Chapter 5

1300 Words
CREAM ANN "BA'T nakasimangot ka, Cream Ann?" bungad na tanong ng Papa niya pagkakita sa kaniya sa dining table. Huminga siya nang malalim. Isang linggo na ang lumipas matapos ang napakainit na first date nila ni Twix. Wala man lang ito iniwan na kahit anong contact number o social media account. Naglaho na lang ito na parang bula. Akala pa naman niya magiging makulay na ang lovelife niya, one night stand lang pala 'yon. "Wala, Pa. Pangit lang ang gising ko," sagot niya habang nag-aalmusal. "Tumawag ba ang Ate Coffee mo? Kumusta mga bata? Maayos ba sila roon?" Sunod-sunod na tanong ng Papa niya. "Opo. Maayos naman mga apo mo pati si Ate." Matamlay na wika niya. Kunot noo tinitigan siya ni Papa. "May nangyari ba? Naninibago ako sa'yo, Cream." Nakakapanibago talaga dahil halos 'di niya naubos ang pagkain niya. Magana kasi siya kumain lalo na sa almusal. Napasulyap siya sa lumalaki niyang bilbil. "Ang taba ko na, Pa. Kailangan ko ng mag-gym." Kapagkuwa'y sabi niya. "Ayos naman ang katawan mo a'? Uso kaya 'yan. Hindi rin maganda 'yon sobrang payat." "Hindi ako nagkaka-boyfriend dahil sa katabaan ko." "Mali ka! Hindi dahil sa katabaan mo, busy ka kasi sa trabaho mo. Subukan mo mag-bakasyon, matanda ka na dapat nga mag-asawa ka na rin." Tinignan niya ang Papa niya sabay inismiran. Asawa? Boyfriend nga wala pa, asawa pa kaya. She sighed. "Nag-file na nga po ako ang leave. Saan ba maganda pumunta, Pa?" "Ikaw kung saan mo gusto. Tanong mo Ate Coffee mo, para tulungan ka niya magbakasyon sa malayo. Malay mo, pagbalik mo buntis ka na," natatawang ani ng Papa niya. Napataas ang kilay niya. Wow, advance mag-isip! Napailing na lang siya saka dinampot ang cellphone sa tabi niya at tinawagan ang Ate Coffee niya. Sinabi niya sa Ate niya na gusto niya magbakasyon. "Sure! Akong bahala sa expenses mo. Saan mo balak gumala?" wika ng Ate Coffee niya sa kabilang linya. Ngumiti siya. Saan nga ba mas okay pumunta? Taiwan? Singapore? Korea? "Sa Japan, Ate. Bet ko mag-Japan." Mabilis na tugon niya. Abot tenga ang ngiti niya nang pumayag ito. "Super thank you, Ate!" "No problem. You deserve it, Sis. Just enjoy. Si Papa, sasama rin ba sa'yo?" Napalingon siya sa Papa niya. Todo iling ito. Naka-loud speaker kasi siya kaya rinig na rinig ang usapan nila. "Nope, Ate. Hindi siya sasama." "Alright. Mag-transfer na lang ako sa account mo. Mag-book ka na. Ingat!" "Thanks again, Ate. Ingat din!" Nang maibaba na niya ang tawag. Tumalon-talon siya sa tuwa. First time niya pupunta sa Japan kaya masayang-masaya siya. "Dapat sa America ka mag-gala sagot naman ng Ate mo. Wala naman guwapo sa Japan," komento ng Papa niya. "Pa, hindi lalaki ang habol ko roon." Nagkibit balikat na lang ito. Tumakbo naman siya agad sa kuwarto niya at mabilis na nag-book ng flight papuntang Tokyo, Japan. Hindi na siya masyado magdadala ng damit. Mag-shopping na lang siya roon. Ngayon pa lang kinikilig na siya sa sobrang excitement. Pinili niya ang pinakamaaga flight. Tomorrow, 4:30 AM. This is it! Mas okay na rin ito magbakasyon siya para mawala ang badtrip niya. Marahil, hindi talaga siya type ni Twix o baka sèx lang talaga ang habol nito. Ang tanga kasi niya, bumukaka naman agad siya. Napahiga siya sa kama niya, matapos niya maayos ang traveling bag na dadalhin niya. Siniguro niyang dala na niya ang mga dapat dalhin. Kinaumagahan, saktong alas dos nang madaling araw siya bumangon at naligo. Nagpahatid na rin siya sa Papa niya papuntang airport. Pagkapasok sa airport check-in departure, nakaramdam siya nang kakaibang pakiramdam. Pakiwari'y may tumitingin sa kaniya na hindi niya mawari. Iginala niya ang paningin, wala naman siya nakitang kakaiba sa paligid. Napabuga na lamang siya ng hangin. Ilan sandali pa ay nag-announced na maaari na pumasok sa loob ng eroplano. Nasa dulong bahagi ang seat number niya. Napangiti siya nang malaman nasa tabi siya ng bintana. Yes! Kaagad niya inayos ang seatbelt pagkaupo niya at tinutok ang tingin sa bintana. Naramdaman niyang may umupo na sa tabi niya subalit hindi na siya nag-abalang lumingon. "Oh God! Nakaka-excite." Pabulong na sabi niya. "Ogenkidesuka, Creamy?" Isang pamilyar na baritonong boses ang nag-agaw nang atensiyon niya. Mabilis na nilingon niya ang taong nasa tabi niya. Nagtatakang napatitig siya kay Twix na seryosong nakatutok ang mata sa kaniya. "W-What are you doing here?" bulalas niya. Hindi sinagot ni Twix ang tanong niya bagkus inilapit lang nito ang mukha nito sa mukha niya sabay kinintalan siya nang magaan na halik sa labi. Napaawang ang bibig niya sa kabiglaan. Nginitian siya ni Twix at inayos ang pagka-buckle ng seatbelt nito. "I miss your lips." Lalo siyang napatanga dahil sa sinabi nito. Miss my lips? One week ito 'di nagparamdam tapos susulpot na lang ito bigla na at manghahalik na lang. "Please don't kiss me like that--" "Anong kiss ba ang gusto mo? Torrid kiss?" Nakangising turan nito. "Hindi! Ibig ko sabihin wala kang karapatan halikan ako dahil--" Nabura ang pagtataray niya at iba pa niya balak sabihin nang halikan siya uli ni Twix sa labi. Ngunit, hindi na magaan na halik, isang malalim na halik na. Halos mawala siya sa katinuan nang lumalim at tumagal ang paglalaban ng mga labi at dila nila. Parang sabik na sabik ang binata sa kaniya, damang-dama na niya ang malikot na kamay nito na humihimas-himas sa kanang dibdib niya. Napaungol siya. Mas naging mapusok pa ang halikan nila nang marinig nila magsalita ang piloto sa speaker. Tinulak niya si Twix nang ma-realized na nasa loob nga pala sila ng eroplano. Napalingon siya sa mga ibang pasahero na patay malisya lamang. Grabe ang kabog ng dibdib niya sabay sulyap sa binatang nasa tabi niya. Pinukol niya ito nang matalim na tingin. "How dare you!" mahina wika niya na may halong inis at gigil. Pagak na tumawa lang si Twix. "I miss you too." Umingos siya at ibinaling na lang ang tingin sa bintana. Nasa himpapawid na sila, mas maiging pumikit na lang siya. Apat na oras ang biyahe mula Manila to Tokyo kaya naman, pipilitin na lang niya matulog kaysa kausapin si Twix. "Anong gagawin mo pala sa Tokyo?" Narinig niya tanong ni Twix pero umakto siyang walang naririnig. Naulinigan niya rin ito napabuntong hininga nang hindi siya kumibo. "Look, Creamy. May inasikaso lang ako kaya nakalimutan kita kontakin." "Why are you here? Sinundan mo ba ako rito?" iritadong tanong niya. "No. Slight. Actually, palabas na ako ng airport nang makita kita. Sinundan kita at nalaman kong Tokyo ang flight mo, buti na lang may ticket pang available." Sumimangot siya. Bakit parang hindi siya naniniwala sa paliwanag nito? So, anong ibig nito palabasin? Bakit kailangan sundan pa siya? "Bakit mo ako sinundan? Nagsayang ka lang ng pera sa pamasahe mo." Mataray na wika niya. "I don't care. Gusto ko lang makita at makausap ka." "Wala kang gagawin sa Japan." "Ayaw mo ako kasama?" Malungkot na tanong nito. Umasim ang mukha niya at tinaasan ito ng kilay. Baliw ba 'to? Kaya nga siya nagbakasyon para mawala ang inis niya rito. "Excuse me, Mr. Twix Donovan. Sino ka ba para isama ko?" "We had sèx." "So?" "That's mean, we already have intimate relationship." Napantastikuhan siya sa sinagot nito. "Ano 'to, FUBU?" Naiinis na bigkas niya. "FUBU? What's that mean?" Umiiling-iling na lang siya. Bagong term lang naman 'yon na ibig sabihin ay f*ck buddy. "Nothing!" Inismiran niya ito na kinatawa naman ni Twix. Pinisil nito ang pisngi niya pero agad naman niya tinampal ang kamay nito. "Don't touch me, please." Patuloy na pagtataray niya. Subalit imbes tumigil si Twix kabaligtaran ang ginawa nito. Panay ang hawak nito sa kaniya ang masaklap pa, kada hipo at himas nito sa hita niya ay libo-libong kuryente ang nanunuot sa balat niya na hindi niya makontrol. Kainis talaga! Himas lang rumupok na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD