Sa pangalawang araw sa banyagang bansa, hindi sinayang ni Eilythia ang kahit ano pang oras. Kung yayakapin nito ang tulong na handang ibigay ni Franco, mas mapapadali ang lahat. Isa pa, wala namang mali kung ganoon nga ang gawin niya. Franco’s been her friend. Siya iyong nanatili kay Eilythia mula nang magsimula ito ng panibagong buhay sa Switzerland.
With Franco’s help, mas malaki ang posibilidad na makuha nito ang hinahanap at makauwi agad sa bansa para makasama ang pamilya.
Kung ang babae ang tatanungin sa kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito, alam niyang paniguradong maiintindihan siya ng kahit sinumang ina.
Walang ina ang gugustuhing mawalan ng anak.
Walang ina ang gugustuhing mabuhay sa paghihirap ang sarili niyang pamilya.
Bilang ilaw ng tahanan, walang ibang gustong makuha si Eilythia kundi ang hustisya para sa anak. Iyon na ang pinakahuli niyang magagawa para kay Aleeyah kaya kahit maging gaano man iyon kahirap, titiisin nito ang lahat.
Sa pitong taong iyon, alam nitong ginawa nito ang lahat para sa pamilya. At napakaaga pa para bitawan niya ito.
Malinaw sa isip niyang gagawin nito ang lahat para maibigay ang kahit ano at maprotektahan ang pamilya. Para sakanila ang ginagawa ng babae, iyon ang totoo.
First thing in the morning, nasa condo na siya ni Franco. Ayon sa lalaki, they’ll discuss their plans. Nasiyahan naman si Eilythia roon, mas maaga, mas magiging madali para sakanilang simulan ang lahat.
May business dito si Franco kaya malaki rin panigurado ang impluwensya ng lalaki.
Pero ang totoo, labis ang nararamdamang pagkailang ng babae. Siguro ay dahil iyon sa matagal nilang hindi pagkikita ni Franco o maaaring naninibago ito sa tindig ng lalaki. He seems very influential. He stands with power and knowledge kaya naman ibang-iba na ang pamumuhay ng lalaki.
He really became successful on his own, Eilythia thought. Sino ba naman kasi ang hindi mapa-proud sa mga nakuha ng lalaki? Masaya siyang nagawa ni Franco ang kung ano mang pinapangarap.
“These are the reports of the incident. Kung pagdudugtong-dugtungin, they will be very detailed. Kaya may mga nakuha na rin akong leads, alam ko na rin kung saan ako marahil magsisimula at kung sinong mga tao ang kailangan kong harapin,” walang takot na sabi ni Eilythia.
She's always been like this—iyong babaeng walang kinatatakutan. Ngunit mas lalo lang itong tumatapang sa kung ano man ang pinagdadaanan. She is desperate to get what she wants, hindi lang para sa sarili kundi pati na para sa pamilya.
Seryosong binasa iyon ng lalaki, ini-scan, naghanap ng kung ano pa mang impormasyong makakatulong sakanila. “IC Hotels. . . ‘yun ‘yung–”
“Nakalaban ng H&H sa isang US investor, Franco.” pagtatapos doon ni Eilythia.
“Nako, napakabigatin ng investor na ‘to, Elle!” hindi pa makapaniwalang sabi ni Franco.
Syempre kilalang-kilala nito ang investor na iyon, kahit sino ata ay papangaraping magkaroon ng kontrata sa Unifax na pagmamay-ari ni Mr. Foi. “Mga bago at matatagal ng kompanya, nagkakandarapa para mag-invest sakanila si Mr. Foi, Eilythia. Napaka-swerte ng H&H!”
Ngiti lang ang naisagot ng babae sa manghang-manghang si Franco. Paano pa nga ba nito magagawang i-celebrate pa ang bagay na iyon? Hindi nito mapigilang sakitan ng dibdib dahil sa naiisip.
Kung maayos pa sana ang lahat, if I could still celebrate with Aleeyah, I’ll never sleep. Kailan ba iyong huling tinabihan ko sa pagtulog ang anak? Sana ay mas tinitigan ko ito nang mas matagal. Sana mas mahigpit kong niyakap.
“So, ayon sa reports, malaki ang posibilidad that IC Hotels hold reponsible sa nangyari?” Wala nang ganang tumango ang babaeng nasa harapan ni Franco. Namumula na ang ilong dahil sa nagbabadyang mga luha. “But anyways, IC Hotels will be having their anniversary celebration this weekend.”
Humigpit ang hawak ni Elle sa laylayin ng kanyang damit. Celebration? How can they f*****g do that? How dare them celebrate?
“Are you invited?” Inunahan na nitong makapagplano ang lalaki. “We'll go, Franco. I need to see who did that to my children! Paano nila magagawang magcelebrate, huh? Paano–”
“Calm down, hindi tayo makakapag-isip ng epektibong plano kung pangungunahan tayo ng nararamdaman.” Marahang tumayo si Franco, pumasok sa isang kwarto’t lumabas na may hawak isang malaking box.
Nag-aalangang tumingin si Eilythia sa ngayong seryosong-seryosong lalaki noong ibinaba nito ang box sa mismong harapan niya. Hindi nito mawari kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki at pilit niyang kinukumbinsi ang sariling malaking bagay ang maitutulong ni Franco sakanya.
“We’ll go. I’ll let you meet their CEO and the other board members, but you need to promise me that you’ll never do something inappropriate,” dere-deretsong sabi ng lalaki bago bumalik sa kinauupuan.
“Franco. . .” Iyan lang ang nasabi ni Eilythia nang buksan nito ang kahon. Kumikinang ang pagkapula ng damit na babagay sa kutis ng babae. Plunging neckline, mataas na slit at alam nitong labis na maipapalabas noon ang kurba sa katawan ang kumaway sa mismong mga mata ni Eilythia.
Nagpang-abot ang mga pagkalabog ng puso nito. Ilang araw pa man din bago ang weekends, labis-labis na ang nararamdaman nitong kaba. “H-Hindi ba masyadong. . .”
Hindi na natuloy ni Elle ang sinasabi noong umiling-iling ang lalaking kaharap nito. “That will suit you better, trust me. First impression always lasts,” simpleng paliwanag ng lalaki bago nagpunta sa kitchen counter.
Marahan itong sinundan ng babae. Gusto pa sana nito ang magsalita at magtanong pero naputol na ata ang dila nito sa sobrang kabang nararamdaman.
But then, in situations like this, mas kailangan nitong pagkatiwalaan si Franco. Ang lalaki lang ang mayroon siya sa lugar at alam nitong higit kaninuman, hindi siya ipapahamak ng kaibigan.
“Nagagawa ko nang makasalamuha si Mr. Ji sa iba’t ibang parties, conferences, I must say I know him a little,” pagpapatuloy ng lalaki. “Pasensya ka na, Elle. More than anything, kailangan muna nating kunin ang loob niya.”
Tumango-tango si Eilythia, nasasagot na ang nga katanungan. Naisip niya na rin ang bagay na ito ngayon. Paano niya nga ba marahil makukuha ang atensyon ng isang successful, mayamang lalaki? This is the only thing she could do.
Pagkatapos makainom ng tubig ng lalaki, bumalik itong muli sa harapan ni Elle ng may malaking ngisi. “We need to prepare. Alis tayo?”
Nagtataka, sinuklian na lang ni Eilythia ang pagngiting iyon ni Franco. “Where?”
“We just need to change something,” seryosong sabi ng lalaki pero hindi roon naging komportable ang babae.
Mabilis iyong napansin ni Franco kaya naman mas inilapit nito ang katawan sa babae dahilan para dumikit ang malamig na dingding sa mismong likod ni Eilythia.
Impit pa itong mapapasigaw nang mas ilapit ng lalaki ang mukha sakaniya. “Trust me. I’ll help you. . .” sambit nito sa mismong tapat ng ibabang tainga ng babae dahilan para maramdaman ni Eilythia ang malamig ng hininga nito sa leeg niya.
***
“Teka! Teka, Franco!” Hindi napigilan ni Eilythia ang mapahalakhak sa ginagawa ng lalaking pagsayaw-sayaw sa mall doon.
Nagmistula itong bata sa gilid ni Elle. Hindi napigilan ang paghagikgik sa kasiyahang nararamdaman. Ang totoo, matagal nang pinapangarap ni Franco ang makasama si Eilythia sa mga lugar na katulad nito. Where they could be free kahit pa napakaraming tao ang nakapaligid.
“Here,” sabi nito nang tumigil sa harapan ng isang salon. “You should get your hair done. Kung sila man ang may pakana ng lahat, hinding-hindi ka dapat nila makikilala.”
Ngumisi lang ang babae saka sumunod kay Franco sa loob. Samu’t sari ang naging pagbati sa dalawa bago ito bigyan nang mauupo. Nakakapanibago lang iyon dahil kay Eilythia lalo pa’t iba sa nakasanayan ang lenggwaheng ginagamit dito.
“Geunyeoui meolileul geumballo yeomsaeg haejuseyo,” mabilis na sabi ni Franco sa unang babaeng nakita. Color her hair blonde, please.
Mabilis iyong sinunod ng babae, pagkatapos ay dali-daling iginiya papasok si Elle sa isa sa mga kwartong naroon para makapagsimula.
Iniisip pa nitong masyadong mabilis ang mga nangyayari. Pero hindi na siya dapat pang magpahuli sa panahon. Naririto na siya. Ilang araw na lang panigurado ang bibilangin bago mahuli ang gumawa noon sa mga anak.
She’ll overcome.
Nginitian niya pang muli ang lalaking may malaking ngisi sa labas bago tuluyang magsarado ang pinto.