2 years later... CREAM ANN. "ANN, saan na 'yon belt ko na leather?" Napalingon siya sa asawa niya na si Dr. Miles Santos. Isang taon na rin mahigit mula nang ligawan siya at ikasal sila makalipas ang ilan buwan na ligawan. "Hindi ko nakita, babe. Check mo sa drawer," tugon niya habang busy nagtitimpla ng gatas ng anak nila na 1 year old na si Baby Rix. Napansin naman niya iritado na si Miles sa kakahanap ng belt nito. "Mahal ang belt na 'yon. Pahanap naman." Tumaas na ang boses nito. Umikot naman ang mga mata niya. Hmp! Pakialam ko sa presyo niyan! Hindi na lang siya kumibo. Hinayaan na lang niya magdabog ito hanggang sa pabalibag na sinara ang pinto ng kuwarto nila. Napabuntong hininga na lamang siya. Narinig na lang niya ang pag andar ng makina ng kotse nito, tanda na pag alis

