best--"
"Not my Mother. A woman named Yazmin."
Natigilan siya. Sa ilan taon pagkakakilala niya kay Fuji Taka, walang hinangad ito kun'di mahanap ang biological Mother nito. Subalit bigo sila makita ang hinahanap nito.
"Is this woman, is connected to your long lost Mother?" Curious na tanong niya.
"Maybe."
He rolled his eyes again out of frustration. What an answer!
"So, what is the meaning of your call?"
"Find her."
"Actually, I'm in the middle of some kind of vacation and--"
"With a woman. I know." Pagputol ni Fuji Taka sa sasabihin niya.
Hindi na siya nagulat pa kung malaman nito may kasama siya babae. Nasa Japan kasi siya kaya maraming mata at tenga ang kaibigan niya.
Bumuntong hininga siya. Napasulyap siya sa kama. Bumalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila uli ni Cream Ann. Gusto niya ang dalaga at aminado siya roon. Ngunit, hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon.
"Fine. Where are you?" Kapagkuwa'y tanong niya.
Binanggit naman ni Fuji Taka ang kinaroroonan nito. Walang pag aatubiling lumabas siya ng hotel room at tuluyan umalis ng hotel para puntahan si Fuji Taka.
Wala pang isang oras ay nakita na niya si Fuji Taka na napapalibutan ng mga mobster nito. Isang lider ng Yakuza Clan si Fuji rito sa Japan.
"You look lousy." Lait nito pagkakita sa kaniya. Umingos siya.
"And..so are you," ganti niya saka ngumisi na nakakaloko at taas ng gitnang daliri.
Mainit naman niya tinanggap ang pakikipagkamay ni Fuji Taka sa kaniya saka pumasok sa malaking traditional japanese house.
"So, who's Yazmin?" Umpisa tanong niya pagkaupo sa malambot na unan sa lapag.
Pero imbes magsalita si Fuji, sumenyas ito sa babaeng naka kimono sa likod nito at tila may inutos.
Ang weird lang dahil sobrang pormal ngayon ni Fuji. Kakaibang Fuji Taka pag nasa Pilipinas.
Pagkabalik ng babaeng naka kimono may dala na itong kahon. Kumunot ang noo niya lalo na nang inilapag iyon sa harapan niya.
"Pandora's box?"
Umiiling-iling naman si Fuji Taka at ito na mismo nagbukas ng kahon. Nakita niya ang isang pinagtalian ng pusod. What the heck? Pusod ba ito ng sanggol? Mayroon din mga papel kung saan nakatala ang isang birthcertificate.
"Yazmin Cornelio?" Bulalas niya sa mababang tono.
"Look for her."
"Who is she?"
"My wife."
Nag-lock yata ang panga niya sa gulat. Natulala siya sa sinabi ni Fuji Taka. Asawa?? Binasa niya uli ang birthcertificate at base roon sixteen years old na ang Yazmin na iyon.
"Child abuse 'to alam mo ba 'yon?"
Kalmado pa rin si Fuji Taka sa harap niya. Nagkibit balikat lamang ito.
"Just find her."
Tumikwas ang dulo ng kilay niya. Possible ba 'yon? Tsk!
"Fine! Just give me 2days. I should go. Alam mo naman na may kasama ako."
Tumango-tango lang ito sa kaniya. Matapos niyang makuha ang mga kailangan impormasyon sa Yazmin na iyon ay umalis na rin siya.
Pagbalik na sana siya ng hotel nang tumunog uli ang cellphone niya. Iritadong sinagot niya iyon.
"What?" Inis na sagot niya. Hindi na siya nag-abalang sipatin kung sino ang caller.
"Marshall is missing."
Boses iyon ni Reese.
"Did you checked everything?"
"Yes. Just come on over."
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Ayaw man niya iwanan si Cream Ann sa Japan ay mukhang wala siyang choice.
"Alright."
Kailangan niya muna unahin ang dapat niya unahin. Kaya naman, sa airport na siya dumiretso. Alam niyang kailangan siya ni Reese. Hindi basta-basta tatawag ito na nawawala si Marshall kung hindi totoo.
Alam niyang impossible mangyari iyon na mawala si Marshall. May nangyari sa kapatid nila. Hindi nila alam kung paano o sino pero nasisiguro niyang kailangan sila ni Marshall.
Paglapag sa Pilipinas, dumiretso na siya sa condo niya. Nandoon na si Reese kasama ang pamangkin niya na si Reiko.
"Tito Blue!" Sabik na tawag sa kaniya ni Reiko. Malawak siyang ngumiti.
"Hey, kiddo! What's up?" aniya sabay buhat kay Reiko.
Napasulyap naman siya kay Reese na nasa harap ng computer niya.
"Paano mo na open ang computer ko?" kunot noo tanong niya saka nilapitan ito pagkababa niya kay Reiko sa sofa.
"Baka nakakalimutan mo, iisa lang birthday natin. Wala ka bang ibang alam na challenging password?" Biro ni Reese.
Umingos siya. Makakalimutin siya sa mga password, mas okay na iyon madaling matandaan na password.
"Tabi, ako na," pagtataboy niya kay Reese.
Noon nasa FBI pa siya. Isa siya sa mga top secret security cyber crime agent. Pagdating sa mga digital attacks and data breaches ay bihasa siya. Isa rin siyang Ethical Hacker kung tatawagin. Kaya madali sa kaniya mangalap ng mga ebidensya at impormasyon.
"How did you know Marshall is missing?" tanong niya.
"Check your phone, jackass." Paasik na wika ni Reese.
Anong mayroon sa phone? Nang silipin niya ang phone niya saka lang niya napansin ang red alert notifications niya.
Ginawa iyon ni Reese upang malaman nila kung sino ang nasa panganib o nangangailangan ng tulong. Malamang napindot ni Marshall ang alert button ng phone nito bago ito nawala.
"Saglit lang nag beep ang red notification, it means nasira o natapon na ang phone ni Marshall." Patuloy na wika ni Reese.
"Susubukan kong i-trace kung nasaan ang phone ni Marshall."
Ilan saglit pa ay nakuha niya ang location kung nasaan ang phone nito. Nagkatinginan pa sila ni Reese.
"See? Naitapon na sa gitna ng dagat 'yon phone niya."
Somewhere in Mindanao o Palawan ang location ng phone kaya malamang malaki ang posibilidad na nandoon lang din si Marshall.
"Tingin mo buhay pa 'yon?" Tanong ni Reese.
"Masamang damo 'yon. Buhay pa 'yon."
"Paano gagawin natin?"
"Let Tito Marshall, he can survive for sure." Singit ni Reiko sa usapan nila.
Sabay pa silang napatingin kay Reiko na tahimik naglalaro ng rubik's cube sa sofa.
He can survive? Well, magpapalipas muna sila ng ilan araw. Pag hindi pa rin nagparamdam si Marshall saka sila kikilos. Unahin muna niya hanapin ang pinapahanap ni Fuji Taka.