Kairus Hernandez’ Wala sa sarili kong inisa-isa ang dalang mga prutas para mailagay sa malaking na basket na nasa tabi ng kama. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang maalis ang napag-usapan namin ni Ate Mira sa isip. Biktima lang din ang babae ng lahat. Kahit siya, hindi inasahang magiging ganito ang buhay ni Franco. Na hanggang ngayon ay si Elle pa rin pala ang nasa isip niya. Malaking sugat din ang nadulot noon sa babae. Noon pa man, Ate Mira's been so understanding with the guy. Simula noong nagpakasal sila hanggang ngayon. “I’m sorry, Kairus. . . wala talaga akong alam sa nangyari,” agad na sabi ni Ate Mira nang maging tahimik ang lugar. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay nito pati na ang hindi mapakaling paa. “Hindi ko alam kung kailan, hindi ko

